Chapter 23:

64 15 4
                                    


Chapter 23:

MARI

Kinabukasan maaga akong pumasok para sana puntahan si Kyle sa classroom nila, pero wala akong Kyle na nakita. Ilang minuto pa'ko nag-antay na baka sakali na pumasok siya o baka nagtatago lang pero wala talagang dumadating o nagpapakita na Kyle sa harap ko. Malapit na 'rin mag simula ang klase ko at kailangan ko lang makausap si Kyle para makahingi ng tawad sa hindi ko pagsipot sa usapan namin kagabi. Nagi-guilty ako sa ginawa kong pagpapa-asa. Actually hindi ko naman talaga kasalanan, dahil kung hindi ako hinila ni Denzel at dinala sa kung saan, matutuloy sana date namin ni Kyle.

Ilang minuto pa ang hinintay ko, pero wala talaga kaya nag madali nalang akong umalis para mahabol pa ang klase ko. Baka mas maigi kung pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila.

Nang matapos na nga ang klase ko ay agad akong nagmadaling umalis papunta sa bahay ni Kyle. At sana lang and'un siya. Ayaw niyang sagotin mga tawag at text ko. Hindi ko alam kung ano na bang nangyari sakaniya. Sana lang wala siyang masamang ginawa. Ayaw ko man maging OA sa pag iisip ngunit di'ko maiwasan.

---

"Andiyan po ba si Kyle? Kaibigan niya po ako."sabi ko sa katulong nila na alam ko naman na namukhaan ako nito.

"Ahm, ma'am ayaw po tumanggap ng bisita si Sir ngayong araw. Kabilin-bilinan niya po na hindi ako mag papapasok kahit kanino, bukod sa parents niya."sabi nito.

"Saglit lang po, may importante lang akong sasabihin. Sisilipin ko lang siya."paki-usap ko pang sabi. At bakas din ang pag aalala nito, na di'ko alam kung para kanino.

"Sige po ma'am pasok ka po, pero sana mapakiusapan mo si Sir na kumain na at matulog na 'rin at tigilan ng uminom. Kasi kagabe pa naman siya sinusuway pero ayaw niyang makinig at ayaw niyang mag pa istorbo. Kahit sa parents niya ayaw nitong ipa-alam."nagaalalang sabi nito na agad ko namang ikinatango.

"Salamat."sabi ko nalang at tuluyan nang pumasok.

'Kyle ano bang pinaggaga-gawa mo sa sarili mo?' tanong nalang sa isip ko at umakyat na sa kung saan ang kuwarto niya.

At pagdating ko sa palapag ng kaniyang kwarto ay nakita ko ang nakauwang nitong pinto at kita ko siyang nasa gilid ng kama niya nakaupo sa sahig habang naka-sandal rito at tumutungga ng alak. Agad akong nagmadaling pumasok sa kuwarto nito, para awatin na sa pag iinom.

"Kyle itigil mo na 'to."galit kong sabi rito.

"Mari?"natatawang tanong nito.

"Oo Kyle ako 'to. Ano bang pinaggaga-gawa mo sa sarili mo? Ano 'tong kalokohan mo?"tanong ko rito, pero tanging tawa lang at hindi makapaniwalang naka-tingin sa'kin.

"Manang! Manang! Nababaliw na nga ata talaga ako. Nakikita ko ngayon si Mari sa harap ko."sumbong nito pero walang dumating na katulong.

"Kyle tigilan mo na ang pag-inom. Tumayo ka na."sabi ko sabay alalay sakaniya sa pag tayo.

"For real?! Ikaw ba talaga 'tong kasama ko Mari? Hindi ito guni-guni lang?"takang tanong at parang naninigurado.

"Kyle ako nga 'to."kumbinsi ko at napangiti siya ng malapad kasabay nun ay ang pag tulo ng luha niya.

Pinaupo ko siya sa kama niya at balak ko sanang ligpitin na ang kalat niya ngunit agad niyang hinila ang kamay ko kasabay nun ay ang pagyakap niya sa'kin. Habang ang mga braso niya ay nakapulupot sa bewang ko at nakasubsob ang mukha niya sa tiyan ko dahil naka upo siya.

"Mari mahal kita! 'Wag mo kong iwan ngayon. Kahit ngayon lang. Kahit pa guni-guni ko lang 'to. Dito ka lang."sabi nito at nanatiling nakayakap pa rin sa'kin at dinig ko sa boses niya ang sakit habang umiiyak.

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now