17

1.5K 67 6
                                    







-Flashback-






This is nothing new. I know everyone have been through rough patches with the person they love.




There will always be a downside in every relationship...




And it's either you accept and get over with it... or do something to change it.




"Hope, where's Quinn?" Hinarangan ko ang daanan ni Hope. Pinagmasdan ko and itsura nito. Tapos na ang mga exams pero bakit puyat na puyat pa din ang mga mata niya, "Wag mong subukan na itago kung nasaan man siya dahil alam ko na nagkikita kayo."




"Hope, iwan mo muna kami ni Yassy." Napatigil sa pagbukas ng bibig si Hope at umalis na hindi pa nagpaalam sa akin, "I believe you already know who I am, we've been familiar with each other because of Koppel." I turned to her fully, "Where are my manners. I'm Monique Belmonte." I stood my ground, not letting myself feel intimidated by her presence.




"What can I do for you, Monique?" What brings Quinn's bestfriend to talk to me?




"Yassy, hindi kita kakausapin para lamang makipag-away. It is much more important than that." May halong pagaalala ang itsura nito, "I know about you and Quinn. You don't have to worry about me, I have nothing against your relationship with my best friend. I just want you to listen, Yassy."




Sumunod ako sa nais nito dahil hindi ako makasagot dahil sa biglang pag-alala na naramdaman ko.




"You have to get Quinn away from Vince. I tried so hard to push her away from him but I can't. Yassy, ikaw na lang ang nakikita ko na makakagawa nito." Bakit parang nagmamakaawa ito?




"What's happening?" I have no clue at all. Quinn assured to me that Vince is a nice guy then what's the problem?




"Wala ka bang napapansin na kakaiba kay Quinn sa mga nakaraang araw?" She waits for my answer, "Vince is a terrible influence on her." She pressed, "I know you are already familiar with Quinn. I don't know what is going on with her yet but I can feel that she might open up to you."




I tried to ignore the little signs that Quinn is changing. Ayokong isipin na nanlalamig ito sa akin kahit na ito ang ipinaparamdam sa akin ni Quinn sa mga nakalipas na araw. Lumalabas pa rin naman kami gaya ng dati pero minsan ay pakiramdam ko hindi ko siya kasama. Wala akong lakas ng loob para magtanong dahil natatakot ako sa magiging sagot nito.




"I.. I will try to talk to her."




Tumango ito, "I heard that Vince is having a party at their yacht right now. Andoon si Quinn ngayon."




"I doubt that dahil may klase si Quinn sa ganitong oras"




"I kind of cornered Hope before you." That makes sense.




Alas dos pa lamang ng hapon at may klase dapat si Quinn ngayon. Anong pumasok sa kanya para magbulakbol, "Pwede mo ba akong samahan?" Isasantabi ko na muna ang mga klase ko. Hindi ko alam pero mas nananaig ang kagustuhan ko na makitang okay si Quinn kaysa sa kinabukasan ko ngayon.




Nag-isip muna ito saglit, "May klase pa ako pero sasamahan na lang muna kita. Baka hindi rin ako makapag isip ng maayos dahil iba ang pakiramdam ko sa nangyayari kay Quinn ngayon." Naglakad na kami pababa sa hagdan. Sumunod lang ako kay Monique papunta sa labas ng University kung saan man nakaparada ang kotse nito. Binagalan ko ang pagapak ng mga paa ko. I turned to Monique curiously, "Yeah, yeah. I know what you are thinking." Hindi ako umimik mula pagpasok namin sa lumang Toyota Corolla nito. I tried not to look at her in awe whilst reversing her car with the stick shifting.




Fight or Flight? [Book 2] ON GOINGحيث تعيش القصص. اكتشف الآن