Chapter 6:

53 14 4
                                    

Chapter 6:

Kyle Pov's

"Pare may namamagitan ba sainyo ni Mari?"tanong ni Gael ng maka-rating ako sa tambayan namin dito sa likod ng school kung saan may mga puno kaya malilim ang lugar na ito, kaya napakagandang tambayan at masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin.

"Anong klaseng tanong yan Gael?"natatawa kong balik tanong kay Gael.

"Seryoso ako sa tanong ko Pre. May something naba sainyo ni Mari?"

"E' kunwaring oo, ano naman ngayon?"tanong ko din pabalik na ikinatahimik nito.

"Nanunulot ka ba pare?"

"Wala akong sinusulot pare at wala namang nag mamay-ari  kay Mari ah."sabi ko.

"Alam mo naman siguro ang tungkol sakanila ni Denzel diba?"

"Matagal na 'yun at diba may Belle na siya. Kaya walang problema kung sakali mang may namamagitan samin ni Mari."naka-ngiti kong sabi.

"Gago! Kapag nalaman 'to ni Denzel , yari ka."sabat ni Jao sa usapan.

"Wala naman akong kasalanan huh! Hindi niya naman pag aari si Mari at wala siyang karapatan para pahindiin ako sa gusto ko."matapang na sagot ko.

"Bahala ka na nga malaki kana."sabi nalang ni Gael at tumahimik nalang ito.

"Hi Guys!"bati ni Belle at kasama niya si Denzel habang naka-hawak ito sa mga braso nito.

Tiningnan ko ang itsura ni Denzel na malalim ang iniisip at mukhang naiirita, nang mapansin niyang naka-tingin ako sakaniya bigla siyang bumaling sakin at tinitigan ako ng masama.

Napataas naman ako ng kamay na parang sumusuko. Sa klase ng tingin niya para niya kong papatayin, agad nalang siyang umiwas ng tingin at hinila niya ang braso kay Belle at pumunta sa malayo saamin at 'dun tumambay.

"Guys may alam ba kayo kung bakit ganun si Denz?"tanong ni Belle samin.

"Ikaw ang girlfriend ba't di mo alamin."bara ni Jao. Agad naman natahimik si Belle at pumunta nalang sa tabi ni Felix na kanina pa tahimik at habang may binabasang libro.

Kung meron man nagpapakita ng pag ka-ayaw kay Belle  si Jao 'yun. Harap harapan niyang pinapamukha na ayaw niya kay Belle bilang maging kaibigan din namin. Bukod sa Girlfriend siya ni Denzel hanggang dun lang yun, hindi namin siya magiging kaibigan porket Girlfriend siya ng kaibigan namin. Para sa'min ni Jao parehas naming ayaw si Belle para kay Denzel, sa totoo lang nakakaramdam kami ng pagkairita kapag-nakikita namin si Belle para kasing peke lang ang pinapakita niya. Si Felix naman at Gael boto naman sa relasyon ni Belle at Denzel. Parang may kaniya-kaniya kaming bias.

Ang nag-iisang kaibigan lang namin na babae na itinuring namin na parang prinsesa ng grupo ay walang iba kun'di si Mari, masaya ang grupo kapag kasama namin siya at palagi kaming busog dahil palagi niya kaming dinadalhan ng masasarap niyang luto. At ramdam mo ang tunay na saya kapag siya ang kasama dahil matatawa ka talaga kapag kasama mo si Mari, kahit ga'no ka pa ka lungkot once na nginitian ka lang niya , parang biglang nawawala agad ang lungkot mo at mahahawa ka agad sa ngiti niya.

Kaya sure akong nainlove si Denzel kay Mari noon. Kung pagkukumparahin ibang iba ang Denzel noon sa Denzel ngayon. Pero nakikita ko rin naman na masaya siya ngayon sa relasyon nila ni Belle , pero iba pa rin yung tinginan niya noon kay Mari , kumpara ngayon kay Belle. Pero wala tayong magagawa kung naka move-on na talaga.

Kaya walang problema kung pumapel ako sa buhay ni Mari.

---

Mari Pov's

Andito kami ngayon sa library ni Jailly, dahil may mga kailangan lang akong basahin related sa magiging topic sa next subject namin this afternoon. Alam ko namang hindi trip ni Jailly mag basa ng libro at trip niya lang talaga sumama para matulog. Yes po, natutulog siya ngayon pero hinayaan ko nalang at nag patuloy lang sa pag babasa. Free naman kami sa first subject namin ngayong afternoon kaya medyo mahaba ang oras namin para mag tambay dito sa library , nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko at kunti lang ang tao at halos ang mga andito lang ay 'yung may mga iniingatang grado na hindi kailangan bumaba kaya subsoban sila sa pag-aaral kumbaga mga nerd at ang iba naman ay sadyang trip lang tumambay para matulog sa loob ng library. Nahagip ng paningin ko 'yung pwestong na kung saan hindi ga'anong napapansin ng mga studyante kung hindi mo titingnan ng maiigi at may tao pala ngayon roon, malapit sila sa may bintana ng library at nasa pinaka dulong bahagi nitong library kaya 'di mo agad mapapansin na kung may tao ba o wala, hindi ko alam kung nananadya ba itong mga mata ko dahil sadya yatang luminaw para lang makita  'yung dalawang tao na ayaw ko makita. At makikita mo mula rito na mukhang nagtatawanan sila at habang magkahawak kamay.

Kinukulit niya si Babae habang nagbabasa ito ng libro, tinutusok-tusok nito ang pisngi ni Babae na ikinatatawa at sinusuway naman ni Babae. Ang saya nila kung titingnan, the way Boy look at her na para bang ito na ang pinaka-magandang babae na nakita niya sa buong buhay niya. Halata sa pangungulit ni Boy kay Girl na gusto lang nitong magpapansin para bigyan siya ng pansin ni Girl.

"Umiiyak ka na naman."napatingin ako kay Jailly na kagigising lang. Agad ko naman kinapa 'yung pisngi ko na may tumutulo na palang luha agad kong pinunasan ito at tumikhim nalang.

"Napuwing lang ako, lakas kasi ng hangin."

"Hangin? Eh naka aircon tong buong library at walang mahahagip ng ihip ng hangin dito sa loob. Tigilan mo ko Mari at sino ba ang tinitingnan mo sa likod k--" hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng malaman niya kung sino ang tinitingnan ko. Kahit nasa dulong bahagi at malayo sa'min makikita mo pa rin sila ng malinaw depende din kung malinaw ang mata at mapapansin kung papansinin ang bahaging 'yun. Kung iba sigurong tao ang nakakakita sa dalawa paniguradong maiihi sa kilig dahil sa ka sweet-tan ng dalawa na kung pano sila mag asaran at mag kulitan sa isa't isa na para bang sila lang ang tao sa mundong ginawa nila.

Ramdam ko ang pag-kirot ng puso ko, pero ano bang karapatan kong masaktan. Kagagawan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung hindi sana ako umalis ako sana yung nasa lugar na 'yun, ako sana yung kinukulit niya , ako sana yung pinapakitaan niya ng tingin na parang ako na ang pinakamagandang babae sa paningin niya, ako sana yung nginingitian niya. Ako sana pero hindi na.

"Kaya naman pala."tatango-tango nalang sabi ni Jailly at ibinaling niya na sakin ang atensyon niya.

"Kaya mo pa?"tanong nito.

"Bakit naman hindi  ko kakayanin? Syempre kayang-kaya ko."sabi ko rito na ikinataka naman nito sa sagot ko.

"Tinutukoy ko yung pag rereview mo, kaya mo pa ba? Dahil baka sumabog na iyang utak mo. Tara na nga nang maka pagmeryenda na tayo sa cafeteria. At libre ko ngayon promise ."sabi niya sabay tiklop ng librong binabasa ko at hinila na 'ko palabas ng library. Sinulyapan ko pa ang pwesto nila Denzel at Belle, pinaglalaruan nalang ni Denzel ang kamay ni Belle habang naka patong ang ulo  nito sa mesa at si Belle naman patuloy lang sa pagbabasa gamit ang isang kamay para ilipat ang page ng libro. Nang makontento na'ko sa nakita ko, tuloyan na akong lumabas ng library.

Nang makarating kami sa Cafeteria naghanap agad ako ng magandang pwesto at agad din umupo  dahil feeling ko kasi napagod ako na kahit ang lapit lang nang nilakaran namin papunta dito sa cafeteria ni Jailly.

Si Jailly na ang nag order at nang makuha niya na ang order agad siyang pumunta kung saan ako nakapwesto at agad niyang inilapag ang isang strawberry cupcake na favorite ko at isang coke. Agad akong napangiti at nagpasalamat sakaniya.

"Nainlove ka sakaniya at hanggang ngayon mahal mo pa rin siya. Mahirap 'yan Mari."biglang sabi ni Jailly na ikinabaling ko sakaniya. "Alam mo Mari wala namang masama kung mahal mo pa siya , ang masama kasi nasasaktan kana kasi alam mong masaya na siya sa iba. Alam mo naman Mari na hindi ko kayang nakikita kang palaging malungkot at namumugto ang mga mata mo sa kakaiyak. Simula ng dumating ka imbis na ngiti mong nakakahawa ang makikita ko diyan sa mga mukha mo, lungkot ang nakikita ko. Alam mo naman yung ngiti mo ay parang may magic 'yan na once na ngitian mo yung taong may galit sayo kahit gaano pa ata kalalim ang galit niya sayo nagiging malambot agad. Namimiss ko yung ngiti ni Mari noon kesa sa ngiti niya ngayon, yung noon kasi hindi peke kesa ngayon na parang pinipilit mo lang. Sana bumalik na 'yun."sabi nito at malungkot na ang mukha nito habang naka-tingin sakin na ikina-tawa ko nalang.

"Yang tawa nayan, hindi yan totoo. Peke 'yan eh."reklamo niya sa tawa ko na ikina-hinto ko kasi totoo naman na pinipeke ko lang ang tawa ko para ipakita sakaniyang okay lang ako. Pero nahahalata niya pa rin pala.

"Baka bukas promise maging okay na'ko, baka bukas bumalik na ang dating ngiti ko. Baka bukas."sabi ko nalang.

"Iinatayin ko yan."sabi niya nalang at tumango nalang ako at tipid na ngumiti.

Nang matapos kami sa pag kain ay agad na kaming dumiretso sa room namin para sa next subject na papasokan namin.

---

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now