CHAPTER 51

7.5K 149 31
                                    

CHAPTER 51

Camille's POV 

"NO!!!!!!!" sigaw ni Vic ng tanungin ko itong muli.

"What?! Ughhh!!!" React naman ni Kim

"Vic naman?" Sabi ni Mela

"Hey! Wag ganyan!" tapik ni Riri sa balikat ni Vic pero agad itong tumayo mula sa pagkakaupo sa couch.

"Basta ayoko, period!" Matigas na sabi ni Vic saka tumungo sa kusina.

Ugh! Ano bang sinasabi nya? Agad akong sumunod sa kanya to convince her more, parang hindi umeeffect yung ginagawa ko eh.

"Vic, wag ka namang ganyan, ininvite tayo ni Lucas, besides, kayo yung biggest part nun so you must be there" pangungulit ko dito.

Kasalukuyan itong naglalagay ng nutella sa loaf bread niya na para bang walang naiintindihan sa mga sinasabi ko.

Tumingin ito sa akin after niyang matapos magpalaman. "A big no" seryosong saad nito bago isubo yung kalahati ng tinapay at muling bumalik sa sala sa pwest nito kanina, sa gitna ni Riri at ate Kim. Naglalaro sila ng xbox, pero parang wala na sa mood maglaro si Riri dahil nadisappoint sa sagot nito.

"Ayaw mo na?" Sabi nito habang ngumunguya, hindi na kasi halos nilalaro ni Riri yung game at hawak na lang ang controller, "Akin na nga" kuha nito sa console. "Ikaw ate kim?" Tanong nito, pero hindi sumagot si Kimmy. "Ayaw nyo edi ako na lang" sabi nito saka isinubo yung kalahati ng bread na hawak nya at nagpatuloy sa paglalaro.

Ang tigas ng ulo niya nakakainis!

Bumalik na din ako sa sala, nakatingin sa akin si Kim, Mela at Riri na para bang tinatanong kong ano ng gagawin namen, nagbigay naman ako sa kanila ng "kayo naman look"

"Victonara, bakit ba ayaw mo?" Tanong ni ate Kim sabay hawak sa controller ni Vic na parang ininterrupt ito sa paglalaro.

"Hey!" Kunot noo nitong layo kay ate kim ng hawak niya. "Ayoko lang" ugh! Bad kid!!!

"Fo naman eh, ang saya kaya nun. Diba mahilig ka sa ganung party? Ayaw mo yun, makakapagparty na ulit ang barkada" pangungumbinsi na ni Mela dito

"Onga naman kambal tsaka tsaka diba..." sang ayon ni Riri sabay akbay kay Vic, "Ayaw mo yun? Maraming chixx dun" nakangising bulong nito kay Vic pero dinig naman nameng lahat.

Huminto sa paglalaro si Vic saka tumingin ng nakangiti kay Riri. "Oo nga noh?" Napapaisip na sabi nito habang nakangisi pa din. Ayan! Mukhang mapipilit na sya. "It's still a no" dagdag nito at agad na nagturn sa seryoso ang expression nito.

Wow? Himala, first time yatang tumanggi sa chixx nito? Isang malaking himala ito ah. May sakit ba siya? Nilalagnat ba sya? And yes nagulat kaming lahat, si Vic ba talaga ang nasa harap namen, I mean never pa siyang tumanggi sa ganitong gala, mas lalong never pa siyang tumanggi sa babae. Bakit ngayon parang siguradong sigurado siyang ayaw niya?

Nagkatinginan na lang kaming lahat.

Well, simula ng umalis sila Cienne, Mika at Jessey kanina para mamili ng lunch namen para mamaya kinukumbinsi na namen itong si Victonara, nagkayayaan kasi ang barkada na sumunod na kanila Mika sa mall para mamili ng damit na isusuot bukas, pero ng yayain namen si Vic parang wala itong clue kung anong magaganap bukas. Well, in short, wala siyang balak na pumunta sa kahit anong after party na magaganap bukas.

And yes, nalulungkot kami. Ang tagal na nameng hindi nakakapagparty ng ganun, yung sosyalan, bukas na lang ulit pero ayaw pa niyang pumayag. Sa hindi malamang dahilan, wala yung appetite ni Vic para umattend sa afterparty ng kumpanya nila. I even told her na attendance is a must, pero parang wala pa rin sa kanya. Sinabi ko na ding baka iexpect sya ni Tito Victor dun, pero isa lang ang sinagot niya saken "hindi umaattend si Daddy ng mga  ganun" urgh! Nakakainis.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Место, где живут истории. Откройте их для себя