TCOPS 30: Reverse

10 0 0
                                    

CASSANDRA

Nagtatawanan kami ni Soren sa mga kwentong baon namin buong biyahe pabalik sa aming isla. Kasama namin siya at si Keenai. Nais kasi ng binata na sumama sila upang maranasan ni Soren lumakbay. Natuwa naman ako para sa kanila kasi unti-unting nagiging maganda ang resulta ng misyong dinayo.

"Tapos si Kuya Keenai, noong sasakay na sana siya sa kaniyang takbo ay iniwan siya nito at nahabol siya ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Wala siyang takas. Hahahaha!"

"Grabe! Hahahaha!"

Ako naman ang sumunod na magkwento. Gusto ko rin na may malaman siya tungkol kay Shia na kapag nakakasama si Keenai.

"Si Shia naman laging kaaway si Keenai. Madaling mapikon si Shia sa kaniya. Meron iyong isang araw na naghabulan sila rito sa barko kasi si Keenai ang dami niyang sili na nilagay sa pagkain ni Shia. Rason niya dahil hindi raw siya pinapansin ni Shia."

Sabay na naman kaming tumawa sa mga kwento namin at nilingon ang mga tumawag sa amin. Magkasama na naman si Shia at Keenai. Napapangiti ako sa tuwing nagkakasundo ang dalawang ito. Madalas na rin ang ngiti ni Shia kapag nakakausap si Keenai. Sa wakas isa sa mga misyon ko na paglapitin ang dalawa ay nagtagumpay.

"Tara rito, Cass. Mukhang uulan na." Pag-aya sa akin ni Shia sa kaniyang opisina.

"Paano po sina tito?"

"Sasama kami sa opisina, Cass. Naibaba na namin ang anchor." Saad ni Tito Ymah sa tabi ko at ginulo ang buhok ko. "Hali na."

"Sige po."

Bago pa kami makatungo sa opisina ay bumagsak ang ulan pati na rin ang dibdib ko.

What is happening to me? Why can't I control my body?

"Cassiara, saan ka pupunta?" Naguguluhang tanong ni Tito Oka.

My throat dried. And my body move on its own. Why is this happening?

Lalong lumakas ang pag-ulan. At ramdam ko ang paulit-ulit na pananakit sa dibdib ko. It is as if something is electricuting me.

"Child! What are you doing?!" Tumakbo palapit sa akin si Shia. Sa likod nito ay si Keenai at Soren.

"Shiamira..." Gusto ko pang magsalita pero may isang malakas na pwersa na humuhugot sa pagkatao ko.

"Child! Come here! Cassiara, come here!" She sounded desperate. More like Shia is begging for me to come back to her. "Child take my hand and I'll pull you over." Inabot niya ang kamay niya sa akin.

I remember Daddy who used to tell me to take his hand. Like my first walk. My first bike. My first dance. He was there. And those were his sweet words.

I guess I miss him a lot.

Ten years past, I miss him. I didn't expect that I will miss my real home.

"Argh! Ahhh!" Napahawak ako sa aking tiyan at mangiyak na dumaing.

Ano ba ito? Bakit ba ito nangyayari sa akin?!

Time's up. You need to go, Cassiara.

Ngayon na ba iyon? Ang bilis ng oras!

"Child!"

"S-Shia, I'm fine!" Sa wakas nakakapagsalita na ako. Tinignan ko siya sa kaniyang mata at lumuluha na ito.

That's funny. She was never this sad towards me. Tanging suway, hiyaw, pagkukunwari na gigilitin nito ang leeg ko—ang nasa alaala ko. Paanong umiiyak siya ngayon?

"Cassiara... please take my hand! Child! You will fall there!" I was at the edge of the ships plank. The waves are crazily crashing. The rain's shortcoming is right. It poured like ice.

The Curse of Piratia ShiamiraWhere stories live. Discover now