4

881 45 3
                                    

FELECITY

ALL HABITS die hard. Napatunayan ni Felecity 'yon habang binabagtas niya ang hallway pabalik sa silid aralan nila. Nakasanayan na kasi niya na ngumiti sa mga taong nakakasalubong niya. Nakalimutan niyang isa nga palang transferee ang may-ari ng katawan niya kaya imbis ngumiti pabalik ang nginitian niya ay binibigyan siya ng mga ito ng mga nagtatakang tingin. May ngumiti sa kaniya pabalik pero kadalasan ay mga babae at naririnig niya pang naghahagikgikan ang mga ito.

Maliban sa transferee ang may-ari ng katawan na sinaniban niya ay talaga namang 'pretty' boy ito. Hindi bading ito sigurado siya pero may pagka feminine ang features nito. Siguro dahil napakaamo ng mga mata nito na tinernuhan ng matangos na ilong at mamula-mulang labi na tila kay sarap... Erase erase erase!

Nang buksan niya ang pinto ng silid aralan nila ay tila kay tagal na simula nang mabuksan niya ang pintong 'yon. She couldn't help herself but be sentimental all of a sudden. Mabilis siyang nasanay na lumulutaw lang sa mga pader at bigla na lamang sumulpot kung saan niya nais magpunta, she simply missed traveling by feet. Sa kaniya nakatingin halos ang lahat kasali na ang guro nila nang maglagi pa siya nang ilang minuto sa may pintuan ng silid aralan.

"Papasok ka ba Mr. Higashino?" takang tanong ng guro sa kaniya. Doon siya tila natauhan kaya mabilis siyang bumalik sa kaniyang upuan. Nagtaka siya nang mapansin niyang sa kaniya pa rin nakatingin ang kaniyang mga kaklase pati ang kanilang guro.

Bakit nga ba? At doon niya napansing imbis sa upuan ni Xyril siya naupo ay sa upuan niya bilang Felicity siya naupo. "Shoot," mahinang usal niya sa kaniyang sarili bago dahan-dahang hinarap ang mga kaklase niya at guro. Isang ngiti na naging ngiwi ang iginawad niya sa mga ito nang mabasa niya sa mga mata ng mga ito na parang isa siyang alien na kakalanding lang sa Earth.

"A-uh m-medyo nahilo lang ako kaya alam niyo na umupo lang ako," mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at umupo sa upuan ni Xyril Higashino. Nahalata ba ako? Hindi niya alam. Ang tanging alam niya ay sisimulan na niya ngayon ang paghahanap sa mga kasagutan.

AT DITO sisimulan ni Felecity sa bahay nila. Nakatayo siya sa harap ng mansion na pag-aari ng kaniyang pamilya. Buong buhay niya ay dito na siya lumaki. Oo nga at may bahay sila sa farm nila sa probinsya pero hindi siya madalas doon. Sa hardin din ng bahay na ito siya nagdaos ng eighteenth birthday. Marami siyang masasayang ala-ala rito, mga ala-ala kasama ang pamilya niya kasama ang Nana Belen niya at si Bluebeard na kaniya aso. Ang aso niyang si Bluebeard ay isang Golden Retriever na iniregalo pa sa kaniya ng kaniya ina noong nakaraang taon sa kaniyang kaarawan. Miss na miss na niya ang mga ito. Noong isa pa siyang multo ay nasasaktan siya tuwing bumibisita siya sa kanila. Umiiyak sa loob ng silid niya ang kaniyang ina habang si Nana Belen naman ay umiiyak habang hawak o yakap ang kaniyang mga damit. Ang ama naman niya ay doon na halos naglalagi sa mini bar nila habang nakatingin sa kaniyang picture frame.

Pero sa harap ng madla ay malakas ang mga ito. Lihim na tinataguan lamang ng mga ito ang kaniya-kaniyang sugat. At hindi niya gusto iyon, gusto niyang harapin ng mga ito ang katotohanang wala na siya dahil masakit makita ang pamilya niya na nagdadalamhati. Kahit anong iyak ng mga ito ay hindi na siya maibabalik ng mga ito, mas gugustuhin niya pang makita ang mga ito na nakangiti. Gusto niyang baunin sa ibang mundo ang mga ngiti ng mga ito, hindi ang mga lumuluhang mga imahe nito. Alam niyang mahirap, napakahirap, dahil na rin siya ang nag-iisang anak.

Huminga muna siya nang malalim bago nag-doorbell. Isang intercom ang sumagot sa kaniya, ang kaniyang Nana Belen. "Sino po sila?"

"Fe- Xyril. Xyril Higashino po." Magalang niyang sagot. Itinapat niya ang kaniyang mukha sa camera upang makita ng Nana Belen niya ang kaniyang mukha este ang mukha ni Xyril Higashino.

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Where stories live. Discover now