CHAPTER 30

7.1K 139 35
                                    

CHAPTER 30

Ara's POV 

Agad akong nakahinga ng maluwag ng makalagpas na sa amin si Shiela. Grabe. Hindi ko inaasahang sa ganoong eksena kami magkikita. I mean, i never imagined myself na makakayanan siyang harapin letting her feel na wala talaga. Na wala na talaga.

I feel strong.

Iba sa pakiramdam, feeling ko kayang kaya ko na. Na humarap sa kanya ng wala ng kahit na ano. Sakit, galit, inis, sama ng loob, pagmamahal, wala na. Lahat wala na. 

Maybe yes, natulala ako ng makita ko siya. Nagbago na siya. She's prettier now, as always, but she's even prettier. Pumayat siya ng konti. Actually, hindi ko nga siya gaanong nakilala at first, but when I recognized her built, her figure, siyang siya na nga. Everything has changed. Pero may isang hindi nagbago sa kanya. 

The way she looked at me. 

Yung mga ganoong titig, yung nakakatunaw? Ganung ganun pa din. She's looking at me as if mahal niya pa rin ako. As if minahal nga niya ako. But i know naman na never niya akong minahal. As she has said when she left me. Na sinubukan niya akong mahalin pero wala talaga. So bakit ako magpapadala sa mga mapanukso at mapanglokong tingin na yun.

Alam kung dun siya magaling, ang magpanggap, at hinding hinding hindi ko na hahayaan pa ang sarili kong mahulog muli sa parehas na bitag. 

But as I said, wala na. I guess wala na talaga. Anger. Wala na. Awkwardness, alam ko namang hindi na mawawala pa yun. Innate na yun sa dalawang taong naghiwalay at muling nagkita. To be the most familiar stranger in town.

''Ehem ehem'' tikhim ng babaeng katabi ko. Oh! Nag-eexist pala ang moo ko, este si Mika.

Napalingon ako sa kanya, at nakatingin ito sa uhmm...bandang... kamay ko??? Na nasa braso niya???

Nak---Nakaakbay pa din pala ako sa kanya...Geezz.

"Sorry" hinging paumanhin ko agad ng inalis ko na ang pagkakaakbay ko sa kanya.

"Feel na feel ah" tatawa tawa nitong saad na nakatingin sa gawi ni Shiela na papalayo sa amin. Nagmake face naman ako dito at napatingin na lang din sa gawi din ni Shiela.

"May taste ka din naman pala noh" komento nito na mula sa peripheral vision ko ay nakatingin na siya sa akin.

Nagsmirk na lang ako. I know that she was referring to Shiela. Yah I know. May taste talaga ako. Pero kung siya at siya lang naman ang pagbabatayan ng taste na ito. Never mind na lang.

"Tara na nga" hawak kong agad sa kamay nito, na siya namang tiyak na ikinagulat niya.

Hahatakin ko na sana siya, but I felt she was frozed for a second dahil sa ginawa ko. Kaya nilingon ko na siya..

"What?" tanong ko dito. Ano bang problema?

Nakatingin naman ito sa kamay kong nakahawak sa kanya. And so???? Anong problema dito??? Girlfriend ko siya diba? I mean, uhmm..pseudo... pseudo ano ko siya... love... diba?

"Kasi ano----"

"Girlfriend kita ... diba???" pagpapaalala ko sa kanya na habang nakataas ang dalawang kilay kong lumapit sa kanya at mas lalong pinag-interlock ang mga kamay namen.

Tumingin naman ito sa akin, and I saw her blushed....again...Hahaha...

"Oo ng--- Oo nga pala.... hahahaha" ilang itong tumawa ng mahina. I heard her sighed with relief. Naks!

"tara" pagyaya kong muli saka ako tumango sa kanya.

Sumunod na din naman kami sa kung nasaan si Shiela. Nangunguna siyang maglakad? eh alam ba niya kung nasaan yung kotse ko.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Where stories live. Discover now