Kabanata 53

718K 25.2K 7.7K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 53

"SAAN TAYO PUPUNTA?" tanong ko kay Jumbo nang makasakay kami sa kanyang kotse. Nakalabas na ako sa ospital.

Mukha kasi siyang kinakabahan dahil panay ang himas niya sa kanyang mga tuhod. Animon siyang bibitayin sa tuwing mapagmamasdan ko ang kanyang mukha. Nakasuot siya ng itim na coat na fitted. Denim jeans sa pang-ibaba, sneakers na puti, at may check.

"We're going home," sagot niya.

Home? Sa amin siguro ang tinutukoy niya. Kahapon kasi, habang nag-do kami ng... ilang rounds nga ba? Naikuwento ko sa kanya kung paano siya napadpad sa amin at kung paano ko siya inalagaan. Kung paano ko siya pinulbusan at pinagsamantalahan este minahal. Wala na siyang ibang inuusisa sa akin kun'di ang mga ito matapos kong maisalaysay. At ang nakakainis pa'y nawalan na ako ng lakas na sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin.

Paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol kay Baby Quiro e naunahan niya na ako. Naaalala ko pa ang mga binitiwan niyang salita about Sadie and Ronnel. Na maigi nang natuklasan niyang hindi niya anak ang nakasama niya at minahal, kaysa matuklasan niyang may tunay na anak siyang itinago at ipinagkait sa kanya.

"I was so devastated nang malamang hindi ako ang tunay na tatay ni Ronnel. Na niloko lang ako ni Sadie. How dare her? Bata iyon, pero ginamit niya. Wala ba siyang puso?"

Hindi ako makaimik habang nakatingin sa nagliliyab niyang mga mata.

"Hindi ko matanggap na iyong batang itinuring kong anak ay hindi sa akin. But I still care for Ronnel. Galit ako sa nanay niya pero hindi sa kanya."

"G-ganoon nga siguro talaga kapag napamahal na sa 'yo ang bata... mas masakit."

"Yeah." Napayuko siya. "Pero okay na iyong ganoon kaysa meron akong anak na totoo pero itinatago sa akin."

Kandalunok naman ako sa sinabi niya. "W-wala naman siguro." Shet bakit ba gumatong pa ako?!

"And that's a good thing na wala." Bumuga siya ng hangin. "Dahil hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na may anak ako na lumaking malayo sa akin. Na hindi ko man lang nakita at nakilala. Walang mas sasakit pa sa ganoon. Di bale nang lokohin ako na katulad nang ginawa ni Sadie, kaysa ipagkait sa akin at sa anak ko ang karapatang magkasama kami."

"Ah, alam mo ba ang favorite food mo noon?" pag-iiba ko.

"Anong paborito kong kainin?" tanong niya pa na gumising sa naglalakbay kong diwa.

Tumitig ako sa mga mata niyang kulay tsokolate. "Sandwich at papaya."

"Seriously?" Bumaba ang tingin niya sa pagitan ng aking mga hita at saka tumaas patungo sa aking dibdib.

Saglit ding nagbago ang kanyang mukha na para bang mayroon siyang naalala. Ibinato niya ang paningin sa kung saan. "You mind if I ask you something?"

Bigla akong kinabahan.

Umigting ang kanyang panga. "Sino'ng naka-una sa 'yo?"

"Ha?"

"I mean, you're not a virgin when we first hooked up." Kumuyom ang kanyang kamao. "Si Paolo ba ang naka-una sa 'yo?"

No way! Akma na akong magsasalita nang unahan niya ako.

"You know what? It doesn't matter." Humawak siya sa aking kamay at pinisil 'yon subalit ang kanyang mga mata ay nakatanaw sa bintana. "Sorry I asked."

Jumbo, kung alam mo lang. Ikaw ang naka-una sa akin at wala ng iba kahit nang magkahiwalay tayo.

Hanggang sa narating namin ang airport ay hindi na nagsalita pa si Jumbo. Kapwa kami walang imikan kahit nang makasakay na kami sa eroplano. Paglapag namin ng Cebu ay ginulat ako ng aking nakita. Bukod kasi sa mga unipormadong lalaking sumalubong sa amin ay may kawaksi rin na naroon at nasa mga bisig nito si Pookie. Agad ko itong nilapitan at kinuha ang aso.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon