15

10.4K 278 8
                                    

The escape




                     "Mahal kita, pero kailangan ko rin ng pahinga.. Mahal na mahal kita, pero hanggang dito na lang." Ramdam nyang natigilan ang binata sa sinabi nya. Kaya kinuha nya ang pagkakataong 'yon para tumakbo. Walang pagdadalawang isip na tumakbo sya palabas. Kahit wala ng lakas ay pinilit nyang ihakbang ang mga paa nya. Sobrang bigat rin ng dibdib nya. Halos hindi na rin nya makita ang dinaraanan dahil parin sa luha.

Laking pasasalamat nya ng maabutang bukas ang main door. Nagulat pa sya ng makita si Travis sa labas prenteng nakasandal sa kotse nito. Agad itong naalarma ng makita sya.

"D*mn Reyma, c'mon get in." Tarantang binuksan nito ang pinto ng shotgun seat. Hindi nya alam pero mas lalo syang naiyak. Walang pagdadalawang isip na pumasok sya. Mabilis nitong pinaharurot ang kotse paalis.

"Ahhhhh!!!" Napasigaw sya ng makarinig ng sunod sunod na putok ng baril.

"F*ck! Don't look–" Rinig nya ang mahihinang mura ni Travis. Pero bago pa man nito maituloy ang sasabihin ay nilingon na nya ang likuran. Pero walang nakasunod sa kanila.

"Travis walang nakasunod." Nanghihinang saad nya.

"D*mn paniguradong nababaliw na 'yon." Umiling iling pa ito na ipinagtaka nya. Hindi na muling nagsalita si Travis kaya nanahimik nalang sya. Ayaw nya ring magsalita muna. Pansin nyang paiba iba at pasikot sikot ang dinaraanan nila, hindi nya maiwasang kabahan pero may tiwala sya kay Travis. Makalipas ang lagpas isang oras na biyahe ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang hindi kalakihang bahay. Pero modernong moderno ang disenyo nito at nagsusumigaw ng karangyaan. Awtomatikong bumukas ang gate..

Nahiya pa sya ng pagbuksan sya ni Travis ng pinto. Kahit papaano'y tumahan na sya sa pag iyak. Sandali pa sya nitong tinitigan bago nagsalita.

"Let's go" Iginiya sya nito sa front door, namangha pa sya dahil pin ang nagsisilbing lock ng pinto. Inilibot nya ang paningin ng makapasok sila sa loob. Hindi lang pala sa labas maganda ang bahay pati rin pala sa loob.

"Umupo ka muna, ikukuha kita ng tubig." Turo nito sa sofa. Tipid lang syang tumango. Umupo sya sa sofa tulad ng sinabi nito. Bumalik rin naman ito agad dala dala ang isang basong tubig. Iniabot nito ang baso ng tubig kanya. Agad nya iyong tinunnga at inubos.

"More?" He asked, pero inilingan nya ito. She deeply sighed before facing him.

"Travis–"

"It's okay Reyma. Kung hindi mo pa kaya don't force yourself. When you are ready to talk about it, I'm here to listen." Marahan nitong sabi. Pinunas nya ang butil ng luhang tumulo mula sa mata.

"Salamat Travis, salamat.." tuluyan na syang naiyak. Napapikit sya ng ikulong sya ni Travis sa bisig nito. Kahit papaano'y nababawasan ang bigat ng nararamdaman nya sa init ng yakap nito.

"Shhh it's okay hm, dito ka muna pansamantala, don't worry hindi pa sakin nakapangalan ang bahay pero nabili ko na 'to. Mas mahihirapan syang hanapin ka kung sakali." Tango lang ang naibaga nya. Bumitiw ang binata sa pagkakayakap sa kanya at hinarap sya.

"Hindi kita masasamahan dahil makakahalata ang p***nginang 'yon. Maraming stock na pagkain sa kitchen." Tango lang sya ng tango. As long as malayo sya kay Hellion ayos lang. Basta ayaw nyang makita o makasama ito. Sabay pa silang kumain ng hapunan ni Travis. Kahit wala syang gana ay kumain parin sya.

Muli pa sya nitong niyakap bago umalis. Binigyan pa sya nito ng spare na cellphone para matawagan nya ito kung sakali. Naglinis sya ng sarili at pagod na humiga sa kama.

Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon