CHAPTER 46

8.5K 211 62
                                    

CHAPTER 46

Mika's POV

"From now on, hindi na kita hahayaan na mag-isa"

"Promise?"

"Oo naman, I won't let that thing happen to you. Again. Not this time. Not this time na kasama mo ako, I promise you, never ka na ulit mawawala. Hanggang nandito ako sa tabi mo, hindi ka na maliligaw. Klaro?"

I smiled. And stared at her. Nakatingin lang siya sa akin. Her eyes tho. Natutunaw ako.

"Klaro"

Binigyan niya ako ng isang mabilis pero nakakalusaw ng pusong ngiti.

Saka parehas kaming tumingin ng malaya sa mga bituin. Nakatukod ang aming mga kamay sa bench na aming inuupuan. Matapos ng eksena kanina, ikinwento ko kay Vic ang lahat ng nangyare. Ang lahat ng naramdaman ko ng mga panahon na nawawala ako.

"Vic"

"Hmmn?"

"Y-Yung ... yung sinabi mo kanina? A-Anong...Anong ibig sabihin nun?" Medj nahihiya pang tanong ko. Saka ko siya muling nilingon.

"Ha? Alin dun?" Tanong nito ng hindi tumitingin sa akin. Parang wala siyang clue sa gusto kong sabihin.

Ngumiti ako, saka muling nag-angat ng tingin sa mga bituin sa langit.

"Yung italian words na sinabi mo kanina? Hindi ko kasi naintindihan eh"

"Y-Yun? Uhm... ano... w-wala... wala yun" nauutal na sagot nito. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya, hindi ito makatingin  sa akin, sa halip ay napayuko na lang, watching her feet playing on the ground

She's really cute when she's stuttering. May mga tao pala talagang ganun, nabubulol? When? I don't know when? Kapag kinakabahan? I don't know. Hahaha.

"Panong wala?" Tanong ko. Mas lalo akong nacurios dahil sa pagkabulol nito. She's hiding something.

"Wala nga, wag mo na lang tanungin" nakakunot at may pagkaaburido sa himig nito.

Wait? Naiinis ba siya? Nagtatanong lang ako. Hahaha! She's too cute.

Hindi ko maiwasang mapangiti na lang. Actually mapatawa ng mahina. And I bet narinig nya yun.

"What?!"

"Wala" iwas ko ng tingin dito.

This girl. Beside me, she's not the usual Vic. Hindi siya yung Vic na nakilala ko nung una, ibang iba na siya sa Vic na nakilala ko noon. Ngayon, mas lalo ko siyang nakikilala.

Ngayon mas lalo ko siyang ..... Nagugustuhan.

Not because she's my hero. Not because she's my knight in shining armor. Not becauses she's always there kapag kailangan ko ng tulong. But because she's Vic.

The mere fact na siya si Vic. Si Victonara. Mas lalo ko siyang nagugustuhan.

Hindi ko alam kung gusto as in I like her, or ewan, basta ang alam ko, more each day, more each day na magkasama kami, at mas lalo ko siyang nakikilala, mas lalo ko pa siyang gustong makasama. Gets nyo?! Ays! Mahirap iexplain kaya. Basta ganun. Unexplainable.

She's my armor tho.

Pakiramdam ko, kapag kasama ko siya, hindi ako mapapahamak. The safest place I can be. Siya yun. Sa kanya yun.

Naramdaman ko ang pagbaling niya ng tingin sa akin. Kaya naman napalingon na lang ako sa kanya.

Nag-ayos siya ng upo at ng tindig. narinig ko ang malalim na pagpapakawala nito ng buntong hininga.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Onde histórias criam vida. Descubra agora