Chapter 11:

39 14 1
                                    

Chapter 11:

Mari Pov's

Kinabukasan maaga akong nagising kahit halos madaling araw na'ko natulog dahil sa nangyari. Gustong-gusto kong kalimutan yung nangyari kaso sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, palaging nag r-replay sa utak ko na parang isang plaka at ang ending puyat ako. Buti nalang maaga pa 'rin ako nagising.

Nang maka-rating na'ko sa school agad na'kong dumiretso sa room. Hindi naman halata ang eyebags ko, kaya hindi din halata na napuyat ako.

At pasalamat nalang wala pang Denzel sa room kaya nakahinga ako ng maluwag. Agad akong umupo sa upuan ko. Unti palang naman ang tao sa room dahil masyado ata talagang napaaga ang pagpasok ko kaya gan'un. Napatingin lang ako sa pintuan ng patakbong pumasok si Jailly at hagard ang itsura nito na ikinatawa ako at bigla siyang napabusangot dahil sa pag-aakalang late siya kaso hindi naman pala. Agad rin naman siyang ngumiti nang makita ako at sinamahan pa ng pagkaway nito sa'kin. At agad rin lumapit sa pwesto ko.

"Kala ko late na'ko."sabi niya na ikinatawa ko nalang. "Nililigawan kana ba ni Kyle?"bulong na tanong nito.

"Hindi ah. At ayaw kong mag assume."sabi ko nalang rito.

"Pero kapag niligawan ka niya , sasagotin mo ba?"mahinang tanong ulit nito sa'kin.

"Siguro? Kapag nanligaw."tipid ko nalang sabi dahil hindi naman ako sigurado.

Pero agad ko namang naalala yung nangyari kagabi. Bigla ko nalang iniling ang ulo ko para mataboy ang gusto kong maka-limutan na taka naman akong tiningnan ni Jailly.

" Nyare sayo?"

"Wala."tipid ko nalang sabi at pilit na ngumiti.

Nagsi-datingan na rin ang ibang mga classmate namin  at maging si Denzel ay dumating na din. Agad siyang umupo sa tabi ko na parang walang nangyari. Normal na normal lang siya kung umakto, na para bang walang ginawang kalokohan.

Pero hindi ko nalang yun inintindi. Hanggang sa dumating na rin ang Prof namin at nag-simula na ang klase.

----

Breaktime na at wala na naman kaming klase para sa first subject namin panghapon. Kaya naisipan kong hindi nalang mag lunch sa cafeteria. Agad nalang akong nag tungo sa likod ng school kung saan ang dating tambayan namin nila Denzel kasama ang barkada.

At pagkarating ko sa lugar na yun walang katao-tao, mukhang hindi na ata napapagawi o hindi na tumatambay dito sila Denzel. Simula nang bumalik ako, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta dito sa lugar na 'to . Nakakamiss ang tumambay dito malilim at sariwa ang hangin.

Umupo na'ko sa ilalim ng puno kung saan madalas ang pwesto naming dalawa ni Denzel noon, inilapag ko ang pagkain ko sa damuhan at tiningnan ang puno kung saan merong naka-ukit na first letter ng pangalan naming dalawa at sa gitna ay may puso. Ngunit nang makita ko bigla nalang akong nalungkot dahil wala na dun ang hinahanap ko at tanging bakat nalang ng pinag-ukitan ang naroon, bakat na tinanggal ang mga letrang naka-ukit sa puno. Ganun ba talaga kalaki ang galit niya sa'kin, para burahin ako sa buhay niya at ga'nun na rin na hindi na panghawakan pa ang mga pinangako niya sa'kin dati.

Pero ano 'tong ngayong pinaparamdam niya sa'kin? Pinapaasa niya lang ba ako na merong kahulogan 'yun? Pinapapaniwala niya ba akong meron kahit ang totoo niyan gusto niya lang gumanti sa pag-iwan 'ko sakaniya noon. Nagugulohan ako pero isa lang ang sigurado ako. Kung ano man ang ipinaramdam niya sa'kin kagabi  ay walang ibang ibig sabihin 'yun at parte lang yun ng paghihiganti niya sa'kin para masaktan ako.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko pero agad ko rin 'yun pinalis ng may marinig akong kaluskos nang paparating. Agad naman ako napatago sa isa sa mga puno.

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now