CHAPTER TWENTY ONE: CAN THIS BE LOVE?

22 2 0
                                    

*booooogggsshh!!*

Ayan! Sa sobrang lito ng puso at isip ko, nalito na rin pati ang mga mata at paa ko kung saan dapat dumadaan nang walang mababangga! Umupo naman ako kaagad para pulutin ang mga gamit kong nagkalat.

"I-I'm sorry..." wait! I know that voice!

Waaaaaaahhh! I'm not yet ready! Hindi pa ako handang makita siya ulit!

Sige, kunwari 'di ko siya narinig... Magbibingi-bingihan na lang ako at continue lang sa pagpulot ng mga nahulog kong gamit.

"Tulungan na kita..." uh oh!

Hindi ko naiwasan, napalingon na nga ako sa kanya! Sabi na nga ba eh!

"Oh! Ok lang, no need." pag-aatubili ko sa kanya.

Pero hindi naman siya nakinig eh, at nagpatuloy lang sa pagpulot nung mga notebooks ko. Open kasi 'yung bag ko nung magbanggaan kami kaya halos lahat ng laman eh iniluwa nito. Ang kalat nga sa hallway eh! Psh!

Hanggang sa matapos na nga naming pulutin lahat at naibalik ko na sa bag ko.

Hmmmmm... Pano ba 'to...

Magkaharap lang kami pero wala namang masabi... tsk!

Nakatingin lang din siya sakin...

Awkward...

"Ahh eh, 'yung t-shirt mo nga pala nakalimutan kong dalhin para isoli, pwede bang sa susunod na lang? San nga pala kita pwedeng mahanap next time?" buti nga naalala ko 'yung tungkol 'dun noh? Nakakahiya naman kasi, ang tagal nang nasa sakin 'yun eh!

Pero... NEXT TIME??

"Nasa engineering department ako, 3rd floor ng college building number 2, Ace Class... pero ok lang din naman sakin, sayo na lang 'yun para may remembrance naman ako sayo." sabi niya nang nakangiti.

College na pala siya? Kaya naman pala kasali siya sa basketball team ng school at basta-basta na lang na sumusulpot dito eh! At engineering pa ang kinuha niya ah!

"No, isosoli ko 'yun. Nakakahiya naman din kasi sayo eh..." waaaah! Eh bakit parang it sounds like gusto ko pang may next time?

"Ok, ikaw ang bahala..." wheeeew! So may next time pa nga talaga ganun?

Silence ulit...

Awkward ulit...

"The Olympus Gods: My Man, ARES" [ON-GOING: Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon