CHAPTER 26

6.9K 142 56
                                    

CHAPTER 26

Ara's POV

Tuesday. Wednesday.

Ughhh! Tapos thursday na sa isang araw, hindi ko pa din alam ang gagawin. Ughh! Nagpunta ako sa mall at kasalukuyang nagdadrive na din pauwi, naisip kong sa bahay na lang muna magpalipas ng iniisip dahil nahiya na akong magpakita kay Claudia.

Why? Ikinwento lang naman sa akin ni Mika ang nangyare kagabi.

****flashback***

Tinanghali na din ako ng gising dala na din ng sakit ng ulo ko, hindi ko naman maalala kung anong nangyare at nasa bahay na ako pagkagising ko. Ang alam ko lang, hindi naman ako gaanong nalasing. Hindi naman kasi ako nagpakalasing ng bongga.

Anyways, minabuti kong kumain muna dahil sumasakit na din ang sikmura ko. Palagay ko, kagabi pa ako hindi kumakain eh.

Pagkadating ko sa kusina, naghuhugas na ng pinggan si Mika. Tignan mo tong isang to. Hindi man lang ako ginising. Tsk! Hindi ba niya alam na wala akong almusal?

"Hindi mo man lang ako ginising!" Bungad ko sa kanya saka ako kumuha ng pinggan, kutsara at tinidor.

"Welcome" sagot nito ng hindi tumitingin sa akin.

Welcome daw. Loko ba to? Hindi naman ako nagthank you.

"Baliw ka na naman!" Sagot ko na lang. Siya ba ang gutom o ako? Nak ng!

"Alam kong magtethank you ka din kapag nalaman mong ako ang nag-alaga sayo kagabi" buong pusong pagmamalaki nito.

Nag-alaga? Pinagsasabi nito.

"Ano ko may sakit?" Pananabla ko sa kanya. Teka nga? Bakit ko ba to kinakausap? Edi ba nga sabi niya NAKAKASAWA na ako?! Tssss!

"May sakit lang ba inaalagaan? Diba pwedeng pati lasing?" Pambabara nito.

Bahala siya sa buhay niya. Deadma siya. Nakakasawa pala ha. Imbis na pagaanin niya ang loob ko kahapon, na hindi ko din naman alam kung bakit ko naisip na gagawin niya yun eh, mas lalo pa niyang pinabigat yung pinagdadaanan ko. Hmp.

"Magthank you ka na" sabi nito saka humarap sa akin. Ipinagpatuloy ko lang naman ang pagkain. Adobo. Pero lasang beef steak. May kalamansi pa yata? Tsk! Magluluto na lang yung pangtaste pa niya, pero ok na din to, panlaman tyan.

"Hoy! Sabi ko magthank you ka na!" Pangungumbinsi nito.

Leche! Kumakain yung tao eh! Tsk!

"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya na medyo puno pa ang bibig ko, ayan, muntik pa akong mabilaukan. ehem ehem.

"Ayan! Buti nga nuknukan kasi ng sungit" pang-aasar naman nito.

Inirapan ko nga. Kainis.

"Dun ka na nga, maghugas ka dun" pagtataboy ko sa kanya. "Nagsasawa ka na naman eh" pabulong kong sabi.

"Ano yun?!" Nakangisi nitong sabi.

Hala! Tinopak na naman. Hindi ko nga pinansin hindi ba niya nakikita na nakakunot na ng sobra yung noo ko? Eh kung umalis kaya siya sa harap ko nakakastress.

Aba! Talaga naman! Inilapit pa talaga ang mukha sa akin ha! Tsk! Umusad ako ng bahagya. Nakakailang.

"Anong sabi mo?!" Naniningkit pang pang aasar nito. Nakakaloko siya ha! "Halalalalala...." saka niya ako tinusok sa bandang tagiliran.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ