CHAPTER THIRTEEN: TEMPTED..

14 2 0
                                    

"hmmhmm hmmhmm hmmhmm hmhmhmmmm…~" waaaaaaahh!! LSS ako!! Feel na feel ko pa nga ‘yung kilig moment eh haha!

"Uyy! Anong hina-hum mo diyan? At nakangiti ka pa? Para kang baliw, alam mo ‘yun?" tanong ni Alyssa, para tuloy akong biglang natauhan.

"Wala lang… bakit ba?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Wala…sabi ko baliw ka na…baliw!"

Aish! Sinimangutan ko nga! Huwag mo na nga lang patulan Fye!

Papunta na kasi kami ngayon sa gym dahil magsisimula na raw ang game! And guess what? Water girls lang naman kami ni Alyssa ngayon!

Tsk!

Pero ok na rin siguro para maging malapit na rin ako kay Lewis hihihi (ee,)…

Pagdating namin sa gym…

Whoa… nagwawarm-up na sila! At ang tatangkad ng mga kalaban ah! Pero siguradong yakang-yaka pa rin nila Lewis ‘yang mga ‘yan!

Wheeew!! Excited na akong manuod! (^w^)///

Lumingon ako kay Alyssa para magtanong kung saan kami didiretso para iready na ‘yung mga inumin ng mga players mamaya…

Kaso nung magtatanong na sana ako eh…

Tulala ang bruha!!

(♥.♥) --> ganyang-ganyan ang mukha niya! Swear!

Tiningnan ko naman kung saan siya nakatingin…

Kaso hindi ko makita ‘yung mukha eh.

Nakaupo lang kasi siya at nakasandal na nanunuod sa iba habang nagwa-warm up… naka-side view naman… kaso naka-cap din siya eh at medyo pa-side pa ‘yung pagkakasuot niya nung cap niya… kaya ‘yung sa bandang nose and lips lang ‘yung nakikita ko.

Tapos may napansin ako…

He’s quite familiar to me… especially, ‘yung sa korte ng lips niya…

Pero teka nga, uupo lang ba siya dyan at ‘di siya magwa-warm up gaya nung iba? Naka-uniform din kasi siya tulad ng sa basketball uniform ng school namin kaya paniguradong member din siya ng team namin.

Tapos biglang…

"Buti pa sila…" bulong ni Alyssa sabay bumuntong-hininga. Kaya napalingon naman ako ulit sa kanya.

"Uyy Alyssa… sino ‘yan?" sabay siko ko naman sa kanya kaya parang medyo natauhan naman siya.

"Oh? Ah ‘yan? Crush ko ‘yan…" diretso niyang sagot! Ni hindi man lang nag-atubiling umamin? "…matagal na… mahal ko na nga siguro ‘yan eh!" wow!

"Ikaw ba ‘yan Alyssa Park?" Gusto ko sanang itanong ‘yan sa kanya kaso parang sentimental si lola ngayon kaya ‘wag na lang haha.

Tumahimik na lang ako. Tapos bigla naman siyang naglakad ulit kaya sinundan ko naman siya. Hanggang sa makarating kami ‘dun sa bench ng mga players namin, pero teka nga asan siya? ‘Di ko siya mahagilap eh. Wala siya sa bench, wala din siya sa mga nagwa-warm up. Tapos ayun, nagsalita na nga ang announcer na magsisimula na daw ang game. Eh asan na ba kasi ‘yun?

Sakto namang kinalabit ako nung isang player, "miss pwede pakisabi kay Lewis na magsisimula na ang laro? Kasali kasi siya sa first five na maglalaro eh. Andun nga pala siya sa locker room, thank you!"

"Ahh, ok!" sagot ko naman, at nagpunta na akong locker room.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto eh agad naman akong tumalikod…

(>___<)

Waaaahhh!!

"Lord! Ilayo niyo po ako sa temptations!! Please!" sigaw ko sa utak ko!

( />.<\ )

 

&quot;The Olympus Gods: My Man, ARES&quot; [ON-GOING: Slow Update]Where stories live. Discover now