Chapter 9:

45 14 5
                                    

Chapter 9:

Mari Pov's


Pilit na iniiwas kong 'wag mahagip ng mga mata ko ang pwesto nila, para lang 'di na naman mag alburoto yung sakit na nararamdaman ko dahil baka maluha na naman ako ng 'di ko namamalayan.

" Sure kang okay ka lang?"alalang tanong sakin ni Kyle.

"Yeah! Asan na pala yung cupcake ko? Pweding kainin ko na yun lahat ngayon?"tanong ko sakaniya feeling ko kasi pumapait panlasa ko kaya kailangan ko ng matamis na makakain.

"Sige, mag intay ka lang dito kukunin ko sandali."sabi niya pero nang tangka na siyang paalis ay agad kong hinila ang kamay niya na agad niya rin namang ikinatingin sa mga kamay kong naka-hawak na sakaniya at gan'un din ang pag-lipat niya agad ng tingin sa pwestong kanina ko pa iniiwasan makita.

" Sasama nalang ako, 'dun nalang ako kakain sa kusina."paki-usap ko pa sakaniya na ikinatango nalang nito at inalalayan ako patungo sa kusina na ikinatawa ko nalang. "Ginawa mo naman akong lumpo." biro ko pa sakaniya na ikinatawa niya lang din. Agad siyang nag tungo sa Ref. at kinuha ang paborito ko, na agad rin naman ikinaliwanag ng mga mata ko bigla na naman tuloy sumigla ang pakiramdam ko. Strawberry cupcake lang talaga ang kahinaan ko.

"Gustong-gusto mo talaga 'yan at hinding hindi ka talaga nagsasawa. Don't worry gagawa ako niyan palagi para sayo."sabi niya sa'kin habang nangiti habang naka-tingin sa'kin na kumakain ng cupcake.

"Talaga! Kyaahh! Thank you talaga agad ng marami." sigaw kong sabi pero bigla nalang akong napatahimik ng marealize ko na hindi lang pala kami ang tao sa bahay niya. Agad nalang siyang natawa at ginulo ang buhok ko na agad ko naman ikinatapik sa kamay niya. " Not my hair." banta ko sakaniya na ikinatawa niya lalo.

---

𝙶𝚊𝚎𝚕 𝙿𝚘𝚟'𝚜

Rinig na rinig namin dito sa sala ang tili ni Mari at mga tawa niya habang andun sila ni Kyle sa kusina. At pansin ko ang pananahimik ng paligid at mukhang may inaabangan na maaaring mangyari sa kusina. Daig pa namin nakikinig sa radyo ng mga drama at kailangan 'wag mag ingay para lang masubaybayan ang bawat kabanata o eksena.

"Kaya ko na nga Kyle, ang kulit! May kamay ako."boses ni Mari.

"Dali na isubo mo na."sabi naman ni Kyle na agad ko naman ikina-ayos ng upo para mas lalong marinig ang ganap sa kusina.

"Oo na isusubo ko na, 'wag mong biglain ang pagsubo alam mo namang maliit ang bunganga ko. Mauupakan kita."banta ni Mari na ikinalunok ko nalang ng laway ko bigla.

"Aray!Mari bakit mo kinagat?"daing ni Kyle na ikinatawa ni Mari na halata namang may subo-subo.

Biglang naging green minded ang lahat ata ng mga utak namin kaya agad kaming napatakbo sa kusina para malaman ang ganap.

Agad na nanlaki ang mata ng dalawa dahil sa biglaang pagsulpot namin sa kusina, gan'on naman kami na patigil sa pag-hinga ng makita namin ang sitwasyon ng dalawa sa kusina.


Na puno na ng kalat ang buong kusina at pati mga mukha nilang dalawa ay may mga icing na ng cupcake at yung kamay ni Kyle malapit sa bunganga ni Mari at si Mari naman puno ng cupcake sa bunganga, agad niya naman na ilunok ang kinakain niya nang dumating kami kaya agad din siyang nabulonan.

Agad naman nataranta si Kyle at agad itong inabutan ng tubig.

Napahinga naman kami ng maluwag sa nangyari na mali pala ang iniisip namin. Kaming tatlo lang ang napasugod sa kusina at pati si Felix na hindi naman chismoso ay na damay sa pagtakbo. Ganun na ba talaga kadumi ang utak namin, kaya bigla namin binigyan ng ibang meaning ang ganap nila sa kusina. Kailangan ko na atang banlawan ang utak ko ng Holly water.

Nakita ko si Belle na may nag-aabang na makuhang sagot at halatado ang pagpipigil niya sa braso na naka-hawak kay Denzel at nakikita ko rin ang pagkuyom ng mga kamao ni Denzel na halatadong pinipigilan ang magalit.

" Nag susuboan lang naman sila."tipid kong sabi, imbis na humupa ang galit ni Denzel mas lalo lang siyang napakuyom ng kamao at napa-tingin sa ibang direksyon.

Kung hindi ko lang naiisip na mahal ni Denzel si Belle , iisipin kong nag seselos siya ngayon at parang gusto niya ng sumugod sa kusina para patayin si Kyle. Pero malabo yun kasi mahal ni Denzel si Belle, siguro kaya siya ganiyan kasi halata naman na ayaw ni Denzel kay Mari para kay Kyle.

Ang sabi niya pa inaalala niya pa si Kyle once na mahulog ito kay Mari baka iwan lang din ito at masaktan ni Mari. Grabe talaga ang pag aalala niya para saming mga kaibigan niya. Ang sweet niya! Kaya love namin siya eh.

Agad kaming napatingin sa dalawang tao na lumabas na sa kusina at may mga dumi pa ng icing ang mga damit at halatado ang magandang ngiti ni Mari. Na simula nang dumating siya ngayon ko lang ulit nakita ang totoong ngiti. Di'ko namalayan na nabinat na pala ang mga labi ko na dahilan para mamalayan ko na nahahawa na'ko sa paraan ng pag-ngiti niya kaya agad akong umiwas ng tingin at inayos ko ang mukha ko na ibalik sa pagiging seryoso.

" Uuwi na si Mari. Ihahatid ko lang siya tapos babalik din ako agad."paalam ni Kyle sa amin. Na agad na ikinatayo ni Denzel, na agad rin naming ikinalingon dito.

" Uuwi na kami. Wala 'rin namang kwenta ang araw na 'to."sabi ni Denzel at agad niyang inalalayan pa tumayo si Belle at nauna na silang umalis.

Nakita ko naman ang pag-yuko ni Mari, pero nang maramdaman niyang nakalabas na ang dalawa ay agad siyang nag-angat ng tingin at pilit nalang ngumiti kay Kyle. Agad din naman inalalayan ni Kyle si Mari balak niya pa atang ihatid si Mari sa bahay nito.

" Pano tayo guys? Mag aalalayan din ba tayo palabas."natatawang biro ko.

" Inggit ka lang wala ka kasing Jowa!"sabi ni Jao.

"Nagsalita ang meron."parinig ko rin sakaniya.

"Meron naman talaga."

"Sino si madam Auring."tawa ko pang sagot sakaniya.

Agad nalang tumayo si Felix at iniwan kami pero agad naman kaming napa-tayo ni Jao at hinabol ito at kunwari ay inaalalayan rin namin ito.

Na agad niya naman ikinabawi ng mga braso niya pero hindi kami bumitaw sa pagkaka-kapit rito hanggang sa pinag-tulongan nalang namin siyang buhatin ni Jao palabas ng bahay ni Kyle. At ang GAGO pinuno kami ng mura, kaya tawa nalang kami ng tawa ni Jao dahil sa mga pinagsasabi niya tungkol sa'ming dalawa.

Kami nalang 'rin ang nag lock ng bahay ni Kyle at hanggang sa paglabas ng gate ay saka lang namin pabagsak na binitawan si Felix na lalo ikinareklamo at ikina-mura nito samin pero tinawanan lang namin siya at nagsi-uwian na lang rin kami sa kaniya-kaniya naming mga bahay.

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now