TCOPS 20: The Crocodile Ticks

8 0 0
                                    

CASSANDRA

Habang nakikipaglaro ako sa mga bata, lumapit sa akin ang isang katorse anyos na babae. Akala ko babatiin niya ako dahil nakangiti ito ng bahagya, ngunit sinabunutan niya ako.

"A-aray! Ang sakit!" Hiyaw ko rito. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko pero lalo namang humigpit ang pagsabunot niya. "AH!!!"

"Ikaw may kasalanan nito!"

"ARAY!" Inabot ko rin ang buhok niya at hinila.

"AHHH!"

Hindi ako bumitaw sa pagkakahila ko sa buhok niya hangga't hindi pa rin ako binibitiwan nito. Hanggang magkasakitan na kami. Gusto ko pa naman manabunot ngayon dahil sa inis ko kay Tito Oka.

"Sige! Hilain mo pa!"

"Sige, Cassiara!"

The kids and teens cheered around us. It made my blood boil even more!

"ARAY!!!" Nagpakawala ako ng isang malakas na sampal sa mukha nito. Bumakat ang aking palad sa pisngi niya at lumakas naman ang iyak nito. "BITIWAN MO AKO!" Isa na namang sampal sa kabilang pisngi.

"ANG SAKIT!!!" Bumawi naman ito sa akin na may pagsuntok paa sa dibdib ko. Dumaing ako't namilipit sa sakit na nainda. Maluha luhang napahaplos sa dibdib na kung saan ako tinamaan. Ang hirap huminga.

We continue our fight until some adults pulled us apart. The girl was taken away by her mother. A local man took me aside and requested for Tito Ymah's presence. Minutes past and Tito Ymah came with a disappointed look. I pouted my lips and teared. This is so unfair. I did not start this fight.

"Pasensiya na. Ako na bahala kay Cassiara. Maraming salamat." He excused us from the crowd and covered my face with his hat.

Inihatid ako nito sa bahay at sinabihang huwag lalabas ng bahay. Mangiyak ngiyak pa rin akong sumunod dito at humahaplos pa rin sa dibdib ko. Gosh! Children's fights hurts the most!

"Cassiara, anong nangyari? Napaano ka roon?" Nababahalang tanong ni Tito Ymah.

"Sinugod po ako!—Hic! Tapos po—sinabunutan!" Sumbong ko na sa kaniya tapos napapunas ng luha sa gilid ng aking mga pisngi.

"Ano?! Aba!" Napahaplos ito sa mukha niya. "Sila na nga itong gumagawa ng gulo tapos sila pa mandadamay! Cassiara, dito ka na muna sa bahay, ha? Ako haharap sa magulang ng bata."

"T-Tito Ymah! Ang sakit po!"

"Shh. Tahan na, anak. Kami ni Tito Oka mo ang bahala sa kanila."

"T-tito..."

"Tama na, anak. Sige na. Tahan ka na." He pulled me into the warmest embrace and caress my back.

🧭🧭🧭

Nang iwan ako ni Tito Ymah ay napayakap ako sa sarili ko. "Daddy..."

I cried again as I missed my own father's embrace. He did that too. He comforted me like how Tito Oka did. Oh, how I long for my father's embrace. I didn't expect that I would forget about that.

Tumayo na ako at akmang pupunta sa aking kwarto nang sumakip ang ulo ko. Napaluhod ako at sumigaw sa sakit na nararamdaman ko.

"AHHHH!!!"

"Cassandra. Andito ulit ako. Pasensiya hindi ko kasama si Koreena. Baka kasi matabig niya na naman mga gamit rito sa ward mo."

It's Soren!

"Cass, I miss you. Please come back. You've shown some signs months ago that you'll wake up. Please, wake up, Cassandra. Babawi pa ako sayo."

Babawi? Ano na naman sinasabi niya?

The Curse of Piratia ShiamiraWhere stories live. Discover now