CHAPTER 52

6.8K 140 63
                                    

CHAPTER 52

Camille's POV

Teka? Mall? Anong ginagawa namen dito?

"Wait lang! Bakit tayo nandito?" Habol ko kay Vic ng mauna itong pumasok sa mall. Hello! Wala man lang syang sabi sabi kung saan kami pupunta, bigla na lang syang tumawag sa akin tapos susunduin nya daw ako, like wala na akong rights pa para tumanggi kasi papunta na sya. Then now, we're here, ulit sa mall? Ugh! Diba nya alam na aalis kami mamaya? Tapos dadalhin nya ako dito? I mean, for sure bibili na naman ng beer yan sa supermarket at talagang sinama pa nya ako diba? Aish!

Imbis na huminto sa paglalakad si Vic ay parang wala lang itong narinig kaya naman sumabay na ako sa paglalakad nito, nilunok ko na din ng buo yung natitirang icecream cone na hawak ko ng mapansin kong walang panahon sj Vic para maglakad ng mabagal aish!

"Aish! Bakit ba kelangan mo pa akong isama dito? Anong oras na oh! Aalis kami mamaya diba? Ayt! Vic naman eh" maktol ko dito.

Tumingin lang naman ito sa akin, parang wala syang balak magsalita sa halip ibinalik na lang nya ang tingin sa hawak nyang cellphone at nagfastwalk na naman.

"Ugh! Alam mo ikaw! Ikaw na nga magpapasama, ikaw pa ganyan! Ang dami namang pwedeng isama bakit ako pa? Bibili ka lang naman ng beer m----"

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko ng lumiko si Vic papunta sa escalator sa halip na magdiretso papunta sa supermarket.

Uhm? Ok? So hindi sya bibili ng beer?

Ugh!

Sumakay na ito sa escalator samantalang ako naman, naiwan dito sa baba, kaya agad na akong tumakbo palapit sa kanya.

"Ok? So sige na, kung may bibilin pa tayo bukod sa beer, ano yun? Tell me na" sabi ko dito. Medj nauubos na din yung pasensya ko, nang mapansin kong ngingisi ngisi ito ay nainis na ako. "Ano ka ba? Bakit tumatawa ka lang, magsalita ka dyan!" Sabi ko dito.

"Can you please, sshhh" sabi nito sa akin sabay napapikit pa at naggesture ng quite.

Kainis!

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Hay nako! Bahala ka sa buhay mo, bababa na ako!" Sabi ko dito saka ako naglakad pababa, nang mapansin kong para lang akong tangang bumaba sa escalator na paakyat. Napansin kong tatawa din si Vic. Ugh! Nakakainis! "Wag mo kong pagtawanan!" Hampas ko sa braso nito.

Napahimas naman ito sa braso nya. "Bakit ka ba kasi parang tanga dyan?!" Tatawa tawang sabi nito.

Wait? Himala ah? Bakit parang iba yung aura ni Vic ngayon? Kumpara sa aura nya kagabi? Hmm? Wait.

Tumigil ako sa ginagawa kong parang tanga at bumalik na lang ako sa pagharap kay Vic.

"At sinong maysabi sayong bibili ako ng beer?" Nakangiting tanong nito saka sumandal sa handrail ng escalator.

Uhm? Oo nga noh?bakit hindi ba?

"Well, kaya ka lang naman nagpupunta ng mall ay para bumili ng mga alak mo!" Sabi ko dito. Bakit totoo naman ah?

"Ay grabe sya!" Sabi nito sa akin. "Diba pwedeng bibili muna ng damit?" Tanong nito sa akin.

Ohhh! So bibili sya ng damit?

"So bibili ka ng damit?!" Tanong ko.

"H-Ha? Bibili ako ng damit?" Tanong nito sa akin.

"Kakasabi mo lang!" Halos pasigaw ng sabi ko dito.

Tumawa naman ito ng medj malakas na syang higit na ikinainis ko, ang lakas nyang mang-asar

Nang makatuntong na kami sa 2nd floor ay akma na akong lilipat sa kabilang escalator para bumaba ulit. Uuwi na lang ako. Tse!

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Where stories live. Discover now