CHAPTER 12

7.1K 116 18
                                    

CHAPTER 12

Ara's POV

"Cams gising na...." sabi ko kay Cams habang ginigising ko siya. Nandito siya ngayon sa kama ko. Nakatulog. Ako naman, hindi ko namalayang nakatulog na din pala ako dito sa couch sa kwarto ko.

"mmmm?" tugon nito ng hindi pa din nakadilat at talagang nag iba pa nh pwesto sa pagtulog.

"Gising na. Kailangan mo ng umalis" tinapik ko na siya sa bandang mukha para tuluyan na siyang magising.

"Five minutes Vic" tawad pa nito at nagtalukbong ng kumot sa kanyang mukha.

"Hindi pwede Cams, you need to wake up as early as possible" bulong ko pang muli sa kanya

Yes. She needs to leave my house as early as possible. Kailangang hindi siya maabutan dito ni Mika. I mean, kailangan kapag gising ng kapre na yun, wala na siya dito sa bahay ko. Why? Because ayokong makahalata si Mika. Ayokong isipin niya na planado ko ang pananakot sa kanya kagabi.

Actually, sa tagal niyang dapuan ng antok, hindi na nakuha pang umuwi ni Camille, kaya hinayaan ko na lang muna si Cams na nakitulog dito sa kwarto ko, besides, masyado ng delikado ang 2:30 am na uwi if ever diba? But I told her also na kailangan hindi siya abutan ni Mika na nandito sa bahay ko.

Well, halimaw talaga ang Mika na yun, imagine alas dos ng madaling araw, gising pa para lang tapusin ang pinapagawa sa kanya ni Tito Manuel? I mean, kung sa akin yun? Hindi ko pagpupuyatan ng ganun yun, I'd rather talk to dad para lang sabihin na hindi ko kaya ang hindi ko kaya.

Masasabi kong duwag si Mika para umangal, pero matapang in a sense na alam niya sa sarili niya na kaya niya.

Pero I swear, hindi ubra ang tapang niya sa hamon sa kanya ng horror sounds kagabi? Hindi ako natakot na baka nabungungot siya sa ginawa ko, actually hindi ko na nga inisip ang possibility na yun eh, ang mahalaga lang sa akin actually, ay ang umalis siya dito sa pamamahay ko.

Sorry na lang sa takot na nadulot ng ginawa ko. Pero mauunawaan ko kung nakaimpake na siya sa mga oras na ito

"Cams...." muli kong pagtapik kay Camille ng hindi na siya sumagot pa sa huli kong sinabi. Feeling ko pa nga nakatulog pa lalo eh.

Sa pagtapik ko sa kanya na yun, tiniyak ko na malakas yun, enough para magising na siya ng bongga.

"Vic naman eh, ang aga aga pa!" sagot nito na pakamot kamot pa sa ulo niya. At talagang inangalan lang ako ng isang to huh! Hatakin ko kaya siya pababa ng kama ko? Buti nga siya ang sarap ng tulog eh. Eh ako? Susme! Parang daig ko pa ang natulog ng nakaupo lang sa ginawa kong posisyon sa single couch ko

"Cams, hindi ka nga pwedeng makita ng kapre na yun dito sa bahay ko ok?! Baka maghinala pa yun!" sagot ko naman.

"Tsk! Vic naman eh!" napapakamot sa noo niyang sabi.

"Tayo na lang!" utos ko sa kanya saka ko inoffer ang kamay ko para tulungan siyang makabangon.

Hindi naman siya umangal pa kahit halata na sa pagkilos niya na hindi niya gusto ang gising niya, na nabitin siya sa pagtulog. Sorry Cams, I have no choice.

Halos pasado alas sinco pa lang. Sigurado akong napuyat ang isang yun sa pananakot namen sa kanya kagabi. Pero mainam ng maagang umalis si Camille para sure.

Nagbihis lang si Cams ng mga pinahiram ko sa kanyang damit, pinabaunan ko na lang din siya ng almusal niya dahil nangungulit pa ng breakfast muna daw siya bago umalis.

Dahan dahan nameng nilisan ang kusina. Hinatid ko si Camille sa kotse niya na nakaparada sa tabi ng Mazda ko.

"I'll pay you later na lang" sabi ko sa kanya ng nandito na kami sa tapat ng kotse niya.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Where stories live. Discover now