Kabanata XIII

19 10 4
                                    

           

             Pinagmasdan ng direktor ang kaniyang ama mula sa puno na hindi kalayuan sa puntod. Binibigyan ng ilaw na galing sa katabing poste ng ilaw ang puntod at masayang kinakausap ni Elmondo ang yumaong asawa.

           “Dalaga na ang anak natin, mahal,”ngumiti nang malawak si Elmondo at pinunasan ang luha niya.“May nobyo na siya, sinunod ko ang sabi mo na bantayan ko lahat ng manliligaw niya. Boto ako kay Malcolm, nakita ko kong gaano niya kamahal ang kaisa-isang anak na babae natin. Kaso galit siya, akala niya ginagamit ko si Malcolm para mapatawad niya ako.”

           Kating-kati na si Auriga na lumapit sa tatay niya subalit pinigilan niya ang sarili, gusto niyang marinig lahat ng saloobin ng ama niya. Mahigpit niyang niyakap ang sarili, sa higpit ng yakap ay sumiksik ang lilang dyaket sa katawan niya at naibsan ang lamig na dulot ng gabi.Tinuon niya ulit ang atensyon sa ama.

            Nakayukong bumulong si Elmondo,“Mapapatawad pa kaya ako ng anak mo?”

           Tumalikod ang direktor, pumunta siya sa kotse at kinuha ang makapal at itim na dyaket. Maingat siyang naglakad, dahan-dahan niyang nilapag sa balikat ng ama ang dyaket na nagpaangat ng balikat niya sa gulat.

           Nanlaki ang mata ni Elmondo na tumingin sa kaniya, “Sinong nagsabi sa 'yo na narito ako!?”

           Umupo siya sa tabi ng ama, “Alam ko na lahat.”

           Naningkit ang mata ni Elmondo at nanatiling tahimik. Hinawakan niya ang talulot(petal) ng Mirasól
(Sunflower) na nakalapag sa puntod.

           Naiiyak na tinitigan ng direktor ang tatay niya samantalang nasa bulaklak ang mata ng negosyante,
“Patawarin mo ako, pa. Kung nalaman ko lang noon, hindi sana kita tinrato na parang kaaway.”

           Nanatili sa bulaklak ang mga mata ng negosyante, “Wala kang kasalanan. Kailangan ko talaga gawin ang lahat dahil nag-aalala ako sa iyo.” Niyakap niya ang anak at hinimas ang buhok niya, “Pinatawad na kita kahit hindi ka humingi ng tawad. Normal lamang ang reaksyon mo.”

          Umiyak nang umiyak ang direktor sa bisig ng ama niya at hinigpitan nila ang yakap. Nagagalit siya sa sarili niya, hindi dapat niya pinahirapan ang taong tanging ginawa ay mahalin siya at protektahan.

          Gumapang ang dobling init sa katawan ni Auriga na akala mo ay dalawa ang yumayakap sa kaniya. Napagtanto ni Auriga na kasama nila ang mama niya at tingin niya ay masaya na si Leana sa pagkakabati nila ni Don Elmondo.

           Aligagang sinuot ng direktor ang puting dress na ang itaas na bahagi ay puro iba't- ibang bulaklak na gawa sa iba't-ibang kulay ng sinulid tulad ng kahel at asul na nakaburda sa tela ng damit. Hanggang siko ang haba ng manggas nito. May isang maliit na bulsa sa kaliwang bahagi ng damit at doon niya inilagay ang telepono. Taas-noo siyang umikot sa malaking salamin na nasa kwarto niya at pinagmamalaki na disenyo ng matalik na kaibigan ang suot. Sinuot niya ang pulang high-hills at hinayaang nakalugay ang lampas balikat na buhok na ang dulo ay kinulot niya.

          Nagmadali siyang tumakbo, winalang bahala ang ingay ng suot na high-hills at tinginan ng mga pasyente sa ospital. Matingkad at maaliwanas ang umaga na kasing ganda ng ngiti ng direktor. Malakas niyang tinulak ang pinto. Nang makita niya na nakaupo at nakasandal si Shenara  sa unan ay agad niya itong niyakap nang mahigpit.

           Nakangiting binati ni Shenara ang direktor, “Nanabik ka bang makita ako?”

           Ang tanong ay mas lalong nagpahigpit ng yakap ng taga-disenyo. Totoo bang naririnig ko ang boses niya?

Eventide Interference Where stories live. Discover now