PROLOGUE

208 2 0
                                    


"I can wait forever...If you say you'll be there too...I can wait forever if you will...I know it's worth it all, to spend my life alone with you"

 

"As if naman you can live forever noh?"

 

"Just so, if you don't know...

I have lived for thousands of years already...

Waiting for you..."

 

"Then I guess...

You truly are...

My man, Ares..."

KATE's POV

Hatinggabi na pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa mga sigawang naririnig ko mula sa kwarto ng aking mama at papa.

Bawat salitang sinasabi nila ay naririnig ko talaga.

"Ano ka ba! Lasing ka na naman Marco. Naririnig ka ni Kate sa kwarto niya. Hindi makakatulog ang bata sa kasisigaw mo dyan", sabi ng mama ko.

"Eh ano ngayon kung marinig niya'ng mga pinagsasabi ko?", sabi naman ng papa ko.

"Wala ka na ba talagang kahit konting amor sa bata?? Sa anak mo??"

"ANAK???.....Tumahimik ka!! Saan n'ang ipinagmamalaki mong anak ko na ipinalaglag mo?? At tumigil ka na sa pagsasabing anak ko 'yang ...KATE na 'yan Ruth, dahil hindi ko anak 'yan!! ...NAPULOT ko lang iyan sa LANSANGAN!!!"

Dinig na dinig ko ang mga katagang sinabi ng papa ko. Bakas sa boses niya ang kanyang pagkamuhi sa akin. Idagdag pa ang kanyang nanggagalaiting mukha ng sinabi niyang hindi nila ako tunay na anak. Kaya naman laking gulat na lang ni mama nang makita niya ako sa may pinto na noon sanay susubukang awatin si papa.

Pero hindi ko na iyon nagawa pa dahil  hindi na rin ako makakilos sa pagkabigla.

Para akong pinag-sakluban ng langit at lupa nang marinig ko ang sinabi ng aking papa.

"...Kate?"

"M-Mama, totoo po ba?..."

Hindi nakaimik si mama ngunit kitang - kita ko sa mukha ni mama ang bakas ng pagsisisi dahil sa mga nangyayari.

Hindi ko na matagalan ang aking mga nakikita at naririnig. Kaya dali - dali akong pumasok pabalik sa aking kwarto at ini - lock ito.

Hinabol ako ni mama ngunit hindi niya rin ako inabutan.

"The Olympus Gods: My Man, ARES" [ON-GOING: Slow Update]Where stories live. Discover now