Kabanata 6

864K 25.2K 6.6K
                                    

Kabanata 6


NAKAMASID AKO NGAYON kay Jumbo na mahimbing na ang tulog. Hindi ko maiwasang mapangiti. Paano ba naman kasi, nagmistulang higaan sya ni Dandang na nakahiga sa kanya ngayon. Kung pagmamasdan ang kapatid kong bunso'y parang mas matagal na nyang kakilala si Jumbo kaysa sa sa'kin. Naging magaan kasi agad ang loob ni Dangdang rito.


Maasahan ko talaga itong si Dangdang lalo na sa ganitong pagkakataon. Noong una ay natakot ako na baka isumbong nya ako kina Mama. Pero sa huli't heto nga at partner in crimes na naman kami. At least ngayon, may katulong na ako sa pagtatago kay Jumbo.


Akma na akong hihiga nang mapangiti muli ako. Ngayon ko lang napansing kasali rin pala si Bayug na halos kayakap na ni Jumbo na mahimbing din ang tulog. Napabuntong-hininga ako. I guess Jumbo is an extra-ordinary man. May something talaga sa kanya. Kilala ko si Bayug, wala itong nakakasundo bukod sa pamilya ko.


"Pabili!!!"


Napabalikwas ako nang bangon sa tinig ni Pektong na iyon. Umaga na pala. Ganun na lang ang pagdagundong ng dibdib ko nang makita kong wala si Jumbo at Dangdang sa higaan. 


Mabilis akong lumabas ng kwarto. "Dangdang! Jumbo!" labis ang pag-aalala ko.


Nakahinga lang ako nang maluwag matapos ko silang matagpuan sa kusina. 


"Ate?" sinisepilyuhan ni Dangdang si Jumbo.


"A-anong ginagawa mo?" napatigagal ako.


"Nililinisan ko si Jumbo."


Tahimik lang si Jumbo habang sinisepilyuhan ng kapatid ko.


Agad ko silang nilapitan. "Baka makita sya nila Mama."


"Wag ka alaala, Ate. Maaga umalis sina Mama." Nagpatuloy sya sa kanyang ginagawa. "Laban ng manok ni Amang ngayon."


Maige kung ganun. Akala ko'y tulog pa rin sila sa kwarto nila. Ginawa na kasing negosyo ni Amang ang sabong. Isa pa, araw-araw naman syang naroon sa sabungan na pag-aari na ngayon ni Lucas. And speaking of Lucas – nakalimutan ko na syang balikan dito sa kwarto ko noong isang araw. Ewan pero pag-uwi namin ni Jumbo, wala na sya. Nainip siguro. 


"Kaninong sepilyo yang pinansisepilyo mo?" mayamaya'y tanong ko sa kanya.


"Kay ate Ruby." Parang proud pa sya.


Napapikit na lang ako.


"Pabili, ano ba?!!!" napasigaw na si Pektong.


Nakakairita talaga ang boses nya. Ang aga-aga eh nambubulabog. "Bayug!"


Hayun at batok na lang ni Pektong ang natanaw ko dahil hinagad na naman ito ni Bayug.


Dali akong naghanda para sa aking pagpasok sa trabaho. Nang makabihis na ako, heto na kaming tatlo at nakatanaw sa bahay na ginawa namin sa itaas ng puno ng bakuran namin – ito si Going Marry. 

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon