17

10.4K 269 8
                                    


FOUR YEARS LATER
               



                        Ang bilis lumipas ng panahon. Apat na taon narin pala mula ng magsimula syang muli ng panibagong buhay. And it's all worth it, the pain is all worth it. Dahil wala sya ngayon na kinatatayuan nya kung hindi dahil sa sakit at poot na nagtulak sa kanya para maabot ang posisyon nya ngayon. Hindi naging madali pero pinilit nyang kayanin.

"Dra. Echavaria huling pasyente na po ito ngayong araw." She just nodded. Yes, she is a professional Doctor. Thanks to Charlton. Hindi nya alam ang gagawin nya kung wala ang mga kaibigan nyang sumuporta sa kanya nung panahong walang wala sya. Charlton offered her something she cannot resist. Wala syang nagawa dahil hindi na lamang sarili nya ang kailangan nyang buhayin noon.

"Bumalik nalang ho kayo sa susunod na check up Nay.." Matapos asikasuhin ang huling pasyente ay nag ayos narin sya para makauwi. Nilingon nya ang orasan mag uumaga na pala. Mas pinili nya kasi na sa gabi nalang ang duty nya. Hinubad nya ang kanyang robe at isinukbit iyon sa kanyang braso. She can't help but to smile ng mahagip ng mata nya ang pangalan nya sa ibabaw ng mesa

Dra. Reyma Avery Echavaria

"Ingat po sa pag uwi Doktora!" Ilan lamang 'yan sa mga naririnig nya habang naglalakad sa hall way. Pinatunog nya ang sasakyan ng makarating sa parking. It's a Black Lamborghini, limited edition. Sa ibang bansa nya ito nabili nang minsang nagkaroon sya ng seminar roon. She expertly maneuvered the car. Automatikong bumukas ang gate ng makarating sya sa bahay diretso sya sa garahe. Sa dating bahay parin sila nakatira.
This house became their home.

"Mommy!! Mommy!!" Matinis na boses agad ng anak nya ang sumalubong sa kanya. Agad itong nagpakarga at pinaghahalikan sya sa mukha. Ugh, Nawala agad ang pagod nya.

"Love you mommy!" Paglalambing nito.

"Love you too Damon baby.." Damon is her son. Anak nila ni– hanggang ngayon ay hindi parin nya kayang bigkasin ang pangalan ng binata. Anak nya lang si Damon, una palang ay tinanggalan na nya ng karapatan ang binata sa anak nya.

"Reyma! Aalis na 'ko!" Nagmamadaling lumabas si Azril. Si Azril ang naging katuwang nya kay Damon. She's a veterinarian at umaga naman ang pasok. Ang anak nya ang dahilan kaya sya nagpatuloy. He's a blessing. Si Damon ang buhay nya. Kaya tinanggap nya ang alok ni Charlton noon, na pagkatapos nyang manganak ay mag aaral sya. That's her offer. Nakapagtapos sya sa kursong medisina sa tulong parin ng kaibigan. Gustong gusto nyang tanungin kung saan galing ang perang pinangaaral nya pero paulit ulit lang ang sagot nito. "The lesser you know, the better" palagi ang sagot nito.

"Mom, I'm hungry na." Mahina syang natawa, three years old palang ang anak nya pero ang daldal na. Idagdag mo pa ang sobrang kakulitan. Habang kumakain ay hindi nya maiwasang matitigan ang anak. Paano ba nya makakalimutan ang tatay nito kung kamukhang kamukha nito ang tatay. Mula sa itim na buhok, sa matapos na ilong at manipis at mapupulang labi. At syempre ang abo nitong mga mata. 

Asikasong asikaso sya sa anak. Hindi nya ito malubayan ng tingin tuwing naglalaro baka kasi kung mapaano.

"Naku basa na naman ng pawis ang baby ko."  Inamoy amoy nya ang leeg nito kaya napahagikhik ang anak.

"Mom it's tickling hahaha!" Isa pang nakuha nito sa ama ang pagiging Englishero. Mabuti at hindi pa naman dumudugo ang ilong nya.

"Ikukuha lang kita ng pamalit baby hm," tumango lang ito dahil busy na naman sa mga laruan. Pagbalik nya ay maingay na sa sala.

"Pare kumusta?!" Bati ni Nelzeus kay Damon.

"Tito pogi, carry!"

"Tito pogi bought you your favorite gun.." itinuro nito ang ilang paper bags sa sofa. Agad na bumaba ang anak nya at tinakbo ang mga paper bags.

Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerWhere stories live. Discover now