17

60 5 0
                                    

XYRIL

ANG HUMIHINGAL na Xyril Higashino ang dumating sa police station sa syudad nila. Si Felecity naman ay lumulutang lang sa kaniyang likuran simula nang matanggap nila ang tawag mula kay Serein. Madilim na ang kalangitan at rush hour na ng mga empleyadong papauwi kay nahirapan siya sa pagkuha ng taxi kahit pa na gumamit siya Grab application kaya ang ginawa niya ay sumakay siya ng LRT at mula sa estasyon ay tinakbo na niya ang papunta sa police station kung saan naroon sina Serein at Mistras.

Pawis na pawis at humihingal man ay ang unang narinig ni Xyril ay ang malakas na boses ng isang nakakatandang babae at ang hindi nagpapatalong si Serein.

"I am the mother of the deceased child, I hold the final say!" Saad ng isang boses babae na pamilyar para kay Xyril. Pumipiyok ang boses nito. Hindi kaya? Sa nakitang mabilis na paglutang ni Felecity sa pinanggalingan ng boses ay nakumpirma ni Xyril ang kaniyang hinala – iyon ay ang boses ng ina ni Felecity. What's happening?

Sinundan ni Xyril si Felecity na pumasok sa isang silid. Hindi naman siya pinigil ng mga pulis na nasa labas, siguro ay hinuha ng mga ito na kasama siya ng mga taong nagsasagutan sa loob.

"It is your child, I know. But Mrs. Hidalgo, aren't you curious who faked Felecity's autopsy report? Who's behind it? Kahit ang mga pulis ay sang-ayon na mayroong foul play na nangyari. Felecity deserves justice!"

Ang maluha-luhang mukha ni Serein na tinapatan ang boses ng ina ni Felecity ang unang nabungaran niya pagkapasok niya sa silid. Sininyasan naman siya ni Mistras na nasa tabi ni Serein na lumapit sa kanila kaya agad niya ito ginawa.

"And who are you, young man?" Tanong ng matanda na lalaking pulis na nakaupo sa mesa na pinagigitnaan ng dalawang kampo. May nakasulat sa mesa nito na ito si Police Detective Samuel F. Oraiz.

"Xyril Higashino, I'm with them." Turo niya kina Serein at Mistras na ikinatango ng police detective. Inilibot ni Xyril ang kaniyang paningin at doon niya nakita si Felecity na nakatayo sa kisame na halatang nakikinig sa kanila. This must be so painful for her.

Nagsalita na ang padre de pamilya ng pamilya Hidalgo. "Nailibing na ang anak namin, sir. Gusto na sana naming matahimik ang kaluluwa niya kung nasaan man siya ngayon." May lumbay sa boses nito at mamasamasa ang mga mata nito.

Kung alam niyo lang po. Nasa ibabaw niyo nakatayo sa kisame si Felecity.

"So you're gonna let her killer walk freely in this world? And how sure are you that she's at peace?" Gagad ni Serein na ikinatikom ng ama ni Felecity. Sinagot naman ito ng ina, "Labas ka sa usapang pampamilya, hija. Atsaka, hindi naman kayo gaano ka-close ni Felecity. Is this your scheme to violate our daughter's peace?"

Pero imbis na matahimik sa sinabi ng ina ni Felecity ay ngumisi lang si Serein. "Your consent does not matter. Hindi naman namin ipapahukay ang katawan ni Felecity. Nag-file na ako ng petition para buksan ang kaso ni Felecity na di umano'y nagpakamatay ayon sa fake autopsy report. All I want to know is where is the real autopsy report?"

Tila nag-isip ang ginang sa sinabi ni Serein kaya nagsalita ang yaya ni Felecity na si Nana Belen, kasing tanda lang ito tingnan ng ina ni Felecity. "Please Alex, gusto ko ring malaman kung ano ang nakalagay sa orihinal na autopsy report ni Felecity." Umiiyak din ito habang nagmamakaawa sa padre de pamilya ng mga Hidalgo.

Naghintay ang lahat. Pati ang police detective na hindi makakagalaw hanggang walang official file of complaint. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa Nana Belen ni Felecity at sa asawa nito bago tumingin sa police detective.

"Do it. Do the investigation. And find me who dare hurt my child." May galit at lungkot sa mga mata nitong nakatingin sa beteranong police detective. "We are doing this for a closure," sabad ng ina ni Felecity.

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Where stories live. Discover now