Simula

30.4K 457 6
                                    

The prom night






                Dali dali syang bumaba ng tricycle, bakit kasi late na naman syang nagising kaya mukhang malilate na naman sa pagpasok. Nakahinga sya ng maluwag ng matanaw na bukas pa ang main gate. Napatingala sya orasang nakakabit sa dingding ng guidance office. She unconsciously smirk, just on time huh.




"Bilis bilisan nyo at isasara na!" Pagmamadali ng guard sa kanila. Nang dumaan sya sa tapat ng guard ay nginitian pa sya nito na ginantihan naman nya ng tango. Kilala kasi sya ng guard dahil palagi nila itong inuuto ng mga kaibigan nya sa tuwing kailangan nilang lumabas o 'di kaya naman sa tuwing punuan ang canteen at sa labas nila naiisipang magmeryenda. Napailing sya ng maalalang nagpapauto naman ito sa kanila.




Panay ang bati nya ng good morning sa mga nakakasalubong nyang teachers. She rolled her eyes upwards ng makitang siksikan na naman dahil magsisimula na ang flag raising ceremony. Kahit hirap ay nakipagsiksikan sya para makaabot sa pila ng mga section nila. Agad na naglumikot ang mata nya para hanapin ang mga kaibigan ng marating ang line nila. At hindi sya nabigo dahil sa pinakalikod ay naroon si Charlton at Azril. Nakangiti nyang nilapitan ang mga ito.



"Late kana naman!" Pang aalaska ni Azril sa kanya na tutok na tutok sa cellphone nito.



"Gumawa kasi ako ng assignment kaya late akong nakatulog." Pagpapaliwanag nya rito pero ang sira ulo nginisian lang sya.


"Gumawa ng assignment o nakipagchat kalang sa bago mong crush? Haha!" Muling asik ng kaibigan na ikinatawa nilang tatlo. Ano bang mali kung magkakacrush sya, crush lang naman hindi pa naman sya mag aasawa. At saka kung makaasar sila parang wala silang crush.


"Bakit crush lang naman ah!" Balik nyang asik, naramdaman nya ang pag-init ng magkabilang pisngi nya ng maalalang nakipagchat nga sya sa bago nyang crush kagabi. Nagusap lang naman sila ng kaunti. Kaunti? eh hanggang alas kayo ng madaling araw asik ng kabilang parte ng utak nya.



"Oo crush lang naman, sampu nga lang. Haha!" Asik ni Charlton, kaya natawa silang lahat. Nine lang naman ang crush nya hindi sampu, tagala itong si Charlton magbibilang na nga ng crush nya mali mali pa.



"At least hindi katulad ng iba diyan masyadong malihim sa relasyon." She's referring to Azril na sobrang malihim pagdating sa buhay pag-ibig. Napangisi sya ng makita ang inis sa mukha ng kaibigan bago sya nito tinalikuran. Kahit kailan talaga pikon talo. Tinawanan lang nila ito ni Charlton imbes na suyuin. Maya maya okay narin yan, sadyang pikon lang talaga. Buti nga at matino ngayon si Charlton mas malala kasi ang isang 'to kaysa sa kanya.



Muling nagring ang bell ibigsabihin ay magsisimula na ang flag raising ceremony. Nag kanya kanya narin sila ng ayos. Napaayos sya ng tayo ng marinig ang intro ng lupang hinirang. Pero ang kaibigan nya sadyang makulit ay kinalabit sya at saka bumulong.



"Crush mo nakatingin sa'yo." Mahinang bulong ni Charlton habang nanatili ang mata nito sa harapan. Pasimple nyang inilibot ang mga mata sa paligid. Teka sino bang crush nya ang tinutukoy ni Charlton?



"Huh? Sino?" Taka nyang tanong habang patuloy parin sa paghahanap.



"Si Jhiro, iyong taga lower section." Ano? Si Jhiro iyong bago nyang crush nakatingin sa kanya? Nasa star section kasi silang magkakaibigan at taga lower section naman si Jhiro kaya madalang nya itong makita. Oh my g! Muli nyang hinanap ang kinaroroonan ni Jhiro at agad syang namula ng magtama ang kanilang mga mata. Agad syang nag iwas ng tingin, nakatitig nga ito sa kanya. Ano ba 'yan bakit ba sya nito tinititigan?



Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang