CHAPTER TEN: WEIRD..

18 2 0
                                    

 

 

            "Alam mo Fye, may iba sana akong mahal eh. Kaso nabalitaan ko na lang na engaged na pala siya sa iba… Unfair nga eh kasi ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sakin ni Rianne pero hindi ko man lang matugunan 'yun... Ang tanga ko noh? Kung sino pa 'yung mahal ako, 'yun pa 'yung 'di ko magawang mahalin… Samantalang 'yung babae namang mahal ko eh ikakasal na pala…" at tumawa siya.

            Pero tulad nung nauna niyang pagtawa, malungkot pa rin ito.

            "Pero ginagawa ko naman lahat eh para matutunan ko na ring mahalin si Rianne." dagdag pa niya.

            "Alam mo Lewis, hindi naman siguro katangahan 'yan... Sinusunod mo lang naman kung ano ang nasa puso mo eh… At hindi din naman siguro natuturuan ang puso kung sino ang dapat mong mahalin para lang huwag maging unfair." oh siya, san galing 'yun? Nosebleed naman yata ako sa sinabi ko haha!

            Parang experience ko lang 'to ah. Gusto ako nung taong kinaiinisan ko pero gusto ko ang bestfriend ko na hindi ko naman alam kung anong tingin sakin, alam niyo 'yun?

            Sabi pa niya 'he likes me' daw kahit na alam niyang may like ako sa bestfriend ko at ako naman, naiinis ako sa kanya dahil sa kayabangan niya. Remember niyo nung pinapatahan ako ni Ares? Dito rin 'yun sa rooftop ah.

            Aish! Bakit ba nasulpot na naman siya sa usapang ito? Psh!

            "Gawin mo ang kung anong sa tingin mo ay tama Lewis... Pero sana sa gagawin mo, maging masaya ka at wala kang pagsisihan." dagdag ko pa.

            "Yup! Thanks Fye!" sabi naman niya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Naupo na lang kasi kami dito at nagkwentuhan eh. Bonding-bonding din pag may time 'di ba? At ngayon 'yung time na 'yun hehe ( ^ ^, )

            "Tara na kumain na muna tayo gutom na rin kasi ako eh." sabi niya habang nagpapagpag ng shorts niya.

            Ayy! Oo nga pala! Nawala sa isip ko si Alyssa! Baka hinahanap na ako nun! "Sige tara!" sabay tayo at nagpagpag na rin ng palda ko.

            Pero bago ko pa ito makalimutan, "Lewis gusto ka daw makilala ng kuya ko."

            "Huh?" Tanong naman niya pagkalingon niya sakin. "May kuya ka ba?"

            Hindi ko na siya sinagot. Sa halip ay ngiti na lang ang ipinukol ko sa kanya (^___^).

            I'm excited!

***

            "Gu-gwe-n… Aish! Ano na nga ulit 'to? Ano ba 'yan! Bakit ba kasi kailangan ko pang pag-aralan ang pagkahirap-hirap na subject na 'to? Haler! Pilipino po ako! PURE Pilipino to be exact at hindi po Korean!"

"The Olympus Gods: My Man, ARES" [ON-GOING: Slow Update]Where stories live. Discover now