31

349 30 4
                                    







I called Nicole for the fifth time pero hindi pa rin ito sumasagot bagkus pinapatayan lang ako ng tawag. I tried again before I give up for today. Pero nanlaki ang mga mata ko ng sumagot na ito sa wakas!






'Ni-Nic?'




Tahimik lang ang kabilang linya, 'Please, talk to me. Andito ako sa labas ng condo niyo, aantayin kita.'




Pinatay na nito ang tawag ko. Aksidente lang ba niyang nasagot ang tawag ko? O baka ayaw na ba talaga niya akong kausapin? o kaya si Bea nanaman ang sumagot ng tawag?




Dismayado ako na naglakad pabalik sa unit ko pero lumundag ang puso ko nang narinig ko ang pagbukas ng pinto nila Nicole.




"Akala ko ba aantayin mo ako?"




Malungkot akong lumapit sa kanya, "Bati na tayo, please." Pagmamakaawa ko, "Hindi pa nga tayo lumalabas para mag-date, nagaaway na tayo agad."




"Kinakausap lang kita ngayon dahil tinawagan ako ni Stella kahapon. I want to tell you that your plan unsurprisingly clicked and Stella wanted me to do the whole campaign shoot. Congratulations, Yas. Hindi ka pa rin laos." Sinusubukan nito na maging mataray pero alam ko naman na sadyang mabait si Nicole kaya hindi ito umuubra sa akin.




"Can we go back to being friends again? Come on, I miss hanging out with you." Kunware na papaaluhod na sana ko ng pinigilan ako nito.




"Don't be so dramatic, two days lang tayo hindi nag-usap."





"Then can we do what you originally intended to do two days ago?" subok ko. Well, I can't ask her out dahil nakapambahay lang ito ng suot ngayon, "Coffee at my unit?"





Hinila ako nito papasok sa loob ng unit nila, "Come here." then to their room.





"Huy, Nic. Ano 'to, ite-take advantage mo nanaman ba ako? Ang bilis naman ata natin..."





Umirap lang ito sa akin, "See it for yourself."





Pumasok ako sa kwarto nila ni Bea. Nahihiyang lumingon ako sa kanya pagkatapos, "I'm sorry, Nic. But you could have told me that there are two single beds here instead." Eh di sana hindi ako nag-isip ng kung ano ano. Black and White nanaman iyong tema sa loob, ang cringey na.





"Bea doesn't like you because you are a Monteverde and she is an--"





"Aboitiz."





Reaksyon ni Nicole ay parang, 'alam mo naman pala.'





"Kung ayaw pala ng best friend mo na maging kaibigan mo ako ay bakit andito pa rin ako ngayon?" Curious na tanong ko, "Be honest with me, Nic."





"Alam mo kung anong problema sa'yo? You keep asking for reasons." that caught me off guard coming from Nicole.





"I do know that If people don't want you to question something, that probably means you should question it." I answered back.






Hindi na nagsalita si Nicole. Nakatingin lang ito sa akin na parang nag iisip.






"I get it."




Huh?




I look at her weirdly, "You get what?"




"This matter can be best dealt with a cup of coffee." She shakes her head, "Tara na sa kabila." Sumunod na lang ako sa kanya sa labas. Tumahimik na lang din ako at pinakiramdaman siya.






Fight or Flight? [Book 2] ON GOINGWhere stories live. Discover now