CHAPTER ONE: THE MEETING

80 2 0
                                    

 

            Kinabukasan...

 

KATE's POV

            Ang hapdi talaga ng mga mata ko. Haaayy, sana hindi totoo 'yung nangyari kagabi.

            Sana lasing lang si papa kaya nasabi niyang mga 'yon...

            Sana panaginip ko lang 'yon...

           

            "Kyaaaahhhh!!" dali - dali kong tinakpan ang tenga kong nasigawan. "Ano ka ba naman Lewis, masisira eardrums ko. Gagawin mo ba akong bingi? (>___<) "

            "Hahahaha, sorry kung napalakas ang sigaw ko Kate."

            "Ay hindi hindi. Sigaw nga diba?? May sigaw bang mahina?? Sige tawa ka pa."

            (>__<)

            "Ito naman oh. ...Kanina ka pa kasi nakatulala diyan eh. Tsaka, ano nangyari diyan sa mata mo? ...Umiyak kaba? ...Sinong umaway sayo? Sabihin mo't uupakan ko."

            "Sus! Uupakan daw? Hahahaha"

           

            'Yan si Lewis. Lewis Alfred Lee ang full name niya. Siya ang bestfriend ko. Makulit, madaldal, palabiro, pero seryoso naman pagdating sa school.

            Sikat siya, syempre gwapo, at isa sa mga crush ng campus. Napagkakamalan nga akong girlfriend niya eh kasi palagi daw kaming magkasama hahaha. Minsan nga lang, nakakaasar siya kasi varsity siya at masyadong adik sa basketball. 'Yan tuloy, nakakalimutan na akong tulungan sa mga group projects namin.

            (>_<)

            Pero sweet din 'yan at maalaga sa akin lalo na kung may problema ako. Minsan nga, inupakan niya 'yung nanligaw sa akin dati. Aksidente kasi naming nahuli 'yung mokong na 'yun na  may ibang babaeng kahalikan. Biruin mo? Nanliligaw pa lang nga pero lumalabas n'ang pagkababaero? Haish!!! Ang landi talaga. (>___<) Kaya 'yun, black eye ang inabot sa bestfriend  ko hahahaha.

            Para sa akin, si Lewis ang 'knight in shining armour' ko. Sana nga ganun na lang siya, at paniguradong wala na akong hahanapin pa talaga. Kaso, sa pantasya ko lang naman 'yun eh. Hahaha

            But sshh...don't tell him ha? I like him... (^_^)

           

            Ayy!!! Siya nga pala hahaha. Muntik ko nang makalimutan, ako nga pala si Kate. Kate ang tawag nila sa akin, palayaw kumbaga. Halata naman 'di ba? Hahaha. Pero Katnis Fortaleza ang buo kong pangalan.

&quot;The Olympus Gods: My Man, ARES&quot; [ON-GOING: Slow Update]Where stories live. Discover now