7

1.5K 72 5
                                    



-Flashback-




"Hindi ba nagagalit ang parents mo na palagi ka na lang lumalabas? O hindi ba nagtatanong si Reece?" Pauna ni Quinn. Lihim akong napapangiti sa suot suot nitong romper dahil hindi ito pangkaraniwan na sinusuot ni Quinn. Bagay naman ito sa kanya pero wala naman atang suot na hindi babagay kay Quinn dahil sa magandang pigura nito at mukha.





"They are both busy on my Dad's strategic election plan and you know the drill." Turo ko sa nakaparada na sasakyan. Alam ko naman na hindi kampante ang mga magulang ko na lumalabas ako nang wala akong bantay, "Si Reece syempre nagtatanong bakit lagi tayong magkasama." Humarap ako sa kanya, "Ikaw ba? Walang naitatanong si Daddy mo o mga kaibigan mo?"





"Same and I don't really have friends." Walang gana nitong sagot. Nag-iba din ang ekspresyon sa mukha nito.





This is the conversation that we don't know how to continue. Hindi namin alam kung saan kami lulugar.





"I thought we are already friends by now?"





"Usap usapan daw tayo sa University." Inayos ko ang upo ko para humarap sa kanya ng buo, "We are even in the University Secret Files."





Itinago ko ang kaba na nararamdaman ko, "Ano naman ang sinasabi nila doon?"





"That... we are, alam mo na. I don't know how to say this without getting us.... awkward." Hindi ito mapakali sa upuan niya, "May something daw tayo." Hindi ko alam kung bakit may halong takot ako sa narinig ko.





"Napakadumi talaga mag-isip ng mga tao ngayon."





"Ibig mo bang sabihin ay kapag may something tayo madumi iyon?"





"Ibig kong sabihin ay napaka-malisyoso o malisyosa naman ng isip ng kung sino man ang nagsimula ng chismis na iyan."





"Pero madumi nga?"





"Does it matter?"





"Maybe?" She shrugged her shoulders, "Enough about that. Yasmine, come to think of it, we never really talked before. Napapaisip ka rin ba na kung nagusap tayo noon, will we be friends?" Alam ko na iniiba na lang nito ang usapan at lihim ako na nagpapasalamat dahil hindi ko alam kung paano ko ba dapat ito sagutin.





"We started with a small conversation and now we are hanging out... as friends." Just making her know that I'm already claiming it that we are friends.





Natahimik na lang ito at pinanood ko lang ito na isa isang nilalabas ang mga gamit niya. Bigla akong may naalala, "I suddenly remembered why I called you. I have a good news, Quinn."





"You don't have to find any reason to meet me, Yasmine." Inangat ni Quinn ang ulo nito para tignan ako. Alam ko na abala na ito sa pagpinta pero hindi ko lang kasi mapigilan ito ngayon, "I'm gonna make a wild guess. Nasunong na ang Malacañang?"





"How can that be a good news, Quinn?" Pinalo ko ang braso nito gamit ang dalawang tickets na hawak ko, "Make another guess."





Kunware nag-isip ito pero alam ko na may halong kalokohan nanaman ang lalabas sa bibig niya, "You want to run away with me?" I stopped, "Bakit ganyan reaksyon mo? It's not like I asked you to marry me." Tawang sabi nito.





Fight or Flight? [Book 2] ON GOINGWhere stories live. Discover now