CHAPTER 72

1.8K 39 4
                                    

Mika's POV 

"Mika! Mika please!!!" 

"Mika please, let me explain" 

"Mika" 

"Mika naman!" 

Hindi ko sya tinitignan, ni hindi ko sya nililingon. Ang kapal ng mukha nya. May karapatan pa syang humabol after ng nakita ko? Aish. 

ANg bilis kong maglakad. Kahit ako, hindi ko inexpect na kaya ko palang maglakad ng ganito kabilis, ni hindi ko nga alam kung san ako pupunta, basta ang alam ko kelangan ko ng makaalis sa lugar na to. 

"Mika. MIka naman ano ba!" 

Naramdaman ko na lamang ang kamay nito sa braso ko at bigla akong napaharap sa kanya. 

Wow. As in wow. Sya pa may karapatang magsabi saken ng MIka naman ano ba? Grabe sya. Ang galing nya! 

Kapal ng mukha nya. Sarap sampalin!

Humarap ako sa kanya ng salubong ang kilay, hindi nya ako madadaan sa pagiging authoritative and assertive nya ah? Wag ako. 

"Alam mo ikaw! Ikaw na nga may kasalanan ikaw pa galit!" sigaw ko sa kanya. 

Napakamot sya sa ulo nya na parang naiirita "Aish wala naman akong kasalanan eh!" mataas pa ang boses nya huh? Ang kapal! 

Nagpamewang ako. "Walang kasalanan huling huli ka na sa akto!" sigaw ko. 

Napapamewang ang isang kamay ni Vic habang napasapo naman sa noo ang isa. "Wala nga akong alam dun, basta ang alam ko nahilo ako pumasok ako sa isang kwarto, tapos pagdilat ko akala ko, akala ko lang bigla ikaw yung nasa harap ko, ayun hindi ko talga alam yun.. ni hindi ko nga alam na may tao sa pinasukan ko. ni hindi ko nga kilala yung babaeng yun" 

"Yun na nga eh.. kahit di mo kakilala nilalandi mo" sigaw ko. 

Natahimik sya.. "Mika naman" 

"Totoo naman ah? Ang landi mo kasi!" 

Napabitaw sya sa pagkakahawak sa braso ko "Mika, ang sakit mo naman magsalita" mahinahon na sabi nito. 

Tss. Kunwari pa sya. 

"Kung hindi ka malandi anong tawag mo dun? Hindi ka na nahiya dati inuuwi mo ngayon talagang dito mo pa mismo aanu----" hindi ko na tinuloy yung sinasabi ko. "Tapos sasabihin mo wala kang kasalanan?" 

Minassage ni Vic ang sintido nya wari bang nahihilo. 

"Mika hindi naman talaga ako malandi eh" sagot nito. "Kung hinahayaan mo lang akong magpaliwanag" sabi nya. 

"Paliwanag? Tapos ano papaikutin mo na naman ako? Dyan ka magaling! Magpaikot ng tao! Magpaniwala sa mga bagay na hindi naman totoo!" 

Natahimik si Vic. ni hindi sya makatingin sa akin ng diretso. 

Hindi ko actually alam kung anong pwedeng maramdaman ni Vic sa mga sinasabi ko pero sa ngayon wala na akong pakialam sa pwede nyang maramdaman eh, masyado na kasing masakit para saken yung mga ginagawa nya. 

"Ang problema kasi sayo.. kahit anong lapit ko hindi mo ko pinapakinggan" 

" Bakit?! May sinasabi ka ba?" pilosopong sagot ko. "Isosoli mo nga ako sa tatay ko hindi mo man lang saken sinabi eh" 

Nag-angat sya bigla ng tingin sa akin. 

"Alam mo ang mabuti pa, bumalik ka na dun sa babae mo!" tatalikod na sana ako pero biglang humarang si Vic sa daan ko. 

"Mika. Hindi. Ko nga. Babae. Yun" 

Iwinaksi ko ang kamay nito saka ako nagtaas ng parehas na kilay "Ah talaga" sarcastic kong sabi. "Hindi mo babae noh? Eh ano yan ha? Ano yan!" iniharap ko sa akin ang pisngi nitong may kiss mark, hindi ni mela, kundi nung babaeng nakatapis dun kanina. "Kung magsisinungaling ka, galing galingan mo naman" binunggo ko sya, sinadya ko, para makadaan ako at nilagpasan ko na lamang sya. 

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Where stories live. Discover now