Chapter 21:

47 15 2
                                    

Chapter 21:

Belle Pov's

Mula kahapon hinahanap ko si Denzel kung saan ba siya nag-sususuot. Hindi ako naka-punta sa bahay nila kasi may inaasikaso ako sa bahay ko. At ngayong araw ay maaga akong pumasok para sakaniya, para hanapin na naman siya bago magsimula ang klase.

Palinga-linga ako kung nasaan siya at hindi ako nagka-mali nang makita siya ngayon. Agad akong napangiti ng malapad at agad na nilapitan siya at niyakap mula sa likod niya. Agad siyang napahinto sa paglalakad sa gulat.

"Mari?"mahinang pagbanggit niya sa pangalan na matagal ko nang ikina-iirita. Bakit ba kasi ginaya ko pa ang ginagawa ng bruhang yun. Kaya 'yan tuloy nababanggit niya na naman ang pangalan na hindi dapat. Nang tanggalin niya ang pagkakapulot ng kamay ko sa bewang niya at humarap sa'kin agad na naging blanko ang mukha niya. Hindi ko mabasa pero isa lang ang alam ko, may inaasahan siyang iba, na akala niya ako yung taong 'yun pero nanatili lang akong naka-ngiti.

"Sa uulitin 'wag mo nang gagawin 'yun ha?"lambing niyang sabi na ikinahaplos sa puso ko at napatango agad na may ngiti sa labi na ikina-ngiti niya 'rin sa'kin. Agad ko siyang niyakap na tinugon niya naman.

Ito na ba ang paraan niya? Handa niya na bang kalimutan si Mari? Na pilit kong ginagaya para mahalin niya rin ako pabalik?

Siguro nga ito na ang oras at masaya ako dahil d'un. Pagkatapos namin mag yakapan agad niya kong hinatid sa room ko. Mas nauuna ang room ko kesa sa room niya kaya na dadaanan niya ang room ko papunta sa room niya.

Nang maka-rating kami sa room ko agad ko siyang hinarap at nag pasalamat. Nang hahalikan ko na sana siya agad siyang umiwas at hinalikan nalang ako sa pisngi. Na ikigalit ko pero hindi ko 'yun ipinakita sakaniya at nang mahagip ng mata ko ang papalapit na alam kong si Mari agad kong hinawakan sa magkabilang pisngi ang mukha ni Denzel at agad na hinalikan at malawak ang ngiti ko ng pakawalan ang labi ni Denzel bago pasimpleng tumingin sa gulat na expression ni Mari. Nakita ko rin ang blanko na mukha ni Denzel bago umalis ng room ko. Nang makapasok na si Denzel sa Room nila at alam kong hindi na babalik pa.

Agad kong hinarangan ang daan ni Mari na alam kong malapit na siya.
Agad niya kong tinaasan ng kilay.

Hindi ko akalain na kayang maging demonyita ng isang Mari. Akala ko mala anghel lang ang meron siya pero may tinatago din pala.

"Anong kailangan mo?"tanong niya na naka-taas pa din ang kilay.

"Kapag nalaman ko lang na nilalandi mo ang boyfriend ko sisiguradohin kong magiging miserable ang buhay mo."mahinang bantang sabi ko sakaniya.

"Hindi ko nilalandi ang boyfriend mo. At kung nilalandi ko man, nasasakaniya na 'yun kung mag papalandi siya at kung magpapadala siya sa panlalandi ko. At ang ibig sabihin lang din n'un hindi ka talaga niya mahal."sabi nito na lalong ikinairita ko agad ko siyang sinampal ng malakas . Nang maka-bawi siya, agad din siyang sumugod sa'kin at sinampal ako at sa lakas ng impak napa-upo ako, sakto naman ang pag-daan ng grupo ng kababaihan at ang nakita pa nila ay kung ano ang kalagayan ko at sa saktong pagsugod  sa'kin  ni Mari.

Agad akong napangisi at ginalingan ko na naman ang pag-acting ko. Ako na ata ang pinaka magaling na artista kung sakali sa balat ng lupa.

𝙼𝚊𝚛𝚒 𝙿𝚘𝚟'𝚜

Nagtaka naman ako dahil nag iba ang expression ng mukha niya na parang nawala yung Belle na demonyita ngayon ay isang tuta na mukhang kaawa-awa. Tsk! Mabilis nga naman mag palit ng ugali. Galing!

"Grabe si Mari totoo ngang mala anghel lang sa panlabas pero may kademonyitahan palang naka-tago."sabi sa isang mga kababaihan na nakakita sa ginawa kong mag sampal kay Belle kung saan nila nakikita na parang nakawawa ko si Belle. Tsk!

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ