Chapter 19:

36 12 0
                                    

Chapter 19:

Denzel Pov's

Mataas pa 'rin ang lagnat niya. Dito ko siya naisipang dalhin sa bahay para ako lang ang makakapag-alaga sakaniya. Kasi once na dinala ko siya sa bahay nila, tiyak na darating lang si Kyle at 'yun 'yung ayoko na aalagaan niya si Mari. Baka kung saan-saan pa humawak ang kamay niya. Ngayon pa nga lang sa ginagawa ko, iisipin ko palang na may ibang mag pupunas sa katawan ni Mari parang gusto ko ng gulpihin 'yung taong 'yun.

Nang matapos na'ko sa pagpupunas ay kinumotan ko na siya at lumabas na nang kwarto ko dala ang palanggana na pinag gamitan ko sa pagpupunas ko kay Mari.

Pagkababa ko ng hagdan balak ko na sanang dumiretso sa kusina ng biglang bumukas ang pinto ng bahay 'ko at bumungad sa'kin ang tatlong kaibigan ko.

Shit! Ba't nandito sila?

"Anong ginagawa niyo dito?"medyo inis kong tanong.

"Kyle isthatyou?"biro ni Gael at natawa nalang dahil sa tanong ko. "Pumunta kami rito dahil ang sabi mo andito si Tita. Tumakas pa kami sa klase namin para lang makita siya, balak kasi namin makipag kamustahan sa mama mo at baka may pasalubong din para sa'min si Tita."naka-ngiti pang sabi nito. At nag palinga-linga na parang may hinahanap.

"Kaka-alis lang ni Mama. Kaya umalis na kayo."taboy ko sakanila.

"Kung wala na pala dito, e' di tatambay nalang kami dito. Nasayang lang ang pag cutting namin. Akala pa namin maaabutan pa namin si Tita."sabi ni Jao.

"Umalis na kayo dito."taboy ko ulit at naiinis na'ko.

"May tinatago ka ba?"tanong ni Gael na ikinakaba ko at ikinatigil ko.

"W-wala. Atsaka ayaw ko lang ngayon ng bisita. Kaya umalis na kayo."iwas tingin na sabi ko.

"Nawawala si Mari. Kanina pa siya hinahanap nila Kyle at Jailly hindi nila makita. Nag-aalala sila kay Mari kasi may sakit siya. Nagpumilit lang siya pumasok kanina, kaya baka naman nakita mo. Alam mo ba kung nasan siya?"biglang sabi at tanong nito.

"Hindi."tipid kong sabi.

"Hindi ka man lang ba nag-aalala kay Mari?"naka-kunot nuong tanong nito.
Pa'no ako mag aalala e' nasa bahay ko lang naman siya.

"Para saan pa."

"Pare si Mari 'yun. Kahit papano may pinagsamahan pa rin kayo ng tao. Tapos hindi ka man lang nag-aalala sakaniya. Alam ko ang problema niyo at naiintindihan ko rin kung bakit ganiyan ka kay Mari. Hindi lang naman ikaw ang naapektuhan ng umalis siya, kami rin naman. Pero kahit ganon hindi kami nagalit sakaniya, siguro tampo lang. Pero pilit lang namin siyang iniiwasan dahil sayo, pero sa totoo lang gustong gusto na namin siyang lapitan dahil namimiss na namin siya."mahabang speech ni Gael.

"Alam naming may Girlfriend kana at masaya kana. Pero sana naman mag kabati na kayo ni Mari. Kahit mag friends nalang ulit kayo para maka lapit na siya sa'tin at malapitan na rin namin siya."sabi pa ni Jao.

Sabay sabay kaming  napalingon kay Felix ng mapatingin din ito sa'min ng nagtataka. Iniintay ko lang din naman, baka may sasabihin din siya.

"Well, sana maging okay na kayo ni Mari."tipid niya na lang sabi.

Hindi nalang ako umimik at ipinagpatuloy ko nalang ang naudlot kong pagpunta sa kusina. Kaso bago pa man ako makapunta r'on ay pinigilan na naman ako ni Gael. Nilingon ko siya ng kunot nuo habang naka tingin naman ang mata niya sa hawak kong palanggana.

"Bakit may hawak ka niyan? May inaalagaan ka bang may sakit?"tanong nito na agad kong ikinaiwas ng tingin pero hindi ko pinahalata na nagulat ako sa naging tanong niya.

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant