CHAPTER 34

7.4K 123 36
                                    

CHAPTER 34

Shiela's POV

"What?!!! Ano ka ba naman Shiela?! Nag-iisip ka ba?!!!" Bulalas ni Amanda matapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyare kahapon. About sa pinag-usapan namen ni Vic. Ah mali, actually sa sinabi ko lang pala kay Vic.

"What? Ano bang ginawa ko? I just talked to her" simpleng sagot ko dito habang namimili ako ng softdrink na ilalagay ko sa push cart namen.

And yes. Bakit ba ang OA niya? I just talked to Vic. I asked her to talk to me lang. About us. Just the two of us? Oh? Anong mali dun!

"Yun na nga Parts! Mali ang diskarte mo!" Napapakamot sa ulong tugon nito habang hila hila ang push cart namen. Kasalukuyan kaming nasa Supermarket at namimili ng mga supplies para sa bahay.

Diskarte? Kailangan pa bang dumiskarte?

"Pano ba dapat?!" Simpleng tanong ko dito habang hawak hawak ko yung unahan ng push cart at nauunang maglakad. Gayunpaman, kitang kita ko pa din naman how she reacts everytime na may sasabihin ako.

"Kailangan ng diskarte Shiela?! Baka akala mo, si Vic pa din yung Vic na nakilala mo noon? Iba na siya. Tough na siya ngayon. Hindi na siya yung Vic na halos patay na patay sayo noon. I just want to remind you what you did to her three years ago?" dire-diretsong saad nito.

Napahinto naman ako sa paglalakad at natigilan sa pamimili ng kung ano ano sa sinabi nito.

Yes. Three years ago.

"I- I mean, kasi naman Parts, ang sinasabi ko lang, hindi man pinapakita ni Vic na masama ang loob niya sayo, eh hindi ibig sabihin nun na hindi na siya galit. Kaya yung hinihiling mong mag-usap kayo. Ng kayo lang, malabo talaga yun! Ano ka ba!" Parang naiinis pang pahayag ni Mands.

Napaisip naman ako sa sinabi nito. She has a point there. Hindi naman porket hindi sinasabi ni Vic na hindi siya galit sa akin, ay hindi na nga siya galit. Hindi porket mukhang ok naman siya, ay ok na talaga kami.

Pero diba? Kaya ko nga siya kakausapin? Kaya nga hinihiling ko sa kanya na mag-usap kami?

"That's why I'm asking her to talk to me. Yung kami lang" depensa ko naman dito. Baka makalusot lang. Well tama siya, hindi nga ako nag-isip nung sinabi ko kay Vic na gusto ko siyang makausap. Pero wala akong magagawa.

Nung kami lang kahapon, sa office. Pakiramdam ko gustong gusto ko na siyang yakapin. Kulang na lang, hilingin ko na sana walang gap sa pagitan namen. Sana walang issue between us. Sana hindi ko siya iniwan para sana hindi siya nagalit sa akin.

Gustong gusto ko siyang lapitan. I miss her smile, I miss her eyes. I miss her hugs, I miss her kiss. Everything she is. Namimiss ko. Namiss ko siya. I miss .... us... Yung dating kami. How I wish I can turn back time. If I could only turn back time. If only I can.

Ng mapatingin ako kay Mands, kitang kita ang pagkainis sa mukha nito na para bang may pinaglalaban siyang hindi nasusunod.

"Look Shie... Hindi ganun kadali yun ok?! Kung ako man si Vic, maybe nakamoved on na ako, pero it doesn't mean na nakalimutan ko na yung ginawa mo" pagpapaliwanag nito sa akin.

Napatingin ako sa kanya as if I'm asking her kung ganun na ba talaga ako kasama.

"Sorry. But.." nauubusan ng sasabihing tugon nito. "C'mon! Common sense parts. Isipin mo kung ganito yung scenario ah. Kunwari ikaw, asang asa ka dun sa isang tao. Tapos bigla kang iniwan. Tapos one day babalik siya, sasabihin niya sayo na Hey, usap tayo. As in ganun lang yun? Parang walang nangyare?!" May hand gestures pang sabi nito. "Diba? Hindi ganun kadali yun" dagdag nito.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Where stories live. Discover now