Chapter 7:

50 14 3
                                    

Chapter 7:

Mari Pov's

Bago ako pumasok sa school inalala ko nalang ang masasayang bagay na mga nangyari sa buhay ko, kahit yung mga alaala noon na hanggang ngayon nagpapasaya pa rin sakin. Para manatili ang ngiting tunay sa mga labi ko at walang pamemeke.

Para kahit papano matupad ko ang isa sa mga hiling ni Jailly, na makita ang ngiti kong tunay kagaya ng noon.

Pagkapasok ko sa school nag tataka lang napatingin sakin ang mga studyanteng nakakasalubong ko , pero kahit mapanghusga ang mga tingin nila sakin at parang hinuhusgahan nako sa isip nila na para akong baliw na naka ngiti , diko nalang inintindi at patuloy lang sa pag ngiti habang nag lalakad papuntang room ko.

"Mari!"tawag sakin na agad ko namang ikinalingon sa kung sino man at nanatiling naka-ngiti ng bumaling ako sa taong yun, ngumiti rin siya sakin pabalik. "Mari if you don't mind, pwedi ba akong makisuyo sayo? Ahm, kasi wala akong masuyong iba, bukod sa ikaw ang classmate ni Denzel. Pwedi bang paki bigay 'to sakaniya. Gumawa ako ng favorite cookies niya at chocolate cupcake para sakaniya. Mali-late na kasi ako sa klase ko, hindi na'ko aabot kung pupunta pa 'ko sa room niyo."mahinhin nitong sabi sa'kin at naka yuko pa siya habang nakiki-usap sakin sa gusto niya. Hindi ko alam pero biglang napeke yung ngiti ko na naka-plaster sa mukha ko pero nanatili lang akong naka ngiti kahit pilit at nangangalay na ang labi ko.

"Okay lang."sagot ko na agad ikinabaling niya at ikinaliwanag ng mukha niya.

"Talaga? Oh my gosh! Thank you."sabi niya sabay abot sakin ng box ng pag kain na gawa niya.

Tinanggap ko 'yun at nag mamadali na siya umalis kahit may balak pa sana akong sabihin.

Bitbit ko ang box na 'yun habang papunta akong room, nakita ko pa ang letter na naka ibabaw sa box. Biglang nag iba ang timpla ng pakiramdam ko , parang gusto kong ibalibag 'tong dala ko.

' Babe this is your request, na gawan kita ng favorite mong cookies at cupcake na ako lang ang nakakagawa. Thank you ko na rin 'to sayo para sa araw-araw mong pagpapakita at pagpapadama ng pagmamahal mo sa'kin na araw-araw ko din na a-apreciate. Kaya Thank you Babe, sana magustohan mo ang gawa kong ito for you.'

-From your only girl Belle

"From you Only Belle. Tsk!"gaya ko sa last word na nabasa ko.

Nagmadali akong pumunta sa room at agad na nilapag ang dala kong box sa katabing upuan ko. Agad naman nag bulongan ang mga classmate ko na akala ata sa'kin yung dala kong 'yun. Pero hindi ko nalang inintindi hanggang sa dumating ang may-ari ng pagbibigyan ko ng box, hindi nalang ako umimik at pagkakita niya sa box. Agad niyang nilagay sa mesa niya para maka upo siya, pasimple akong tumingin sa direksiyon niya na agad kong nakita ang ngiting matagal ko ng gustong ulit makita sakaniya.

Ngunit saglit na ngiti lang at agad ding bumalik sa seryoso ang mukha niya.

Dumating na yung Prof. namin at buti wala ng bulongan ang namutawi sa paligid ko. Nakakarindi na kasi ang mga bibig nilang mapanghusga.



Pagka-dismiss ng last subject teacher namin para sa araw na 'to agad akong nag madaling lumabas ng room. Para maka-uwi agad sa bahay at iwasan ang mga mapanghusga na naman nilang pang-aakusa kahit wala namang katotohanan.

" Mari!"wala na sana akong balak lingunin ang kung sino mang tumawag sa pangalan ko, nang bigla nalang akong napahinto sa paghila nito sa braso ko.

"Bakit?"medyo iritado kong tanong sa taong humawak ng kamay ko, agad naman itong napayuko na agad naman ikinabulongan na naman ng mga tao sa paligid namin. Na akala ata inaapi ko ang bida nila. Bwisit!

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now