CHAPTER FOUR: WHAT'S WITH THE NAME??

29 2 0
                                    

 

 

FYE's POV

 

            Mamimiss ko si mama. Kahit gano'n sa akin si papa. Kahit naman papano'y minahal ko rin sila at itinuring na mga magulang.

            "Hmmm, mommy pwede poh ba akong bumisita kina mama?...Kahit... paminsan - minsan lang?"

            Ginagap niya ang aking mga kamay. Mahigpit, at ngumiti. "Kahit dalasan mo pa anak."

            Sobra akong nasiyahan sa pagpayag niya. Dahil do'n ay bigla ko siyang niyakap na ikinagulat niya naman. "Salamat po..." Niyakap niya rin ako, mahigpit.

            "Nandito na tayo anak."

            Agad akong napatingin sa bintana ng kotseng aming sinasakyan. Ito na nga ba? Ito na nga ba talaga ang tunay kong tahanan kung saan makakasama ko'ng tumira ang tunay kong pamilya?

            Kamakailan lang nang malaman kong hindi ako tunay na anak nila mama at papa. Ngunit hindi rin naman tumagal ay nakilala ko ang aking tunay na mga magulang.

            Ambilis...

            Parang kahapon lang...

            Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko.

            Hindi na ako ang dating Katnis Fortaleza na kilala ng mga taong kakilala ko.

            Cassey Fye Yu...

            Ito na ang bago kong identidad. Maging ako'y hindi pa rin makasanayang gamitin ang aking bagong pangalan.

            What's with the name??

            Kailangan ba talagang palitan ang pangalang nakasanayan ko?

            Kinausap na rin nila ang aking mga guro at ang aming principal sa school tungkol sa pagbabago ng aking katauhan. Naman ang mga kaklase ko'y nalilito na rin sa kung anu ba talaga ang tunay kong pangalan.

            Katnis Fortaleza ang pagkakakilala nila sa akin. Kaya ganun na lang ang kanilang pagtataka na sa tuwing may tatawaging Cassey Fye Yu sa rollcall ay magtataas ako ng aking kamay at wala naman silang natatandaang kaklase na ganun ang pangalan.

            Nasa sala na ako ngayon kasama ang aking tunay na mga magulang.

            Nilibot ko ang paningin ko.

            Ang laki...nakakalula.

"The Olympus Gods: My Man, ARES" [ON-GOING: Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon