TCOPS 8: Violent Emotion

9 1 0
                                    

SHIAMIRA

I hate seeing lively families.

Hindi ko tanggap na sila ay nabubuhay sa pagmamahal, habang ako ay hindi maaring magmahal.

Isa itong sumpa na galing sa sarili kong ina. Karagdagan pa ang hindi namin pagkikita ng aking ama. Pinatay siya ng sarili kong kadugo. Simula noong malaman ko ito kay Tito Yuping, ang tungkol sa karanasan ng aking pamilya, masasabing kailanma'y walang maidudulot ang emosyong pagmamahal sa akin at para sa iba.

However, at the age of thirteen, we were about to raid a tyrant merchant lurching across continents. His loot are from different black markets where he scammed them and other civilian people. Matagal na siyang hinuhuli ng ibang pirata dahil na rin sa pabuya ng gobyerno kaya lang maraming hindi nagtagumpay na mahuli ang mga 'to.

Kaya naman gumawa ako ng plano na makipagtulungan sa ibang mga pirata. Hindi naging madali ang pagkakaroon ng koopersayon sa kanila. They think I am fooling them given that I am a lassie and a young pirate captain. Baka scam daw ako.

Oh! These kind of people are impossible. They irritate me the most because they look down on me, a woman who should know more about house chores, not combat. Tsk, they don't know what they are missing. Bunch of fools! Buti na lang at napigilan pa ako ng kapwa kong mga pirata kundi binasag ko na ang ulo nitong kinakausap namin.

The cooperation between three pirate crew, including us, was adjourned. Noong magsisimula na kaming huliin ang aming target saka ko lang nalaman na may sanggol pa pala kaming kasama sa I-Shav (iyon ang pangalan ng aking barko). Wala dapat na menor de edad na madamay dito. Kung sino mang pirata ang nagdala ng kaniyang anak sa aking barko ay malalagot mamaya. They freaking know the rules that no child-except me-will board I-Shav as we do business. Sa galit ko ay hindi ko pinansin si Girrot at pinangunahan ko ang aming panghuhuli sa mga mersenaryo.

Everything was going according to plan. Madali na naming nahuli ang mersenaryong iyon saka dinala sila sa mga opisyal. Ang premyong natanggap namin ay dinala sa barko ng nakasama namin upang masunod ang usapan namin. They both will have forty percent of the bounty, while my crew and I will receive twenty percent. Honestly, the allocation is too low, but given that we still have enough booty (money) on our ship and we wanted to take down the enemy was still a better deal.

Nang hinahati na namin ang pera. Bigla kaming inatake ng kabilang pirata. They fought like crazy as they thrust their swords at the other crew. Ang mga baril nila ay tutok na tutok sa mga ulo ng kinakalaban nila. I look at my crew and signal them to run back to the ship. Napabaling ako ng tingin kay Tito Yuping at nakaigting ang kaniyang panga. Seems like we made a deal with the wrong crew.

Habang bumabalik na ang iba sa aming barko nagpaiwan ako, si Tito Yuping, Ymah, Oka, at ang iba pa. May ibang lumalapit na sa amin kaya naman umabante kaming nagpaiwan. Kaliwa't kanan kong tinignan ang mga kasama naming unti-unting bumabalik na sa aming barko. I thrust my sword to our enemy and help the others. Narinig ko naman na tinawag kami ni Ymah na nakabalik na sa barko ang mga kasama namin kaya sumunod na rin ako. As I cross the ramp connected to ours I snap my head back to the enemies ship and saw Tito Yuping left behind and Girrot.

"GIRROT!!!" Sigaw ko sa pangalan niya at akmang babalikan ang mga ito nang may humarang sa akin na kalaban. Napamura ako at iwinasiwas sa kaniya ang espada ko. Wala itong kinakatakutan sa akin at patuloy siya sa pagwasiwas ng kaniyang espada. Napadaing ako at dumaplis iyon sa balikat ko. Mabilis kong kinuha ang blunderbuss na nakasukbit sa aking beywang at kinasa iyon. I aimed it to the enemy's chest and shot him.

"PIRATIA!"

May mga humigit sa akin pabalik ng barko tapos pinatumba ako. I curse at them and began standing to check if everyone was back. Pero bago pa man ako makapag-suri may nagpatulog sa akin.

The Curse of Piratia ShiamiraWhere stories live. Discover now