CHAPTER NINETEEN: WAY BETTER THAN HIM!

14 2 0
                                    

 

ARES' POV

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO KATE!!" Tsk! Ano ba 'yan, ang ingay! May natutulog dito oh!

"Aaah.. Hindi pala Kate.. .Fye pala. Cassey Fye Yu." Wait! Tama ba dinig ko? Hindi ako sigurado kaya bumangon ako para tingnan sila kung sino. Kaso... sana nga hindi na lang ako tumingin eh.

"Na-miss kita Lewis." Saka siya tumakbo then hugged him from behind.

 

"I miss you too.."

I know walang-wala akong karapatan pero... bakit ba kasi kelangan ko pang masaktan nang ganito?

Tsk! Makaalis na nga lang! Mamamatay lang ako dito eh! They don't know about it but they're killing me with jealousy. Kasi oo, nagseselos ako! I know wala ako sa lugar para magselos. Oh eh ano ngayon?

Nakakainis din naman kasi 'tong epal na author ng storyang 'toh eh! Bibigyan na nga lang ako ng moment, 'yung nakakaselos pa! Tsk!

***

Ewan ko... huwag na lang siguro... bahala na nga! Tsk!

Nandito kasi ako ngayon sa loob ng sasakyan ko sa parking lot at kasalukuyang nagdadalawang isip pa kung papasok ba ako o hindi

 First game kasi ng school namin para sa basketball tournament kaya alam kong nandun din sila at siguradong makikita ko na naman sila pag pumasok ako. Pwede naman na hindi na ako sumali eh kasi pang-high schoolers lang naman dapat 'yan at college student na ako.

Kaso, kanina pa kasi ring ng ring 'tong cellphone ko sa kakatawag at kate-text ng Hades na 'yun! Kesyo daw kahit college students na kami, part pa rin daw kami ng basketball team ng school namin. Ano ba naman 'yan oh!

Oo na, sige na, papasok na! Tsk!

Halftime na pala pagpasok ko kaya dumiretso na ako sa lockers namin. Ok na siguro 'toh. At least I won't stay that long seeing them. Kaso...

Sa 'di inaasahan kong pagkakataon pagbukas ko ng pinto eh kamuntik ko na siyang makabanggaan...

Anong ginagawa niya dito? 'Di ba dapat nasa bleachers lang siya at manunuod lang? Eh anong ginagawa niya dito?

Nagulat din siya, pero nah... I just glanced her coldly and wiped away that trembling sensation I'm feeling every time na mapapalapit ako sa kanya at nagtuluy-tuloy na akong pumasok. Hindi ko rin nga maintindihan ang sarili ko eh... para akong natutuliro kapag andyan siya, alam niyo 'yun?

"Sorry I'm late..." sabi ko nung makalapit na ako sa team.

"Ba't ngayon ka lang?" salubong na tanong naman ni Hades pagkakita niya sakin. As expected, inabutan ko siyang nagmumukmok na naman 'dun sa sulok. And pupusta pa ako, hindi na naman 'yan naglaro kaninang first half. Ganyan naman 'yan palagi eh, kapag hindi pa ako naglalaro eh hindi din 'yan maglalaro. Tsk! Isip-bata rin kasi 'yan minsan eh.

"You wouldn't mind asking if what she's doing here, right?" tanong niya ulit nang mapansin niyang napatingin ako sa kanya nung lumabas siya.

Yeah, I wouldn't mind. Kaso...

"She's here with Alyssa as water girls." Ok? Now what? I didn't even ask him, right? But at least now I know.

Hindi ko naman kelangan makinig sa mga discussions ng tactics ng coach namin eh kaya nag-ayos na lang ako ng locker ko.

"Ang tagal mo naman..."

"Sorry naman..."

"Oh sige sige, ako nang bahala dito... Habol ka na lang 'dun ha? Mauna na ako."

Tapos ko nang ayusin ang sintas ng sapatos ko saka naman ako tumingin sa kanya.

Eh pano pa siya lalabas niyan?

"Tsk!" sabay punas-punas niya ng panyo sa sarili niya.

Ok? Bakit ba kasi... ayy! Ewan!

"Suotin mo..." sabay hagis ko ng t-shirt at lumabas na rin ako. Baka kasi kung ano pang magawa ko sayo eh.

I just couldn't resist her!

She doesn't know. But, since that day when we first bumped into each other, that day when I was walking nang patalikod dahil kinakausap ko si Hades nun at hindi ko nakikita ang dinadaanan ko... since that day, hindi na siya nawala pa sa isipan ko. And to think that that was way back when I was still in senior high school and she was a freshman. Ang tagal na 'di ba? Ang tagal ko nang in love sa kanya!

Love at first sight, right? Alam ko namang may gusto siya sa lalaking 'yun eh. But she doesn't deserve him. Though katropa ko siya, he's still my rival.

That's why... I'm going to make her realize that I am way better than him!

"The Olympus Gods: My Man, ARES" [ON-GOING: Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon