CHAPTER 1:

135 21 1
                                    

Chapter 1:

MARI

"Sure ka bang kaya mo ng makita siya?"tanong sa'kin ng bestfriend kong si Jailly. Na siya namang ikinatigil ko sa paglalagay ng mga gamit ko sa bag.

"Y-yeah. Natural lang naman, kasi nasa iisang school na lang ulit kami. Kaya talagang magkikita at magkikita kami."I said calmly, even though I knew I was really nervous.

"Mari, alam naman na'ting pareho ang nakaraan niyo."

"Alam kong may nakaraan kami. Pero 'yong iniisip ninyong may kami noon, gawa-gawa niyo lang 'yon," ani ko rito.

"Gawa-gawa lang ba talaga? O totoong na fall lang talaga kayo sa isa't isa, na pilit niyo lang edini- deny noon."pangungulit na ani nito.

"Ang sabi mo nga noon. Kaya h'wag ka ng mag-expect na maibabalik pa ang noon sa ngayon. Kaya move on na te', ako nga naka move on na."ani ko rito habang ipinagpapatuloy na ang paglalagay ng mga gamit ko sa bag.

"Umamin ka nga? Na fall ka ba talaga kay Denzel?"

"Alam mo na ang sagot, malamang hindi."tanggi ko pero deep inside parang gusto ko ng lamunin ang mga sinasabi ko.

"Sabi mo e', tingnan lang natin. "Kibit balikat nitong ani na parang 'di sang-ayon sa sinabi ko. "Paalala lang 'wag kang masasaktan , sabi mo naman walang kayo. Kaya 'wag kang mag e-emote d'yan pag nakita mo siyang may ibang kasama. Kung may bago ng pumalit sa pwesto mo sa buhay niya."sabi nito at nauna nang lumabas sa kwarto ko.

At sa pag labas niyang 'nun saka ko lang naramdaman yung sakit na kanina ko pa kinikimkim dahil sa sinabi niya, na diko namalayan na may pumatak na palang luha sa mga mata ko, pero agad ko nalang 'yun pinahid gamit ang aking mga palad at inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng kwarto.

Walang imikan kami ni Jailly hanggang sa makarating kami sa school. Galing pala akong probinsiya at doon ako nag-aral habang binabantayan rin ang aking lola na may sakit. Ngayon nga na okay na si lola ay naisipan ulit ni mama na kunin ako at dito na ulit pag-aralin sa manila.

Tatlong taon din akong namalagi sa probinsiya kaya sure na rin akong sa pagbabalik ko ay madami nang nagbago , kaya 'di na din ako nag e-expect na 'di siya nagbago, pero I hope na sa pagbabago niya ay kahit papano hindi niya ko kinalimutan, na sana sa oras na mag kita kami ay pansinin niya ko, na kilalanin niya ko bilang kaibigan niya o kababata niya. Kahit gan'un nalang ay sapat na sa'kin.

---

Nang karating sa room agad akong binati ng ibang mga naging classmates ko dati, yung iba mga nakakakilala lang sakin. At yung iba nagtataka o nagulat dahil nakita ulit nila ako , pero nanatili lang akong naka ngiti.

"Si Mari 'yun diba? My gosh bakit pa siya bumalik? Kung kailan okay na."

"Oo nga! Ano yan andito siya para maging kontra bida? Akala ko sa mga novels or movies ko lang yun makikita pero meron din pala sa totoong buhay."

"Sana naman 'wag niya ng gulohin ang relasyon nila Denzel at Belle."

Samut-saring pag paparinig sakin ng bawat nakaka salubong ko. Nawala nang kusa yung ngiti na naka balandra sa mukha ko kanina at napayuko nalang ako.

Ganun na ba talaga kasama ang tingin nila sakin ngayon? Na palagay ba nila maninira ako kaya bumalik ako?Wala akong balak manira kung hindi mag papasira. Wala naman talagang masisira e', sila lang naman ang nag bigay ng kahulogan sa nangyari dati na hindi ko naman binigyan ng meaning kasi alam ko na kapag binigyan ko yun ng meaning mag aassume lang ako, na ngayon nga pinang hahawakan ko pero alam kong nabali na kasi alam kong bumitaw na siya at kumapit na siya sa iba kaya wala na kong magagawa.

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]On viuen les histories. Descobreix ara