Chapter 8:

47 14 8
                                    

Chapter 8:

Mari Pov's

Saktong paglabas ko ng CR ay inaasahan ko na talagang bubungad siya sakin paglabas ko ng pinto.

Ngunit tiningnan ko pa rin siya ng may pagtataka pero imbis na magpaliwanag ay agad niya na lang hinila ang kamay ko papunta sa isang stock  room, kung saan naka lagay ang mga hindi importanteng bagay na hindi na mga nagagamit. Halatadong hindi na napupuntahan ang lugar na ito, bukod lang sa tuwing kung may ilalagay lang nagamit na hindi na kailangan. At halatadong lahat naman ng kwarto dito ay sound proof. Na kahit magsigawan man kami ngayon ni Denzel ay walang makakarinig.

"Bakit mo ko dinala rito?"inis na tanong ko sakaniya.

"Is that what you're saying you're not flirting with my friend ? Anong tawag mo ngayon dito sa ginagawa mo na pumunta ka pa sa pamamahay niya at sinakto mo pa talagang wala  sila Tita dito, para ano Mari? To continue your plan to flirt with him!" galit na akusa nito sakin pero nanatili lang akong tahimik at sinasalubong ang matalim na mga tingin nito at kahit gustong gusto ng pumatak ng mga luha ko dahil sa kirot na nararamdaman ng puso ko, pero pinigilan ko. " Ano Mari? Magsalita ka! Kaya ba hindi ka maka-imik dahil totoo nga ang hinala ko sayo. Totoong na simula palang ng bumalik ka plano mo na talagang akitin kami at dahil alam mong hindi na ako pwedi kaya kaibigan ko nalang ang target mo, na madali mo naman na mauuto. Ano Mari tama!?"galit na galit na sabi nito habang madiin ang pagkakahawak sa dalawang braso ko, bigla nalang may naka-takas na luha sa mga mata ko kaya napa-yuko ako agad, saktong pag-yuko ko ay ang pag-luwag naman ng pagkakahawak nito sa braso ko.

"May sasabihin ka pa?"tanong ko rito at tiningnan siya sa mga mata , agad ko namang pinunasan ang nagbabadyang tumulo na naman na  luha sa mga mata  ko. " May sasabihin kapa ba? Baka naman hindi ka pa tapos sa mga pinagsasabi mo na kung ano-ano at paratang mo sa'kin na hindi ko alam kong saan mo nakukuha ? Sabihin mo na ! Ibuhos mo na lahat Denzel para isang bagsakan nalang, para isahang sakit nalang. Mag salita ka pa. Baka meron ka pa diyan mga natitirang paratang sakin na gusto mong isumbat sakin. Go, makikinig ako hanggang mag sawa ka."naiiyak na sabi ko at ang tarantadong kong luha kung kailan pinipigilan saka nagpapatuloy. "Oh! Ba't di kana naka-imik?"untag ko sakaniya pero nanatili lamang siyang naka-tingin sakin.

Kaya nagkaroon nako ng pagkakataon magsalita.

"Ano bang ikinaiinit ng ulo mo Denzel?! Dahil lang ba diyan sa pang-aakusa mong nilalandi ko ang kaibigan mo? E' anong problema don? Atleast single ang nilalandi ko at wala akong ibang tinatapakan na relasyon. Okay lang naman siguro na makipaglandian ako diba parehas naman kaming single kaya walang problema , nag kataon nga lang na mukhang may gusto sakin ang bestfriend mo so ano pang magagawa ko, e' di patulan. Hindi naman siguro ikakasira ng pagkatao mo kung mag landian man kami? Pasasaan pa baka nga kami talaga ang para sa isa't isa. Imbis na pakealaman mo ang buhay ng iba. Bakit hindi mo asikasohin ang Girlfriend mo? Hindi yung nandito ka lang at kung ano-anong pang-aakusahan ang ibinibintang mo sa'kin. Akusa ng mga bagay na hindi ko naman ginagawa, kung ginagawa ko man wala ka nang pake r'on , hindi dahil sa kaibigan ka ni Kyle kaya gusto mong protektahan siya sa'kin. Dahil may sariling utak naman si Kyle kung mag papadala ba siya sa panglalandi ko na sinasabi mo o hindi!"mahabang galit na sabi ko rito at buti nalang hindi ako nagkanda utal-utal kahit na patuloy ang pagtulo ng luha ko, mas umaangat kasi ang galit ko kaya siguro ganun.

"Did you like him?"tanong niya sa gitna ng katahimikan pagkatapos ng mahaba kong sinabi sakaniya. Agad naman akong napatingin sa mga mata niyang hindi ko mabasa kong alin ang totoong nararamdaman niya kung galit, pangungulila, pag-kaawa sa nakikita niya sakin ngayon na umiiyak ng dahil sakaniya o yung mga tingin niya sakin noon ay bigla ko ulit nakita  ngayon sa mga mata niya.

" E' kung OO, ano naman sayo ngayon?"balik na tanong ko rin sakaniya.

"Are you sure you like him?"paniniguradong tanong nya pa na ikina-kunot ng nuo ko.

" Hindi ko man siya siguro magustohan sa ngayon, pero sure naman ako na balang araw magugustohan ko din siya, hindi
naman siya mahirap mahali---"

" Then we'll see--"pagkasabi niya 'nun agad niyang hinawakan ang mga pisngi ko at agad na siniil ng halik, na agad ko namang  ikinatuod sa kinatatayuan ko ngayon. Nang matauhan ako agad ko siyang tinulak pero masyado siyang  malakas para hindi man lang Ito matinag sa kinatatayuan niya sa pag-buka ng bibig ko para mag reklamo, which was his sign and reason for his tongue to enter inside my mouth and for him to kiss me even more intensely.  He didn’t let me get away with his kiss, so I did nothing but respond with his kiss.

Nang pareho kaming naubosan ng hangin saka lang siya bumitaw sa mga halik niya sakin, agad din siyang napalayo sakin na para bang natauhan siya sa pagkakamaling ginawa niya.

"I'm sorry for what I did."hingi niya ng paumanhin , hindi ko alam kung para sa mga paratang niya ba o dahil sa ginawa niyang paghalik sakin. Hindi ako naka-imik at nanatili lang naka-yuko at patagong sinisermonan ang sarili na mali ang ginawa ko, na dapat hindi ako nag respond sa halik niya.

Naputol ang katahimikan ng tumunog ang phone niya napatingin muna siya sa'kin bago niya sinagot ang kung sino mang tumatawag.

"Yes Babe. Nag CR lang ako. Sige pupunta na'ko diyan."sagot niya sa kausap niya at walang pasabi na lumabas na ng kwarto at iniwan akong mag-isa.

Parang pagkatapos ng nangyari at pagkatapos niyang maka-usap ang Girlfriend niya parang bigla niyang nakalimutan na may kasama siya. Bigla na naman akong nasaktan, na dahilan na naman para tumulo ang luha ko. Gan'on na ba talaga ka importante ang Girlfriend niya para makalimutan lahat ng bagay sa paligid niya. Gan'on niya ba ka mahal ang Girlfriend niya para kalimutan ako.

Pero para saan ang halik na yun?Para saan?! Bakit niya ko hinalikan pagkatapos a-akto siya na parang walang nangyari. Napakatanga ko rin kasi kung bakit tumugon pa 'ko sa halik niya. Bakit nagustohan ko ang halik niya? Bakit binigyan ko pa siya ng rason para paghinalaan ang nararamdaman ko para sakaniya. Ginawa niya ba yun para malaman niyang mahal ko pa rin siya? At para umasa  sa halik niya na may ibang ibig sabihin 'yun.

Bakit niya ko pinapahirapan at sinasaktan? Bakit niya ko gina-ganito? Tama naman na siguro yung mga sakit na pinadama niya simula ng dumating ako. At total naman masaya na siya sa Girlfriend niya. Ano pang rason para pake-alaman niya  pa ang buhay ko at pahirapan ako ng ganito at paulit-ulit 'ring saktan.

Hindi ko na kaya!

"Mari andiyan kaba?"sigaw ng nasa labas. Agad ko namang binuksan ang pinto at taka naman siyang napatingin sa itsura ko na may nagbabadya pang luha na gustong tumulo mula sa mga mata ko, dahil sa hindi niya alam ang nangyari kaya agad niya nalang akong hinila palapit sakaniya at agad na niyakap na naging dahilan para mas lalo pa kong umiyak.

Wala na atang ibang role ang mga mata ko, kundi umiyak ng umiyak.

" Shhh..."patahan niya sakin pero hindi ako nakinig at patuloy lang sa pag-iyak at hinayaan niya lang ako naibuhos ko lahat ng luha ko at tinatapik-tapik niya pa ang likod ko. Nang maging maayos na ang pakiramdam ko ay agad nalang akong bumitaw sa pagkakayakap sakaniya at agad ding pinunasan ang pisngi ko na pinagdaluyan ng luha ko.

"Bakit ka napunta diyan sa bodega?"takang tanong niya.

"Naligaw ako. At mali pala napasukan kong room."dahilan ko at buti nalang expert nako sa pagsisinungaling kaya hindi na'ko na utal. Nagtataka man ay sumang-ayon nalang siya sa dahilan ko at inalalayan ako papuntang sala. Kung saan ay na abutan ko ang mga kaibigan niya at ang bagong dating na si Belle, na nagtatakang napatingin sakin kalaunay ngumiti din siya sa'kin di'ko alam kung peke ba o hindi. Pero hindi ko nalang pinansin hanggang sa inalalayan akong umupo ni Kyle sa sofa.

----

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now