19

93 7 0
                                    

XYRIL

AWTOMATIKONG BUMUKAS ang gates ng Higashino Clan's main house. Ang lahat ng mga taong nadaanan ni Xyril ay yumuyuko sa kaniya bilang paggalang pero hindi niya ito pinapansin. Ang kaniyang pokus ay papunta sa lugar kung saan ay halos doon na siya naglagi sa lugar na ito – ang altar ng mga Higashino.

Dito itinatali ang mga malalakas na masasamang espiritu at iisa lang ang mga nagiging kapalaran ng mga nadadala rito – isang paniguradong pagkatalo laban sa head exorcist ng pamilya nila. At hindi ko papayagan ito!

Lakad-takbo na ang ginagawa niya. Pagkaliko ni Xyril ay bumungad sa kaniya ang altar na may maraming kandila at napapalibutan ng isang malaking pentagram na drawing ang sahig. Maraming estatwa ng mga santo sa paligid ng malaking silid habang nakasara lahat ng mga bintana. Nagkalat din ang mga krus sa silid at mga imahe ni Hesus.

"Leave her alone!" Galit na sigaw ni Xyril nang makita niya sina Toshiee, Xander, Erni, at ang kaniyang abuelo na pinapalibutan si Felecity na nakaluhod at nasa loob ng malaking pentagram. Sumisigaw ito habang nagpupumilit na kumuwala sa mga kadenang kulay asul. Alam niyang hindi basta-bastang kadena ito, nagmumula ito sa spiritual energy ng apat upang ikulong si Felecity na halatang nasasaktan.

Ang itim na itim na anyo nito ay nakaluhod habang gapos ng mga kadenang asul ng apat. Pilit na nanlalaban ito pero hindi ito makatayo mula sa pinaglalagyan habang nakayuko at natatabingan ng buhaghag na buhok nito ang mukha ni Felecity.

Kahit alam niyang hindi na niya nakikita ang mukha nito ay gusto niya pa rin tumingin ito sa kaniya. Heck, I miss her. Sa mga oras na hindi ko siya nakita, muntik na akong mabaliw.

Ngumisi ang kaniyang abuelo nang lingunin siya nito – isang ngising tagumpay na ikinatiim bagang niya. "Now look who decided to join the party. Come here, Xyril! This will be your first time so it should be special – the girl who was haunting you. Pumwesto ka na at kulang pa kami ng isa upang makumpleto ang pentagram."

"No. Nandito ako upang kunin si Felecity sa inyo." Malamig na turan ni Xyril. Wala nang kahit anong bakas na mabait na Xyril na gustong-gusto ni Felecity. Napalitan ng Xyril kung saan hindi pa niya nakilala si Felecity.

His grandfather's laugh boomed inside the altar. "You talked big for someone who couldn't even accept his bloodline. Sige, I'll humor you since this is the first time you stepped foot in the altar after how many years. But, tell me, what shall I get from this?"

Xyril smirked as he already knew what his grandfather would say to him. After all, he came prepared. "I will give you my freedom, just give her back to me. Please." Sa huli niyang sinabi ay lumuhod na nang tuluyan si Xyril. At sa nakaluhod niyang estado, nagtagpo ang kanilang mga mata ni Felecity.

Ang dating kulay rosas nitong mga mata ay tila apoy na nagbabaga ngayon – nasasaktan siya sa uri ng tingin nito sa kaniya na para bang hindi na siya kilala nito. A realization dawned upon him with the flashbacks of unwanted past he tried to forget.

Ang kaluluwang nakita niya na naging dahilan kung bakit nanigas siya sa kinatatayuan niya noong panahong iyon na naging mitya ng kamatayan ng kaniyang nakakatandang kapatid. Suddenly, he could feel his breath leaving his lungs and his grandfather saw it all.

Napaubo si Xyril habang hawak niya ang kaniyang damit na nasa bandang dibdib niya, ang isa niyang kamay ay itinukod niya sa sahig upang maging suporta ng kaniyang katawan na unti-unting nawawalan ng hininga. No! Hindi pwede! Kukunin at ililigtas ko pa si Felecity.

Kahit hirap at pinilit ni Xyril na tumayo kahit na nanginginig ang kaniyang mga tuhod at hindi steady ang kaniyang pagkakatayo. Nakatingin sa kaniya sina Toshiee, Erni, at Xander – kita niya ang awa sa mga mata nito na ikinainis niya. This is the reason why he hated this place. Ayaw niyang kaawan!

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Where stories live. Discover now