7

579 42 0
                                    

XYRIL


NAGLALAKAD NA papasok sa kaniyang paaralan si Xyril Higashino. Nakakunot ang kaniyang noo sa buong durasyon ng kaniyang paglalakad dahil una sa lahat hindi niya pa rin matagpuan ang kaniyang cellular phone. Ikalawa nabago ang kaniyang shampoo at amoy babae na ang ulo niya ngayon. Pangatlo, ang liit na lang ng laman ng kaniyang pitaka. Ano nga ba ang ginawa niya kahapon at nagkaroon siya ng ganitong mga problema ngayon? Uminom ba siya? Matagal na rin naman siyang nakainom at sa pagkakaalam niya ay hindi naman siya grabe kung uminom at malasing. Mas sumasakit lamang ang kaniyang ulo pag iniisip niya ang mga ito.

"Xyril!" May tumawag agad sa kaniyang pangalan nang malapit na siya sa paaralan na kaniyang pinapasukan. Napahinto siya agad nang makita niya ang tatlong tao na may ngiti sa kanilang labi habang nakatingin sa kaniya. Ang isa sa mga ito ay naalala niyang sumabunot sa isa niyang kaklase. Mira yata ang pangalan niya? Pero teka, ba't kumakaway siya sa'kin?

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ba't ba ang daming kakaiba nangyayari sa akin lumipas lang naman ang magdamag? Hindi alam ang gagawin ay tinaas niya ang kaniyang kamay upang kumaway pabalik – medyo malamya ang kaniyang ngiti. Naglakad na siya papunta sa mga ito, siguro ay may alam ang mga ito kung ano ang nangyari kagabi. Siguro ay ito ang mga kasama niya kaya naging malapit sila. Hindi naman siguro siya naging baliw sa isang gabi at nakipagkaibigan 'di ba? Hindi siya pupuwedeng magkaroon ng kaibigan, hinding-hindi.

Ayokong mangyari ulit iyon.

Mabagal ang kaniyang paglalakad kaya sinalubong na siya ng mga ito sa paglalakad. Tumingin siya sa paligid, parang wala lang ang mga estudyanteng dumadaan. Siguro ay dapat siyang makahinga nang maluwag kahit konti lang dahil hindi pala sila nakagawa ng isang kalohohan noong nagdaang gabi. Siguro nga ay nag-inuman lang sila. Nang malapit na ang mga ito ay doon siya ngumiti ng bahagya, mahirap hindi ngumiti lalo na at ang lalawak ng mga ngiting nakapaskil sa mga labi ng mga ito. Sina Mila, Ed at Lyndrian pala ang mga ito.

Pero ang hindi niya inaasahan ay nang tuluyan ng makalapit ang mga ito sa kaniya ay mabilis siyang dinamba nina Lyndrian at Ed. Ginulo ni Lyndrian ang kaniyang ulo habang may ngisi sa labi nito. Si Ed naman ay tinapik siya sa balikat bago bumalik sa tabi ni Mila na tatawa-tawa lang. Ba't ang kilos ng mga ito ay parang bumabati sa isang kaibigan? Hindi kaya?

"Hoy Xyril, ang lalim ng pagkakunot ng noo mo ah." Bahagya siyang itinulak ni Lyndrian na ikinagulat niya ulit. Kung normal na okasyon lang ay baka nabigyan na niya ito ng isang matalim na tingin. Pero ilang beses na ba siyang nagulat simula nang gumising siya kanina?

"Masama ang pagkakabangon niya panigurado," saad ni Ed na ikinatawa ng tatlo kaya ngumiti lamang siya. Ngiti na parang ngiwi, hindi alam ng mga ito ang pagtatalo at pagkalito sa loob niya. Mabuti na lamang at tumunog ang bell. Mabilis siyang hinablot ng mga ito papasok sa kanilang paaralan.

Mamaya ko na lang sila kakausapin.

DUMAAN ANG umaga na para siyang sinisilihan mabuti na lang at hindi nagpapakita ang multo sa kaniya. Ang mabuti siguro ay kausapin niya ang puntod nito matapos itong mailibing nang matahimik na ito sa pagpapakita sa kaniya. O di kaya ay puntahan niya ang burol nito.

Napatingin siya sa dating upuan ni Felecity. Nandoon pa rin ang vase na may bulaklak na nakalagay. Ngayong araw na ito ay kulay dilaw na rosas ang nakalagay. Tahimik siya sa buong durasyon nang hatakin siya nina Mila papuntang canteen.

Ano na naman?

Muntik na niyang natabig ang kamay nito nang hawakan nito ang kaniyang braso. Buti na lamang at nakapagpigil siya. Unwanted memories started to resurface in his head every time he tries to befriend someone. Kaya hindi niya maintindihan kung paanong isang araw paggising niya ay may tatlo na siyang kaklase na kung umasta ay tila mga kaibigan niya ang mga ito.

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Where stories live. Discover now