Kabanata 31

573K 20.4K 4.7K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 31

SIMPLE LANG ANG PLANO ko, kapag nakita ko siya ay ngingiti ako sa kanya. Lalapit ako at tatawagin ko siya sa pangalan niyang Jumbo. Pagkatapos ay yayakapin ko siya at isasalaysay ko sa kanya ang nakaraan naming dalawa. Na ako ang dati niyang babysitter, at minsan sa buhay niya ay nakasama niya ako. Sasabihin ko sa kanya na labis ang pagsisisi ko nong ipinaraya ko siya at ibinalik sa kanila. Ipagtatapat ko sa kanya na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Wala na akong pakialam kahit hindi niya ako maalala. Ang importante, at least, naipaalam ko sa kanya.

Pero iba ang nangyayari sa mga sandaling ito nang makita ko siya. Nanigas ang aking katawan at huminto ang aking paghinga. Ang mga tuhod ko, tila naipako sa tinatapakan ko. At kung kanina ay nakakapagsalita pa ako, ngayon ay hindi ko na maibuka ang bibig ko. Ni hindi ko namalayan na kagat-kagat ko na pala ang aking hinliliit na daliri.

Ibang-iba na kasi ang hitsura niya ngayon. Ang layo na niya sa taong inalagaan ko noon. Nakatulong ang puting pader sa paligid at ang itim niyang longsleeve para ilahad sa akin kung gaano kaganda ang kanyang kutis. Mas tumangkad yata siya kumpara sa dating lalaking nakasama ko limang taon na ang nakararaan.

Parang gusto ko siyang sunggaban at halikan. Yakapin nang mahigpit at saka pulbusan. Na-miss ko siya nang sobra. Higit rito iyong boses niya na may pagka-husky at ang kanyang magagandang mga mata. At kung noon na kahit basahan lang ang ipasuot ko sa kanya ay bumabagay, lalo na kaya ngayong branded na mga damit na ang isinusuot niya? Kinikilig tuloy ako!

Matagal siyang tumitig sa akin bago nanlaki ang brown niyang mga mata.

Napalunok ako habang ang aking daliri ay nananatili sa aking mga labi. Posible nga kayang nakilala niya ako? Posible nga kayang naalala niya ako? Posible rin kayang, mahal niya pa rin ako?

Ngunit kalaunan ay unti-unting nagsalubong ang kanyang mga kilay. Humakbang siya palapit sa akin sanhi para unti-unti ko rin siyang tingalain. At kung bakit sa bawat paghakbang na kanyang nililikha ay katumbas ng kung anong bagay na dahilan ng aking paghihingalo. Ang aming mga mata ay hindi bumibitiw sa isa't isa hanggang sa isang hakbang na lang ang layo niya.

Eto na siya. Totoo na 'to. Jumbo ko!

Nakatingin siya sa aking mga labi bago nag-igting ang kanyang mga panga. "Don't bite it."

Matagal bago ko napagtantong ang tinutukoy niya ay ang daliri ko. Kahit naman ako ay hindi ko alam na kinakagat ko na ito. Sadyang ganito lang talaga ako kapag kinakabahan.

Umayos ako nang tayo at itinapon ang mga kamay sa sariling bulsa. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang dahan-dahang nalalaglag ang aking panga.

"Who the hell are you?" tanong niya.

Ha? Tama ba ang narinig ko? Who the 'hell' is me? Totoo bang siya na itong kaharap ko o ibang tao?

Biglang nagsalita si Cloud Deogarcia sa aking gilid. "Hey, bro. She's a lady. Don't-"

"Shut up, Deogracia!" utos niya rito nang hindi ito tinitingnan. Nakatitig lang siya sa akin.

Ang angas na niya, ah. Sige, pagbibigyan ko pa siya. "A-ako po iyong Black Ticket winner this year..."

"Where's your Black Ticket?"

Awtomatikong hinalungkat ko ang bitbit kong maleta. Nape-pressure ako dahil nakatingin lang silang lima sa akin habang nagkukumahog ako sa pagbubungkal ng aking mga gamit. Hay, bakit kasi ibinaon ko iyong ticket dito sa kaloob-looban e.

Naman! Bakit hindi ko makita?

Napaupo na ako sa sahig para mas mahalukay ko nang maayos ang mga damit ko. Sa pagpapanic ay hindi ko napansing isa-isa ko na palang inilalabas ang aking dalang damit. Isinunod ko ang ilang cosmetic product at baon kong mga de lata. Wala pa rin iyong Black Ticket! Nilabas ko pa iyong dala kong sandwich at panty.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon