CHAPTER TWENTY FOUR: OO NA!

11 2 0
                                    

Ilang araw na ba? Ay mali, ilang lingo na ba? Siguro nga buwan na eh. Ok, OA na naman ako, hehe. Actually days lang naman eh, 3 days to be exact nang hindi SIYA nagpaparamdam sakin.


Yeah, nagpaparamdam SIYA! But don't get me wrong ha? Hindi ghost ang nagpaparamdam sakin kundi tao, and specifically, si Ares. Pero ewan ko lang 'dun kung nanliligaw ba siya o ano kasi hindi naman siya nagsasabi.




Minsan nga nung nagkaklase kami may dumating na nagpakilalang delivery boy. Akala nga namin para sa teacher namin 'yung bouquet na dala niya eh. Pero nung kinausap na siya ng teacher namin, bigla na lang akong napanganga nang ilatag 'yun sa desk ko. Yes, literal na nganga! Si Alyssa pa nga ang nagsara ng bibig ko eh, psh!




Isa pa! Yung time na palabas na sana ako ng room kasama si Alyssa for lunchbreak, nakita ko naman siyang naghihintay sa tapat mismo ng pinto. Ayoko sana siyang lapitan o pansinin kasi malay ko bang baka hindi naman ako ang sadya, bah, edi asyumera lang ako?


Kaso nung nagtama ang mga mata namin, hindi ko na namalayang nasa harap ko na pala siya. Naramdaman ko na lang na mahina akong siniko ni Alyssa sabay bumulong na mauuna na lang daw siya. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya tahimik lang akong naghintay kung may sasabihin ba siya. Hanggang sa may iabot siyang tatlong red roses na may kasamang note, "for you." Tinanggap ko naman 'yun at binasa: "Buti pa kotse may preno, pero ako tuluy-tuloy nahuhulog sa iyo!"


Bigla naman akong napalunok dahil naramdaman kong unti-unting uminit ang mukha ko. Waaah! Oo na, ako na kinilig! "Thank you!" sabi ko na lang nang pilit na nakangiti.




Oh eto, isa pa talaga! Nagkukwentuhan kami nina Alyssa together with our other classmates habang naghihintay ng next teacher namin nang biglang mag-ring ang phone ko na nagpatigil naman samin sa kakatawa nang makita ang caller. Yeah, sinave ko number niya. Ewan ko nga kung anong sumapi sakin para gawin 'yun eh.


Iiignore ko na sana 'yung call nang biglang agawin naman ni Alyssa 'yung phone saka sinagot at niloud speaker. "Sa hinabahaba ng tulog ko, ikaw pa rin ang dahilan ng paggising ko." 'Yan lang sinabi NIYA sa kabilang linya then he hanged up.


Oo, as in 'yun lang kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ng mga kasama kong nakarinig 'nun, na siya ring nakapagpa-init ng mukha ko!




At hindi lang 'yun, dahil nasundan pa 'yun ng mga kung anu-ano pa na hindi ko na matandaan!


Kasi sa dami ba naman ng mga 'yun, hindi ko na mabilang kung ilang beses NIYA ako lihim na napangiti, napakilig, at syempre napasaya.




Nandito nga pala kami ni Alyssa sa mall ngayon having our lunch.


Wala lang, gumagala din naman kami pag may time noh. At syempre pag mall na ang pag-uusapan, makiki-wifi muna kami haha! Wala eh, mga adik na netizens kami haha! Joke!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"The Olympus Gods: My Man, ARES" [ON-GOING: Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon