Kabanata 48

663K 21.1K 7.7K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 48

INANGAT ko ang aking kamay na pinaglagyan ni Kyo ng kung anong bagay. Nang tingnan ko iyon ay napanganga ako sa nakita ko sa aking palad. Ito iyong maliit na boteng may ilang pirasong tablets sa loob. "K-kanino galing 'to?"

"I stole it from Terrence. Hindi ko nga alam kung paano siya naka-survive this past few weeks without it. It's more important than his life."

"Kung ganoon ito kahalaga sa kanya, bakit mo 'to kinuha?"

Napabuntong-hininga siya. "Because I want him to move on."

So, ito pala ang bagay na nagpapahirap kay Jumbo...

"B-bakit mo 'to binibigay sa akin?"

Yamot na tingin ang ipinukol niya sa akin. "Because you have a lot of questions." Pagkuwan ay tinalikuran na niya ako. "Masasagot niyan ang lahat ng tanong mo. I am tired of answering you."

Teka may isa pa pala akong gustong iclear. Hinabol ko si Kyo. "Ahm... last na tanong na."

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad.

Isinigaw ko na lang. "Bakla ka ba?"

Hayun at napahinto siya. Salubong ang kanyang kilay nang humarap siya sa akin. "What?"

Bigti.

Pasimpleng napabungisngis si Lucas sa likuran ko.

Napakagat-labi ako. "Eh, kasi... parang masyado kang over-protected kay Terrence..."

Panindigan mo yan, Rosenda!

"Tapos... wala ka pang GF..." nagpatuloy pa ko. "Di ba kataka-taka? Hehe..."

Yari papalapit na siya.

Nagniningas ang kanyang bughaw na mga mata.

"Lucas, let's go. Excited na ko bumalik sa barko." Ako na mismo ang humila kay Lucas.

...

MADALING ARAW NA nang lumapag sa VIP helipad ng barkong Montemayor ang sinasakyan naming chopper ni Lucas. Naiilang ako sa kanya dahil maraming beses ko siyang tinarantado noon. 

Ngunit tulad ng dati, ang sarap pa rin niyang sepilyuhan. Ewan pero parang mas lumala kasi ang paninilaw ng kanyang mga ngipin.

"Thank you, Lucas." Wika ko sa kanya bago kami maghiwalay.

"You mind if I ask you something?"

Napatakip ako sa aking ilong. "What?"

Napangisi pa ang gago. "Do I look 'tengene' tonight?"

Napangiti na rin ako sa sinabi niya. Nahihiya tuloy ako dahil pinagtripan ko siya five years ago. Namalayan ko na lang ang aking sarili na napayakap sa kanya. "Thank you."

Gumanti rin siya ng yakap sa akin.

Yun oh, ang baho.

"You know what..." kumalas ako agad. "You are 'terentedo'."

"What does it mean?"

"It's better than 'tengene'." Sabay takbo ko. "Bye!"

Kumaway naman si bobo.

Patakbo akong dumerecho sa kwarto namin ni Jumbo. Pero hindi ko siya nadatnan dito.

Nasaan kaya siya?

Oo nga pala, wala pa rin akong panty. Naisipan kong maghanap ng isusuot sa closet at mabuti na lang ay nakakita ako.

Umakyat ako sa VIP upper deck ng barko ngunit wala akong ibang makita dito kundi kalangitan, at wala akong ibang marinig kun'di ang mahinahong ingay ng karagatan. Nagtungo ako sa sa hall papuntang open-air terrace subalit wala pa rin si Jumbo. At kahit saan ko hanapin ang Black Omega Society boys ay wala talaga.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon