2

13.7K 348 4
                                    


Tragedy




               "Hatid kana namin Reyma." Prisinta ni Mark. Nahihiya syang tumango, hindi naman kasi nila iaasahang aabot sila ng gabi sa pagtapos ng project nila, sigurado syang wala ng tricycle sa mga oras na 'yon kaya hindi na sya tumanggi pa. Ngayon lang sila inabot ng ganito kagabi sa paggawa ng group project mabuti nalang at nakapagpaalam sya kaninang umaga. Nag-inat muna sya bago tumayo.


"Kira, iiwan na namin 'tong presentation ikaw nalang ang magdala bukas." Bilin ni Mark kay Kira.


"Okay, magsilayas na kayo sa pamamahay namin at inanaantok na talaga 'ko!" Pinagtulakan sila ni Kira palabas na ikinatawa lang nila.


"Kapal ng apog mong ipagtabuyan kami, wala kangang naitulong eh.." pang aalaska ni Mark kay Kira, ngunit padabog lang na isinara ni Kira ang pinto ng bahay nila.


"Tss, napakabastos talaga ng babaeng 'yon. Let's go ituro mo nalang kung saan ang inyo." Inimwestra sya nito sa patungo sa nakaparadang Ford ranger. Mark opened the door for her, what a gentleman. Nang makapasok sya'y patakbo itong umikot papuntang driver's seat at kaagad na minaobra ang sasakyan.


"Diyan nalang sa may tabi." Turo nya sa kalsadang papasok sa kanilang bahay.


"You sure pwede namang ipasok hanggang sa inyo?"


"Hindi na, dito nalang. Samalat sa paghatid." Mark just smiled at her. Kumaway pa sya sa papalayong sasakyan bago tuluyang naglakad pauwi sa kanilang bahay. Nagtaka pa sya kung bakit nakabukas ang gate.


"Siguro nakalimutan lang isara?" Nagkibit balikat sya, pumasok sya at tangkang isasara  ang gate ng makarinig ng pagkabasag ng kung ano mula sa loob ng bahay nila. Nagmamadaling tinungo nya ang pinto ng kanilang bahay ngunit napako sya sa kanyang kinatatayuan. Mula sa maliit na siwang ng pinto at kitang kita nya ang mga magulang nyang nakaluhod sa sahig habang umiiyak at nagmamakaawa. Sa harap ng mga ito'y mga nakaitim na lalaki na nakatutok ang baril sa sintido ng mga magulang nya.


Gustuhin man nyang pumasok ngunit hindi nya magawa. Nanginig ang kanyang katawan sa takot. Tinitigan nya ang kanyang ina na patuloy parin sa pagmamakaawa nang hindi inaasahang magtagpo ang kanilang paningin. Mas lalong naiyak ang mama nya ng makita sya at umiling iling. Para bang sinasabi nitong huwag syang papasok.


"Umalis kana.." her mother mouthed. Umiling sya, hindi. Hindi sya aalis.


"P***ngina! Mga walang kwenta!" Galit na galit na asik ng isa sa mga lalaki.


"Patayin na ang mga 'yan!!" Sigaw na nito saka sila nagtawanang parang mga demonyo. No!


"Takbo anak! Takbooooo!"


"Umalis kana iligtas mo ang sarili mo!"


"Reyma! Umalis kana!" That was the last words she heard from her mother. Nagdilim ang paningin nya dahil sa sunod na sunod na putok ng baril ang umalingawngaw.


"Boss may nakakita!"


"P***ngina patayin nyo!"


Nanlalabo ang paninging tumakbo sya palayo sa kanilang bahay. With heavy heart and blurry eyes she ran as fast as she can. Halos bumigay na ang katawan nya ng makarating sya sa kalsada. She wanted to shout and ask for help, ngunit tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Malalim na rin ang gabi at wala ng dumadaang mga sasakyan.


"Boss ayun sya!!"


"D*mn you bitch, habulin nyo!"


Tinambol ang kanyang dibdib sa narinig. Tuluyang kumawala ang luhang kanina pa nya pinipigil na huwag bumagsak. Ni hindi nya ininda ang sugat sugat na nyang mga paa, basta tumakbo sya ng tumakbo. Katapusan na ba nya? Mamatay na ba sya? Gustong gusto ng sumuko ng katawan nya, tanggap na rin nyang hanggang dito nalang siguro ang itatagal ng buhay nya. Pero bakit may parte na gusto nyang mabuhay at makaligtas. Pero para saan pa, wala ng dahilan para patuloy na mabuhay. Wala na, wala na ang pamilya nya. Pinatay ang mga magulang nya at ang mga kapatid. Tila paulit ulit na tinatarakan ng punyal ang kanyang puso ng maalala ang iniwan nyang tagpo sa kanilang bahay.


Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerWhere stories live. Discover now