18

1K 46 4
                                    







-Flashback-


"Quinn... iyong nangyare noong isang araw.." Hindi ko pwedeng isantabi lamang ang nangyari lalo na at damay ang kapatid ko. Quinn ignored me the whole time we were at the hospital. Kaya gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngayon. It was traumatizing. Vince nearly took advantage of her. Thinking about that asshole makes me want to punch a wall right now.



"We will talk about that later." Sumilip ito sa relo nito, "May kailangan pa pala akong gawin." Nagmamadaling paalam nito.



"Are you mad at me?" Harang ko sa kanya, hinawakan ko ang bewang nito para hindi ito makaiwas pang muli.



"Yasmine." Sita nito sa akin, "You are forgetting where we are right now." Sumulyap si Quinn sa mga tao na nakatingin sa aming dalawa na biglang nagpatay malisya.



Kumirot bigla ang puso ko, "I'm sorry." Bumitaw na lang ako at lumayo sa kanya, "Ayoko lang ng ganito, na may problema tayong dalawa..."



"May problema tayo?" Balik nito sa akin, "Ano?" inis na ang itsura nito. I lightly bit my tongue to stop myself. I just assumed that we have... I mean, whatever her problem if there is will also be my problem.



I guess, I will have to drop it.




"Wala... siguro nami-miss lang kita kaya ko kinukuha ang atensyon mo ngayon. Sige na, you can go." Pilit akong ngumiti sa kanya. Tinitigan lang ako nito at tipid na ngumiti.



Alas sais na ng gabi at lahat ng klase ko ay tapos na. Nagmakaawa ako sa driver namin na maghintay ng saglit pa para sa akin. Nagdahilan na lamang ako na mayroon akong aasikasuhin sa library. Pero ang totoo ay nandito ako nakatayo sa di kalayuan habang inaantay si Quinn na lumabas mula sa klase niya.



Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay bumukas na ang pintuan at isa isang nagsilabasan ang mga estudyante. Kahit gaano man kalayo ay hindi makakaligtaan ng mga mata ko ang anyo ni Quinn. Napansin ko na mag-isa lamang ito, tahimik at parang may malalim na iniisip. Sana naman ay hindi ito dahil sa grades niya.



Nagsimula na akong sumunod kay Quinn, takang nakabuntot lamang ako sa kanya. Hindi ba niya ramdam na kanina ko pa siya sinusundan? Hinabaan ko ang hakbang ng mga paa ko para pantayan ito. Hindi na siguro masamang mahawakan ko ito dahil nasa isang masikip na daan lang kami at pinaggitnaan pa ng mataas na hedge grass papunta sa likuran ng parking. Mapapansin mo agad kung may taong dadaan man mula sa likuran o harapan.



"Quinn." Hinawakan ko ang balikat nito na kanyang ikinagulat.



"Jesus--- Yasmine, don't do that!" Nahulog ang hawak nitong libro at ako na lang ang nagkusang pulutin ito.



"I'm sorry." Kinuha na nito sa kamay ko ang libro niya, "Kanina pa ako nasa likuran mo."



"Bakit andito ka pa?"



"Is it safe here to talk with you now?" Tanong ko kung san man kami nakatayo.



Tumigil muna si Quinn saka tumango.



"About what happened--"



"I feel so ashamed of what had happened, Yasmine." Nakayuko ito sa akin. Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako iniiwasan? "I have acted so reckless... if it weren't for you, I don't even want to think about what could have happened to me..." Tumulo na ang mga luha nito. Agad ko itong niyakap ng mahigpit, "Please, don't get mad at me.."



Fight or Flight? [Book 2] ON GOINGOn viuen les histories. Descobreix ara