Kabanata II

79 15 11
                                    

         "Hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan sila! Paano ko sila iiwan kung nakita ko na-" Huminga nang malalim si Auriga at pinilit na pigilan ang luha, hindi niya mapigilan ang sarili na maluha matapos ang huling mga nakita niya sa panaginip.

         Kumuyom ang kamao nya sa inis na nararamdaman. Paanong kayang maging makasarili ni Gail kahit alam niyang may masamang nangyari? Nang una niyang bangungot ay agad niya itong sinabi kay Gail; madalas mangyari ang bangungot at nalaman nila na laging may masamang nangyayari sa panaginip sa tuwing umaabot sa punto na hindi na normal ang paghinga nya at hindi na siya makagalaw.

          Mula palang pagkabata ay nasa kuya niya lamang ang tiwala nya, lalo na sa mga kakaiba at tuloy-tuloy nyang panaginip. Naalala niya noong una ay tinawanan lang siya nito nang i-kwento niya nang detalyado ang apat na panaginip niya na parehong mga tao ang nandoon; kahit mga bata sila noon ay naniwala na rin si Gail nang pareho at paulit-ulit lang ang detalye ng itsura ng mga taong laman ng kwento.

          Hindi nila alam kung paanong pareho lamang ang mga taong nasa panaginip niya, kahit na iba-iba ang mga pangyayari ay sila pa rin ang mga kasama niya.Sinubukan
nilang sekritong alamin ang dahilan, nagtanong-tanong sa mga magulang hanggang sa mga kamag-anak pero tanging si Auriga ang nakararanas niyon. Mula noon ay sekrito na nilang mag-kapatid ang mga panaginip niya. Mahigpit na bilin ni Gail na 'wag itong ipagsasabi dahil hindi lahat ay pwedeng maniwala sa kaniya kahit pa ang sarili nilang mga magulang.

         Nag-angat muli siya ng tingin mula sa pagyuko nang maramdaman niyang umupo sa tabi nya ang panganay na Delvante.

         "Ano bang nangyari at halos ibuwis mo ang buhay mo para sa kanila?"

          "Ang alam ko ay... .."Muling inalala ni Auriga ang nangyari sa huling bangungot niya.

          Naglalakad siya sa isang mahabang pasilyo, mabilis ang lakad na para bang may hinahabol siya at aligagang pilit na binubuksan ang isang puting pintuan. Hindi niya alam ang gagawin upang mabuksan ang pintuan kaya sinandal niya na lang ang noo dito kasunod ang malakas na buntong hininga.

          Kumatok siya sa pinto. "Papasukin mo na ako. Sige na," pagmamakaawa niya.

          Nasasaktan siya sa nangyayari, ang sakit ay para bang pinipiga ang puso nya. Bumagsak ang luha. Ilang saglit pa ay dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang namumutlang lalaki. Kulot at may kahabaan ang itim nyang buhok, mahaba ang pilik-mata nya na kulay itim ang mga mata at singkit ang mga ito. May manipis at pula siyang labi, matangos ang ilong. Kapansin-pansin ang nunal sa kaliwang pisngi ng lalaki. Matipuno ang katawan at maputi ang balat.

           Lumapit siya, makikitang siya ay mas matangkad kay Auriga. Hinawakan ni Auriga ang kaliwang kamay ng lalaki, nabigla siya, nanginginig ang kamay nito at namumutla ang muka.
   
            Kunot-noo niyang tiningnan ang lalaki. "Yalex.. ... "

            Malungkot na tumingin si Yalex kasunod ang dahan-dahan nitong pag-alis na nagbigay daan upang makita niya ang natatakpan ng lalaki. Napalunok siya ng laway at muling tiningnan ang lalaki. Ang gulat ay hindi niya maitago, marami siyang gustong itanong, ang tangi niya lamang nagawa ay maglakad papalapit sa kama.

           Napatakip siya ng bibig, tinatago ang malakas
na hikbi, puno ng luha ang mga mata habang pinagmamasdan ang taong nakahiga. Balot siya ng puti at duguang kumot mula ulo hanggang paa. Nanlalabo man ang mga mata ay muli niyang hinarap si Yalex na malungkot na tumingin sa kaniya. Sa muling paglapat ng tingin sa lalaki ay napansin ng anak ng Delvante ang mga maliliit na mga mantsa ng dugo sa itim na pantalon at kahel na damit nya.

            "Anong?.... ..Ano bang nangyari?"

            Tikom ang bibig ni Yalex.

             Kumuyom ang mga kamao, ramdam ni Auriga ang pag-init ng mga tainga, unti-unting tumindi ang galit. "Sumagot ka?! Anong nangyari!? Nasaan siya!" malakas na sabi ng babae, matalim ang tingin kay Yalex.

Eventide Interference Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon