9

11.7K 291 5
                                    

Heartbeat



                "Ano ba tanghali na!" Medyo inis nyang asik sa binata. Linggo ngayon at wala itong trabaho sa Munisipyo. Kanina pa sila gising pero ayaw nitong bumangon. Ang masaklap pa yakap yakap sya nito at ayaw syang pakawalan. Nakasubsob ang mukha nito sa dibdib nya. That made her uncomfortable. Kanina pa sya naaasiwa sa posisyon nila. Sinubok nyang itulak ang mukha nito sa dibdib nya pero sadyang makulit ito at mapilit.

"Bumangon na tayo at tanghali na!" Pangungumbinsi nyang muli.

"Later, I like it here, they are soft." Namula sya. Talagang sinabi na nitong malambot ang dibdib nya, malamang naman.

"May trabaho ka!" Asik nya. Nasabi kasi ng binata na kahit linggo ay may trabaho ito pero hindi sa Munisipyo kundi sa site. Well he's an Engineer after all. One of the best Engineer worldwide to be exact.

"Ayoko ng pumunta sa site, mas maganda dito." Inilayo nito ng kaunti ang mukha sa dibdib nya at tinitigan iyon saglit bago sumubsob ulit. Nag iinit ang ulo nya mga sa mga rason nito.

"Kapag hindi kapa bumangon sa kabilang kwarto na 'ko matutulog." She tried to threaten him. Napangiti sya ng bahagyang lumuwag ang yakap nito at tiningala sya. Busangot ang mukha. Minsan hindi nya maiwasang umasa na sana may nararamdaman rin ito para sa kanya. Hindi nya maiwasang umasa dahil sa mga ipinapakita ng binata. The way he took care of her, his words, actions and sweetness it's saying something that she cannot name. But she's hoping.


"Isasama nalang kita sa site kung gano'n." He smirked and withdraw himself from the bed.

"Hindi–"

"No buts." He said with finality. He flashed an evil smirked again and without cutting their eye contact he sexily took off his shirt in front of her. Her jaw dropped when she saw his masculine body. One, two, three, four, five six, seven, eight! She gulped walong pandesal. Matigas kaya 'yon. Her eyes went down until she reached his vline.

"Enjoying the view?" Napaubo sya at napaiwas ng tingin ng marinig ang boses ng binata. Namula sya, hindi man lang nya namalayang nakatitig na sya sa katawan nito.

"Ba't ka naghuhubad d'yan, manyak!" Ani nya, hindi parin makatingin sa binata.

"Gwapong manyak." He winked bago tuluyang pumasok ng banyo. Nagulat pa sya nakangising dumungaw ito sa pinto.

"Wanna conserve water with me?" Mapangakit na tanong nito.

"Want me to punch you?" She fired back making him pout. Nag beautiful eyes na ito habang nakanguso. Nagpacute pa talaga.
Mukha itong batang nagpapabili ng laruan, ang cute haha!

"Maligo ka mag isa mo!"

****


Hindi na sya nakatutol sa binata kaya heto sya ngayon sa loob ng magarang kotse ng alkalde at papunta sa site. Pangiti ngiti lang ito habang nagmamaneho. Minsan sumusulyap sa kanya at kukulitin sya, o mas magandang sabihing aasarin sya. Na kesyo sobra raw sya makatitig sa katawan nito kanina. Nakanganga pa raw sya, buti nalang daw hindi tumulo laway nya.

"We're here." He declared. Nagtaka sya ng dali dali itong bumaba at umikot sa side kung nasaan sya. He opened the door for her. He offered his hand and she gladly accept it. Sa labas palang ay natanaw na nya ang matayog na gusaling ipinapatayo. Malapit na itong matapos kaya kita na ang ganda. Iginiya sya ng binata papasok ng site. Nang makapasok sila ay doon nya mas nakita ang ganda ng disenyo ng gusali. Her mouth agape.


"Magandang umuga Engineer!" bati ng isang nasa 40's na lalaki. "Narito na si Engineer Zuestro!" Sigaw pa nito sa mga kasamahan.
Agad namang nagsilapitan ang iba, at nag kanya kanyang bati.

Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerWhere stories live. Discover now