18

63 4 0
                                    

XYRIL

ISANG LINGGO mula nang mawala ang panyong pinakakaingatan niya. Inis siya pero ayaw niyang ipakita ito kay Felecity dahil baka magtanong ito kung bakit bugnot na bugnot ang pakiramdam niya. Alam niya kasing marami nang problema ang dalaga at ayaw niyang dumagdag pa.

Just this day, pinatawag sila ni Serein. Kaya ngayon ay paparating na sila sa mansyon nito dahil dito raw sila kikitain. Si Felecity naman ay nasa tabi niya nakaupo sa may bakanteng upuan. Malalim ang iniisip nito at nakatingin lang ito sa baba.

Noong isang araw lang kasi ay isa-isang sinundan nito ang lahat ng kaklase nila dahil nababagalan ito sa usad ng pulisya. Ayaw niya sana dahil mga pansariling dahilan subalit alam niyang kailangan ito ni Felecity.

Napag-alaman nila ang mga dahilan kung bakit may motibo ang mga kaklase nila upang patayin si Felecity. At ang isang lumuluhang Felecity ang nadatnan ni Xyril noong umuwi ito sa apartment niya isang gabi. Nakabaluktot ito at umiiyak sa isang madilim na sulok.

Nang humarap ito ay muntik nang mapaiyak si Xyril – nakuha na kasi ng black spot ang buong mukha nito. Ang tanging nakikita na lamang ni Xyril ay ang pulang-pula na mga mata ni Felecity at ang mga luhang umaalpas mula rito. Ang buong katawan nito ay tila anino na sa itim maliban sa isang parte , ang huling parte na nagpipigil na maging bad spirit si Felecity – ang parte kung saan nakalagak ang puso nito.

Ang minsang putlang-putla na anyo ni Felecity ay naging kasing itim na anino maliban sa may bandang dibdib nito. There is still hope.

Dahil hindi ko siya pwedeng kausapin o bigyan ng phone upang malaman kung ano ang iniisip niya ay ginawa ko ang parati niyang ginagawa sa akin.

Xyril Higashino – a closed off guy – made his first ever finger heart for a ghost that crushed his walls piece by piece. Pasimple niyang ipinakita rito ang kaniyang finger heart kaya agad na napalingon ito sa kaniya. Sinalubong ni Xyril ang wala nang halos mukha ni Felecity maliban sa pulang mga mata nito. He gave her his infamous grin before gesturing an okay sign while wriggling his eyebrows.

"There you go," mahinang saad ni Xyril nang makitang umiling ito bago akmang sasandal sa balikat niya kaya madaling inilagay niya ang kaniyang maliit na bag sa kanang balikat upang hindi ito tumagas sa katawan niya. "Nothing changes, Felecity. Kahit maging color pink na multo ka pa, nothing will every change."

Alam ni Xyril na nagtataka ang driver ng taxi dahil napapatingin ito sa kaniya mula sa rearview mirror pero walang pakialam si Xyril.

He just hoped that he can survive after the forty-nine days run out.

IMBIS SA mansyon ni Serein ay tumawag ito habang nasa taxi pa sila kanina at nagmamadaling pinapapunta siya nito sa police station. Hindi talaga niya makuha ang takbo ng isip ni Serein. Pero may kabang nararamdaman si Xyril dahil narinig niya mula sa boses nito ang tono ng isang may malaking problema.

Pagkababa nila sa tapat ng police station ay agad na nagbayad si Xyril at mabilis na tumakbo papasok. Nadatnan niya ang nakaupong si Serein. Napahinto sila ni Felecity nang makitang umiiyak ito habang si Mistras naman ay abala sa pagpapatahan dito.

Alangan man, ay lumipat pa rin si Xyril sa mga ito. "Serein? Mistras? What happened?" Nananantiyang tanong niya sa mga ito – nasa tabi niya pa rin si Felecity.

Umayos nang upo si Serein bago humarap kay Xyril, ang mukha nito ay mapula dahil sa pag-iyak at sa unang pagkakataon ay nakita niyang magulo ang buhok nito. "What happened?" Ulit niya.

"The criminal," umpisa ni Serein na naputol dahil sa pagkapiyok ng boses nito. Nabitin din ang hininga ni Xyril. Si Felecity ay lumutang palapit kay Serein at tumabi sa kabila nito. "The criminal finally confessed. And I know Felecity will be hurting as of this moment."

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon