CHAPTER 38

7.6K 149 89
                                    

CHAPTER 38

Bang's POV

"You believe me Parts!!! Promise! Feel ko na feel ko eh! Parang may iba eh. I mean, parang... hindi ko alam... pero may mali talaga eh" may hand gestures pang pangungumbinsi sa akin ni Amanda.

Paulit ulit na lang siya. Non sense na.

"Mands, stop it na" pigil ko dito ng diretso lang sa daan ang tingin.

Kung ano ano ng pumapasok sa isip niya para lang palakasin yung loob ko.

I'm over Vic na. My mission now, is just to apologize na lang. Nothing more, nothing less.

"Ayyys! Please na kasi Part, maniwala ka sa akin. Feel na feel ko eh. Damang dama ko, iba eh. May iba. Parang hindi talaga tama. I mean, I know Vic. At nakikita ko kung ano siya sayo before. Hindi siya ganun dun sa babaeng kasama niya that time" pangungulit nito.

Konti na lang babatukan ko na to eh.

May ilang araw na niyang pinipilit sa akin ang bagay na yan,kesyo daw parang hindi naman totoong girlfriend ni Vic si Mika. Kesyo daw hindi niya napifeel na sweet yung dalawa. Hindi daw niya feel yung babae. Matangkad lang daw sa akin, maputi lang daw, lamang lang daw ng ilang paligo, pero feel daw niya na hindi ganun ang tipo ni Vic.

Sa isang madaling salita, pinipilit niya sa akin na hindi girlfriend ni Vic si Mika.

"Alam mo! Ewan ko sayo ah, anong pakilala sayo?" Tanong ko dito.

"Girlfriend" alanganing sagot nito.

"Oh! Edi girlfriend!!! Ang sweet sweet nila sa office wag kang mag-imbento!" Inis ng sabi ko dito. Hindi ako nagtatapon ng tingin sa kanya kahit gano pa siya ka expressive sa pagkukwento. Baka makasagasa pa ako hahaha.

Pinipilit nya yung mali, eh ako. Palagi kong kasama yung dalawa. Palagi ko silang nakikita, halos hindi sila mapaghiwalay. Ang lambing lambing nila. Palaging nagbubulungan, palaging naghaharutan. Palaging magkaholding hands. Asan dun yung hindi girlfriend?!

Lahat ng ginagawa namen ni Vic dati, doble pa yata nun ang sa kanila ngayon.

Gusto ko na nga lang malusaw kapag ganung eksena ang nakikita ko eh.

Bumabalik kasi sa akin yung katotohanan na, Yan Bang, yan yung dating meron ka, pero sinayang mo.

Ays! Drama off! Ito naman kasing katabi ko eh, maipilit ang maipilit.

"Tama na daldal Mands, malapit na tayo sa bahay nila" sabi ko dito ng makapasok na kami sa subdivision kung saan nakatira si Vic.

"Sige Parts ah! Tignan mo, ipapakita ko sayo ang sinasabi ko. Makikita mo mamaya na hindi talaga sila sweet. Promise! Si Vic?! Kelan hahayaan na magbitbit ng paperbags yung girlfriend niya? Kahit kelan di niya nagawa sayo yun dba? Kinuha nga lang niya nung nakita na niya ako eh! Feeling ko talaga may mali Parts eh" ulit nito.

Konti na lang papasakan ko na ng tissue yung bunganga nito eh. Ang kuliiiiiiit!!!!

"Alam mo! Palagay ko, badtrip ka lang kay Mika kasi napagkamalan kang sales lady kaya ganyan kung siraan mo eh" sabi ko dito.

Naikwento niya sa akin ang nangyare na yun, nung araw pa mismo kung kelan nangyare yun, sabi nga niya, akala ni Mika sales lady siya, at hanggang ngayon, kinukwento pa din niya. Kelan siya makakamove on? Yung totoo lang? Hahaaa.

Umirap naman ito sa akin.

"Hindi noh!" Paghalukipkip nito. "Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala.

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Hindi naman talaga kasi siya kapani-paniwala eh. Hahaha!

Maya maya pa ay nakarating na din kami sa tapat ng bahay ni Vic.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora