1

18.1K 366 5
                                    

His gray eyes



                 "Ma, papasok na po ako." Paalam nya kasabay ng paghalik sa pisngi ng ina.


"Kunin mo na itong perang pambayad mo sa libro." Malungkot syang napangiti habang nakatitig sa inaabot na pera ng kanyang mama. Humugot sya ng malalim na hininga bago 'yon kinuha. Binilang nya ang pera saka ibinalik ang kalahati.



"May ipon ako 'ma, kalahati lang kukunin ko." Pinilit nyang pasiglahin ang boses nya, pero p***nginang traydor na bibig at pumiyok sya. Mapait na nginitian sya ng ina. Pinilit nyang ngumiti saka nagmamadaling umalis ng bahay.




She quickly wiped a single tear fell from her eyes, pero parang may sariling isip ang mga luha nya at naguunahang pumatak. Bagsak ang balikat syang nagkalad sa sakayan. Sakto namang may nakahintong bus kaya agad syang sumakay. Nang makaupo sya sa bus ay agad na kumawala ang mumunting hikbi mula sa kanyang bibig. Ayaw na ayaw nyang ipinapakita sa kanyang mga magulang o kahit na sino man na mahina sya. Kahit nahihirapan na ay nanatiling syang matatag sa harap ng mga ito. Mahirap ang buhay pero patuloy syang lumalaban.


'Konting tiis nalang mama, papa makakapagtapos narin ako.'


Huling taon na nya sa kolehiyo sa kursong medisina. Giving up is not in her choices. Ang sumuko ay wala sa kanyang bokabularyo, ngayon pa ba sya susuko. Hindi naging madali sa kanya ang mga naunang taon sa kolehiyo at nagpapasalamat sya sa itaas dahil hindi sya nito pinabayaan. Sa kabila ng pagmamalupit ng buhay ay nanatili syang matatag para sa pangarap at para sa kanyang pamilya. Matamis syang ngumiti at marahang pinunas ang kanyang mga luha. Muli syang humugot ng malalim na hininga at pinakalma ang sarili.



"Kaya mo 'to, konting tiis nalang!" She cheered herself.. Nakangiti nyang inabot ang bayad sa kondoktor ng bus at kaagad na bumaba. Crying is just a waste of time and there's no room for weak.



"Magandang umaga manong!" Masiglang bati nya sa guard habang ipinapakita ang id.




"Magandang umaga rin, naunahan ka ngayon ng kaibigan mo." Sabi nito na mas lalong nagpangiti sa kanya. Ano kayang nakain ng kaibigan nya at maaga ito ngayon. She took a glance on her wrist watch, she's thirty minutes early. Kaya katulad ng dati nyang ginagawa dumiretso sya sa field imbes na sa classroom. Natanaw nya agad si Azril sa  kinagawian nilang pwesto, abala na naman sa kanyang cellphone.




"Morning," Azril lazily greeted her that made her lips pout.




"Morning, umamin ka nga nakadrugs kaba at maaga ka ngayon?" Gulantang nyang tanong sa kaibigan. For the first time in her college life ngayon lang maagang pumasok ang kaibigan nyang 'to, at achievement iyon para sa kanya.


"G*go! mas mukha ka ngang adik kaysa sa akin." Asar na sabi ni Azril na ikinatawa nya lang. Hanggang ngayon pikon talo parin.


"Shut up or tuturukan kita ng anti rabis?" Imbes na matakot ay mas lalo syang natawa. Her friend just rolled her eyes on her. Same school sila ni Azril pero magkahiwalay ng building. She's taking medicine kaya nasa building of medicine sya, while Azril nasa building of veterinarian. Pero duda syang makakapagtapos ang kaibigan nya dahil sa tao tinuturok ang mga gamot pang hayop. Pero natigil sya sa patawa ng may maalala. Nagtataka syang tiningnan ni Azril.



"Oh bakit ka tumigil?" Mapanuyang asik nito, pero nang makita sya'y kaagad nitong nakuha ang iniisip nya. Sabay silang napatitig sa kawalan. Nasaan na kaya sya? Okay lang ba sya? Anong nangyari sa kanya? Masaya ba sya? Questions flooded her mind.


"Ayos lang kaya sya?" Malungkot syang napangiti.



"Kung nasaan man sya ngayon alam kong okay lang sya Reyma." Nagkatinginan silang dalawa. Okay ka lang ba talaga Charlton?


Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ